Kabanata 6

1100 Words
IGINALA NI Georgianne ang paningin sa loob ng mansion. Napakalaki n'yon at napakalawak. Parehas na malaki rin ang kanilang bahay sa Maynila, ngunit iyon ay moderno. Ang bahay nila Jaime rito sa Hacienda La Amarillo ay native ang design. Half-concrete lang ang bahay at ang natitira'y amakan na ang ginamit. Sa loob ng bahay ang mga double walling ay kawayan naman ang nilagay. Maging ang mga kagamitan ay yari sa kawayan. Sala at dining set na yari sa kawayan. May mga buhay pa na halaman sa loob na talaga namang nakaka-refresh ng paningin. Para siyang bumalik sa panahong 90's. Ngunit eleganteng tiles naman ang sahig at ang kisame. Nagco-compliment ang kagamitan at ang buong istraktura ng bahay sa isa't-isa. Napakaprobinsya ng dating. May ikalawang palapag 'yon na ang hagdan ay tingin niya'y gawa sa mahagony na kahoy. The house is breath-takingly beautiful. Iyon nga lalng, pansin niya walang masyadong kagamitan. Wala siyang nakikitang TV, DVD player o kahit man lang speaker. Wala rin siyang nakitang fridge. Napakunot-noo siya. "Walang ref?" Natawa si Jaime sakaniya. "Sa dami ng pwede mong unahing tanong, talagang 'yung fridge pa ang naisip mo. Senyorita, ipagpaumanhin mong walang pridyider dito. Hindi uso sa Hacienda ang mga modernong kagamitang nakasanayan mo sa Maynila," nakataas ang labing sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. Oh no! That can't be. Hindi niya kayang mabuhay na walang fridge. Ayaw niya uminom ng hindi malamig na tubig. Na walang yelo. Paano ang mga pagkain? Mabubulok! Isa pa, dala niya ang mga skincare niya na kailangang malamigan! Naiinis na pumadyak siya. "Tsk, what kind of place is this? Sa nakikita ko naman hindi ka naman nanglilimahid sa gutom, fridge lang hindi mo pa ma-afford? You're so kuripot!" Maarteng-maarte na sabi ng dalaga. Naglapat ang mga labi ni Jaime. Sumeryoso ang mukha. "Senyorita Georgianne, hindi basehan ang mga modernong kagamitan o gaano kasosyal ang isang bahay para masabi kung gaano kakapal ang pitaka ng isang tao. May mga taong mas pinipili maging lowkey lang, o yun bang simpleng pamumuhay lang. In our life, it's not all about money and material things," Napaismid siya. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago si Jaime. The good son and mighty Garcia. The Mr. Knows it All. The always right. Parehas na parehas talaga nito ang kanyang nakakatandang kapatid na si Giovanni, laging prim and proper, kagalang-galang at napakaseryoso. Wala man lang kathrill-thrill sa katawan! "Let me tour you around, Senyorita," magalang na sabi nito at inunahan na siya maglakad. Pumunta silang likuran at doon nakita ni Georgianne ang dirty kitchen. Aaminin niyang maganda naman talaga ang design, pero nagtataka siya bakit wala ang mga kitchen tools. "Wait, nasaan ang stove? I mean, the gas range? The oven? Microwave?" Pilit niyang hinahanap pero wala talaga siyang makita. "Hindi ka naman siguro bulag, Senyorita. Kung wala kang nakikita, ibig sabihin ay talagang wala." "Wala! Eh saan tayo magluluto n'yan?!" Nanlalaki ang butas sa ilong na sabi niya. Jaime chuckled. "Dito," at tinuro nito ang isang handmade stove. Gawa iyon sa semento. At walang tangke! Nakita niya ang mga kahoy na pang-siga roon. "D-Don't tell me walang stove rito...? 'Yan ang gagamitin...?" Nanghihilakbot na tanong niya. Ngumiti ito. "Tama ka sa naiisip mo, Senyorita. Hindi uso rito ang mga gas range na sinasabi mo. Sa palayok ka magluluto. Mayroon din naman mga kawali d'yan na malalaki," sabay turo sa mga nakasabit na wok. Napangiwi siya nang makitang mga wok 'yon na pang probinsya. Hindi tulad sa Maynila na non-stick pan at iba't ibang kulay pa. Bakit ba napakabaduy pumili nitong Jaime na ito. "Don't worry, I'll give you some money tomorrow. Bumili ka ng gas range at microwave. For sure, mayroon naman sa bayan 'non," Nagdilim ang mukha ng binata at nilapitan siya. Napalunok naman si Georgianne sa labis na kaba. Naaamoy niya si Jaime sa ginawa nitong paglapit. And she wondered what's his perfume. Napakabango nito. At bakit nate-tense siya tuwinang lalapitan siya nito? "Hindi ko kailangan ng pera mo, Senyorita. Kung nanaisin ko lang, kayang kaya kong bumili ng alinmang gugustuhin ko. Huwag mo akong insultuhin, not this time, Senyorita. You don't know what I'm capable to do..." mahinang sabi nito at tinignan siya sa mata. Napalunok ang dalaga. "W-Why? Ano'ng gagawin mo...? You will kill me...? Nagre-revenge ka ba dahil sa ginawa ko noon sa'yo...?" sabay kipkip ng dibdib. "No, I can't never do that you. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na saktan ka. Oh, but I can kill and punish you in some other ways..." mapanganib na sabi nito at nilapitan pa siya. Kabadong-kabado naman si Georgianne at pakiramdam niya'y hindi na siya makahinga. Halos maduling na siya kakatitig kay Jaime. At sinabi niya noon na hindi niya tipo ang mga lalaking tulad ng itsura nito. Very like her brother. Hindi masculine, bagkus ito 'yung tinatawag na beautiful guys. Pretty face, kumbaga. Wala itong balbas o bigote, which is minus points sakaniya. Mas gusto niya kasi 'yung may balbas dahil manly ang dating n'yon sakaniya. Gusto niya rin 'yong ma-muscle at malalaki ang dibdib. Mayroon six pack abs. Mga lalaking naggugugol ng ilang oras sa gym. Mas gusto niya rin 'yong mga lalaking tan o medyo moreno. Hindi siya mahilig sa mga tisoy at mga ma-pinkish ang balat. 'Yung tipo bang mestizo. Kaya nga sa kapatid niyang mga lalaki na si Giovanni at Giuseppe, kahit parehas gwapo, kung siya ang babae, mas preferred niya ang ka-gwapuhan ni Giuseppe. Tisoy na tisoy kasi ang kapatid niyang si Giovanni. At ganoon din si Jaime, pero bakit tila na-a-apektuhan siya? Hindi niya tipo ang mga datingan nito hindi ba? Ahh, baka naiintimidate lang siya sa pagiging bossy nito sakaniya. O kaya, namimiss niya lang si Luiz. Tama, baka ganoon nga lang. Napaiwas siya ng tingin. Umalis siya sa pagkakasukol dito. "P-Paano tayo mabubuhay ng ganyan kung ganyan ang lutuan? I don't know how to use that," "Tuturuan kita mag-siga," Nanlaki ang mga mata niya. "What? No way! Ayoko nga! For sure naman may mga kasambahay tayo rito, sila nalang ang turuan mo!" "Pagmamay-ari ko ang bahay na ito kaya ako ang masusunod. Ibinilin ka sa akin ng magulang mo. My house, my rules and my decision. Now, kung may problema ka roon... wala ka pa ring magagawa," at tumaas ang isang sulok ng labi nito. Napakamot siya sa batok sa sobrang inis. "Jaime, alam nating dalawa na napakabusy mong tao. Ang pag-aksayahan na i-babysit ako sa Hacienda mo ay kalabisan. Pwede naman tayong mag-usap, hindi kita iinisin, pero sasabihin mo sa parents ko na nagpapakatino ako para naman makuha ko na ang approval nila sa boy--"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD