NANINIKIP ANG DIBDIB ni Georgianne nang maalala ang mapait na bahagi na iyon ng kanyang buhay. Akala niya, nakalimot na siya. Akala niya sa pamamagitan ng pagiging playgirl at pagkakaroon ng bold na personality ay mawawala na ang sakit na iyon na nangyari sa buhay niya. Pero hindi pa pala. Dahil tuwing maaalala niya iyon ay ibayong sakit sa puso ang nararamdaman niya. Afterall, hindi pa rin pala siya manhid. May pakiramdam pa rin pala siya. Nakasurvive siya noon. Naabutan siya ng kanyang magulang. Pero inulit niya ang pagtatangka sakaniyang buhay. Wala na talaga siyang ganang mabuhay noon. Puro pasakit ang kanyang nararanasan. Hindi niya matanggap na ganoon ang naging kapalaran niya. Bumagsak ang kanyang katawan at nadiagnosed siya na mayroong severe depression. Dala na rin siguro ng tr

