Kabanata 42 - NEW UPDATE

1462 Words

ALAM NI Georgianne na hindi siya ang babaeng karapat-dapat kay Jaime. Deserve nito ng isang babaeng malinis at kaya nitong ipagmalaki. Isang babaeng may pangarap sa buhay at mayumi. Isang mabuting ehemplo. At siya ay kabaligtaran niyon. Napakarami na niyang nagawang pagkakamali sa buhay at imperpekto siya sa perpektong mundo ni Jaime. Kahit sabihin bang mahal siya nito, hindi naman sapat lang ang pagmamahal lang. Paano kapag nalaman nito ang madilim na kahapon niya? Paano kapag bumalik ang bangungot na iyon sa kanyang buhay? Hanggang ngayon ay kinakain pa rin siya ng konsensya niya noong ipamigay niya ang anak niya na parang tuta lang. Kaya nga kahit kailan ay hindi niya nilapit ang sarili sa mga bata dahil ayaw niyang ma-attach sa mga ito. Ayaw niyang maisip ang anak niya. Ngayong tuman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD