Sa ilang araw na pagtatrabaho ni Jeremy sa kompanya nina Vita ay naging maayos naman ang lahat. Pakiramdam niya ay nabuhayan na naman siya ng dugo sa tuwing papasok siya. Iba pa rin talaga ang pakiramdam niya kapag sa umaga ang trabaho niya. Kumatok si Jeremy sa pinto ng opisina ni Vita saka pumasok ng marinig niya ang boses ng dalaga. "Good afternoon," bati niya sa mga kaibigan nito na nasa loob ng opisina ng dalaga at prenteng nakaupo sa sofa. "Dinalhan ko kayo nang ice coffee," sabi niya saka inilapag nito ang dalawang baso sa mesa na kaharap lang ng mesa. "Oy! Salamat, Je. Kanina pa nga ako nauuhaw," sabi ni Eric saka kinuha ang isang baso saka ininom. "Salamat, Je," nakangiting pasasalamat ni Francis. "Hindi ka lang talaga gwapo, mabait pa. And oh! A hot one, too." Napailing-ilin

