Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang araw nang huling magka-usap sina Jeremy at Vita. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ng dalaga at hindi niya alam kung bakit. Napatingin siya sa opisina ni Vita. Nami-miss na niyang kausap ang dalaga, pero papaano niya ito kakausapin kung sa paglapit pa lang niya ay umiiwas na agad ito sa kanya. Palagi ding masama ang tingin nito sa kanya na animo'y ang laki-laki nang kasalanan niya dito, pero wala naman siyang maisip na nagawa niyang mali. Kahit ano naman kasing isipin niya ay walang mali sa pakikipagkita at paghatid sa kanya ni Nancy. "Jeremy." Napatingin siya kay Jhoanna saka lumapit dito. "Pakidala naman ito sa second floor, oh. Kay Mrs. Ruiz." Kinuha niya ang folder nito. "Okay." "Thank you, Jeremy." Ngumiti siya dito saka

