Nasa isang cafe si Jeremy, at hinihintay na dumating si Dante. Tinatawagan niya ito kanina para makipagkita sa kanya. “Ano pong order niyo, Sir?” tanong sa kanya ng waiter. “Mamaya na lang, may hinihintay pa kasi ako,” nahihiya niyang sabi. Ayaw sana niyang pumasok dito dahil nahihiya siya. Hindi naman kasi siya o-order, at wala din siyang perang pambayad. Ni piso nga ay wala siya. Pero wala siyang magagawa dahil dito kasi siya pinaghintay ni Dante. “Okay, Sir.” Aalis na sana ito ng tawagin niya ito ulit. “Ahm, pwede po bang makahingi ng isang basong tubig?” Napakamot siya sa batok. Kanina pa kasi siya nauuhaw, pero ni pambili ng ice water ay wala siya. As in, walang-wala na talaga siya ngayon. Kahit tubig man lang ang mailagay sa kanina pa niyang kumakalam na sikmu

