Ibinigay ni Jeremy ang kanyang resume sa manager ng isang restaurant na a-apply-an niya. Kahit janitor lang o taga-hugas ng pinggan ang ibigay nitong trabaho sa kanya ay ayos na sa kanya, basta magkaroon lang siya ng trabaho ngayon. Hindi siya magiging mapili sa trabaho. Total, isang janitor lang naman siya noon sa cafe, dahil sa kasipagan niya kaya siya na-promote sa pagiging cashier. “Jeremy Sanchez,” pagbasa ng manager sa pangalan niya na nakasulat sa resume niya. “Yes, Sir.” Ngumiti siya ng todo dito. “Ayos lang po sa akin kahit janitor lang o taga-hugas ang ibigay niyo sa aking trabaho, Sir. Hindi po ako mapili sa trabaho, at masipag po ako. Kahit anong ipapagawa niyo sa akin ay kaya ko pong gawin. Kaya masasabi kong hindi po kayo magsisisi kapag tinanggap niyo po ako.” Na

