ESCORT 08

1704 Words
“Salamat dito, Sandra.” Pinakita ni Jeremy ang pera na pinahiram sa kanya ni Sandra. “Huwag kang mag-alala. Babayaran din kita kapag nakahanap na ako ng trabaho. Hindi ko nga alam kung kailan.” Napakamot siya sa batok.   “Ano ka ba, okay lang ‘yun. Bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na. Magkaibigan tayo kaya tutulungan talaga kita.” Napangiti na lang siya dito. Kahit kailan ay maasahan niya talaga ito. “Kumusta ka na pala? Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakadalaw sa ‘yo. Medyo naging busy kasi sa cafe simula ng umalis ka.”   “Ito ayos lang naman kahit na namomoblema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho.” Napabuntong-hininga na lang siya. “Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Siya nga pala, baka may alam ka na raket diyan?”   Napakunot-noo siya ng mag-alinlangan ito. “Pasensya ka na, Je. Mukhang hindi kita matutulungan sa paghahanap ng trabaho. Pinagbantaan kasi kami ni ma’am, na kapag tinulungan ka namin ay kami naman ang magiging kagaya mo.” Napabuga ito ng hangin. “Kahit gustong-gusto ka naming tulungan ay hindi namin magawa. Parang nakatali ang mga paa at kamay namin kay ma’am.”   Napakuyom siya ng kamao dahil sa inis. Naiisip niya tuloy kung may lahi bang masokista ang matandang ‘yun, dahil kahit na anong mga masasakit na salita na ang kanyang mga sinabi, pero hindi pa rin ito sumusuko. Take note, nasaktan na din niya ito physically. Hindi nga lang gano’n kalakas.   “Gusto ka nga sana dalawin nina Carlo, kaso lang natatakot kay ma’am.”   Napabuga na lang siya ng hangin. “Ayos lang. Ayaw ko din naman na pati kayo ay madamay sa kabaliwan niya. Sabihan mo na lang sila na ayos lang naman ako.”   Ilang minuto pa sila nag-usap bago umalis si Sandra. Nahihiya man ay wala na siyang iba pangmalalapitan at mahihingan ng tulong kung hindi si Sandra lang. Humiram na lang siya ng pera dito para lang may makain sila.   Dalawang tuyo lang ang ulam nila kanina dahil wala na siyang mapambili ng ulam. Hindi na siya kumain pa para lang masigurado na makakain ang mga kapatid niya.   Tumayo na siya saka nagtungo sa maliit nilang kusina. Kumuha siya ng kaldero saka nilagyan ito ng isang basong bigas para gawing lugaw. Kaunti na lang din ang bigas nila, kaya wala siyang choice kanina kung hindi ang manghiram ng pera kay Sandra para may ipambili siya. Sa ngayon ay lugaw na muna ang kakainin niya para lang magkalaman ang kanyang tiyan.   Hindi nagtagal ay dumating ang kapatid niyang si Marie. Kumuha ito ng upuan saka tumungtong doon at sumilip sa ginagawa niya. “Ano ‘yang niluluto mo, Kuya?”   Ngumiti siya dito saka hinalo-halo ang lugaw para hindi masunog ang bandang ilalim nito. “Lugaw.”   “Pwede pahingi?”   “Oo naman.”   “Yehey! Salamat, Kuya,” masaya nitong sabi. “Hindi kasi ako masyadong nabusog kanina, eh. Kulang ang ulam.”   Biglang nawala ang ngiti niya at nakaramdam ng konsensya. Naghati-hati lang kasi ang apat niyang kapatid sa dalawang tuyo kanina. Mabuti na lang hindi ito nagreklamo.   Pilit na lang siya ngumiti dito. “Maglaro ka na muna doon. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang lugaw, okay?” Inalis niya ito mula sa pagkakapatong sa upuan saka bahagyang ginulo ang buhok nito.   “Okay, Kuya.” Masaya itong umalis sa kusina. Nang nasa maliit na sala na ito ay nadatnan nito si Dante na pumasok ng bahay nila. “Kuya Dante.”   “Hi, Marie.” May kinuha ito mula sa bulsa saka binigay sa bata.   “Wow, candy! Salamat, Kuya,” may malaking ngiti nitong sabi.   “Welcome. Bigyan mo din ang ibang kapatid mo, ha?”   “Okay, Kuya Dante.”   “Si Kuya mo?” tanong nito habang napapatingin sa paligid.   “Nasa kusina po, nagluluto ng lugaw.”   “Okay. Sige na, maglaro ka na.” Nagpaalam na ito dito.   Pumasok sa kusina si Dante at nakita si Jeremy na nagluluto ng lugaw sa de uling na kalan.   “Je.” Biglang napalingon si Jeremy sa tumawag sa kanya at nakita si Dante.   Napangiti siya ng makita ito. “Oh, Dante. Ikaw pala.”   Lumapit ito sa kanya. “Balita ko wala ka na daw trabaho.”   “Oo, eh. May alam ka bang raket diyan?”   Si Dante ang isa sa mga kababata niya na kapitbahay niya lang dito sa squater area. Simula ng magtrabaho siya ay minsan na lang sila nagkikita dahil halos bahay, at sa trabaho lang siya. Isang construction worker si Dante at stay in ito sa site. Pareho silang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap.   “Meron.”   Napatingin siya dito saka napangiti. Sa wakas ay magkakatrabaho na din siya. “Ano ‘yun? Ipasok mo naman ako, oh. Wala na kasi akong ipon para sa pamilya ko. Alam mo naman kung anong gusto kong mangyari para sa kanila.”   “Alam ko. Kaya nga ng malaman ko sa nanay mo na wala ka na pa lang trabaho ay pumunta na ako dito.”   “Naku! Salamat, Dante. Hulog ka talaga ng langit.” Pinisil niya ang mukha nito na agad naman nitong tinanggal dahilan para matawa siya. “Ano nga pa lang raket ‘yan?”   “Escort.”   Bigla ay napakunot-noo siya. “Escort?”   “Escort ang tawag sa trabaho ko, Je. Alam mo, madali lang ang gagawin natin. Ang magpasaya ng customer. Maging maligaya lang ang customer natin ay may pera na tayo. The more na maging happy sila, the more na may malaki silang tips na ibibigay sa atin.” Nakakunot-noo pa rin siyang nakatitig dito. “Huwag kang mag-alala. Pwede ka naman hindi t-um-able ng bakla. Pwede namang babae ang i-table mo, gaya ko—”   “Sandali. Sandali.” Itinaas niya ang isa niyang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. “Escort ang trabaho mo?” Tumango ito bilang sagot. “Pwedeng hindi ka t-um-able ng bakla?” Tumango na naman ito. “Ang ibig mo bang sabihin sa trabaho mo na escort ay para ding call boy?”   Gusto niya kasing makasigurado. Basi kasi sa pag-explain nito sa trabahong escort ay para ding call boy. Napatitig siya sa kaibigan, tinitingnan niya kung nagbibiro lang ba ito.   “Parang gano’n na nga.” Nanlaki ang mga mata niya. “Pero mas maayos ang escort kaysa sa call boy, Pre. Kasi kapag call boy ka, para ka ding mga GRO sa gilid ng daan, naghihintay ng customer. Samantalang sa amin ay may sariling club ang pinagta-trabahuan ko. Isa pa, mga mayayaman ang mga nando’n, at hindi basta-basta kaya makakasigurado akong malaking pera ang kikitain mo sa isang customer lang.”   “Sandali nga lang, Dante.” Pagpipigil na naman niya dito. Para kasing hindi nagsi-sink in sa utak niya ang mga sinasabi nito. “Paanong isang escort ang trabaho mo? Hindi ba isa kang construction worker?”   “Noon. Si Arnold ang nagsama sa akin doon sa club, isa din siyang escort. Mas nakita ko kasi na mas madali ang pera sa trabaho na ‘yun kaysa sa construction worker kaya naman pinatos ko na. Tingnan mo, may tricycle na kami ngayon.”   Napasapo siya sa sariling noo. Akala niya kaya nagkaroon ng tricycle ito dahil sa pagpoporsige nito. “Teka, alam ba ‘yan ng pamilya mo?”   “Syempre, hindi. Gago ka ba? Baka patayin ako ng tatay ko kapag nalaman no’n ang trabaho ko.” Napangiwi siya habang nakatingin dito. “Hoy,gago ka! Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Kung makatingin ka akala mo may AIDS ako, ah.”   “Baka doon ang punta mo. Iba’t-ibang babae ang ginagalaw mo, eh.”   “May tinatawag kaya na condom. Kapag ganito ang trabaho natin, kailangan talaga natin ng proteksyon ng hindi tayo masabit. Isa pa, buwan-buwan akong nagpapa-check up para malaman ko kung may sakit ako. As for now, wala pa naman. Thanks to condom.”   “Gago.” Napailing lang siya. “Ayoko.”   Ito naman ang hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. “Bakit?”   Napabuga siya ng hangin. “Kapag tinanggap ko ang trabahong ‘yan, parang wala na din akong pinagkaiba sa pagpatol sa matandang ‘yun.” Ikinuwento niya kung bakit nawalang siya ng trabaho.   Kung ang trabaho nga nito ay escort, mahihiya pa ba siya na magkwento dito tungkol sa in-offer sa kanya ng matanda.   “Bakit hindi mo pinatos?”   “Gago! Ayoko nga. Parang lola ko na nga ‘yun, eh.” Nginiwian niya ito.   “Sus! Kung ako ang may ganyang mukha tapos aalukin ako ng gano’n, hindi na ako tatanggi,” sabi nito habang hawak-hawak ang baba.   “Ikaw. Kaso hindi ako, ikaw. Isa pa, hindi ko kaya ang ganyang trabaho, Pre.”   “Makakaya mo ‘yan, Pre. Lalo na kapag gipit ka.” Napailing-iling ito. “Isa pa, wala namang mawawala sa ating mga lalaki sa trabaho natin. Maliban sa magkakapera tayo ay masasarapan pa tayo sa kama.” Bigla niya itong binatukan. “Gago ka talaga! Umalis ka na nga. Baka masunog pa itong lugaw ko ng dahil sa pinagsasabi mo diyan.”   “Ayaw mo talaga, Je?” tanong nito ulit. Nagbabakasakali na magbago ang isip.   “Bahala ka diyan. Basta ayaw ko ng ganyang trabaho. Okay na sa akin na maglugaw-lugaw. Isa pa, baka hindi magtagal ang pagpapantasya sa akin ng matandang ‘yun.” Napabuga siya ng hangin. “Ah, basta! Makakahanap din ako ng trabaho.”   Nagkibit-balikat na lang ito. “Ikaw ang bahala. Basta kapag nagbago ang isip mo, alam mo naman ang number ko. Sa tingin ko kasi, patok talaga sa mga babae ‘yang mukha mo.” Hindi na siya nagsalita pa, at nagpaalam na ito sa kanya. Napailing na lang siya. Hindi niya inaasahan na gano’n pala ang trabaho ng kaibigan niya. Kahit gaano niya isipin ay hindi niya talaga kayang maisip na gano’ng trabaho ang papasokan niya. Hindi kaya ng sikmura niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD