ESCORT 06

2027 Words
Nang makabalik sa kwarto si Jeremy, kasama sina Carlo at Bert ay agad siyang napahiga sa kama. Pagod ang nararamdaman niya ngayong araw. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pagod. Pagod ba sa pagmumuni-muni nila kanina ni Sandra, o pag-iisip kung anong pwede niyang gawin para tigilan na siya ng matanda.   Hindi naman siya tanga para hindi mapansin ang motibo nito sa kanya. Napabuga siya ng malakas na hangin dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawa.   “Siya pala, Je. May tanong ako sa ‘yo,” sabi ni Carlo na nakatingin sa kanya habang nakaupo sa sofa.   “Ano ‘yun?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa kisame.   “May gutso ka ba kay Sandra?”   Bigla siyang napabaling dito. “Kanino?”   “Kay Sandra.” Napakunot-noo siya sa sinabi nito.   “Bakit mo naman ‘yan natanong?”   Nagkibit-balikat ito. “Napansin ko lang kasi na close kayong dalawa. At saka hindi lang naman ako ang nakakapansin. Kahit ang mga katrabaho natin. Hindi ba, Bert?” Bumaling ito kay Bert. “Napapansin mo din ang closeness nila?”   “Oo nga. Akala ko nga mag-syota kayong dalawa.”   Naupo siya saka napailing. “Magkaibigan lang kami ni Sandra.”   “Ows?” Napailing ulit siya. Magtatanong ito, tapos kapag sinagot naman niya ay ayaw maniwala. “Wala ka bang gusto kay Sandra? Maganda naman siya, ah, sexy, at mabait pa.”   “Alam ko. Nakikita ko naman ang lahat ng katangian na ‘yun ni Sandra. Pero ewan ko ba, wala akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.”   “Paano kung umamin siya sa ‘yo na gusto ka niya? Anong gagawin mo?”   Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam. Pero alam ko na hindi mangyayari ‘yun dahil wala namang gusto sa akin si Sandra.”   “Ows? Wala daw. Eh, kitang-kita nga namin kung paano ka niya tratuhin, at kung paano siya tumingin sa ‘yo.”   Napapailing-iling na lang siya sa sinasabi nito. “Ilusyon mo lang ‘yun. At saka huwag niyo na ngang sinasabi ang mga ganyan, lalo na sa harap ni Sandra. Baka mahiya pa ‘yun. Magkaibigan lang talaga kami at wala ng iba pa, kaya huwag ka ng mag-isip-isp ng kung ano-ano.”   Magsasalita pa sana ito, pero hindi na natuloy ng humiga siya ulit sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol doon. Kaibigan lang talaga kasi ang turing niya kay Sandra, at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan na meron sila.     KINABUKASAN ay napagdesisyon nila na mag-relax sa hots spring. Magkahiwalay ang hot spring ng babae at lalaki, pero magkatabi lang ito. Napapikit siya ng maramdaman niya ang mainit na tubig sa buo niyang katawan.   “Ito talaga ‘yung tinatawag na relax, eh,” sabi ni Bert habang nakasandal sa tabi at nakadipa ang dalawang kamay sa gilid ng pool na gawa sa mga bato.   “First time ko sa hot spring. Grabe! Ang sarap sa feeling,” sabi naman ni Carlo. “Ngayon alam ko na kung bakit maraming gustong mag-hot spring.”   Hindi siya nagsasalita dahil nakapikit lang siya habang dinadama ang masarap ng pakiramdam. Silang tatlo lang ang nasa loob ng hot spring ngayon. Halos kalahating oras din silang nagbabad sa hot spring. Feeling niya ay ayaw na niyang umalis.   Ito ang hinahanap na relaxation ng katawan niya. Simula ng magtrabaho siya ay ngayon lang siya nakaramdam ng relax. Ngayon lang naramdaman ng katawan niya ang pagod at gusto nitong mag-relax. Kung ganito pala kasarap sa pakiramdam ang hot spring ay mag-iipon talaga siya para maidala niya ang kanyang pamilya dito. Sigurado siyang mare-relax ang nanay niya.   “Nauhaw ako bigla.” Narinig niyang sabi ni Carlo.   “Ako nga din, eh,” sang-ayon naman ni Bert. “Ikaw, Je? Hindi ka ba nauuhaw?”   “Pwede bang dalhan niyo na lang ako dito? Ang sarap pang magbabad, eh,” sabi niya habang nakapikit.   Sa sobrang sarap ng pakiramdam niya ay para bang makakatulog na siya. Kung pwede nga lang ay matulog na siya dito.   “Sige. Dadalhan ka na lang namin.” Narinig na niya ang mga yapak nito papalayo.   Inihilig niya ang kanyang ulo sa gilid at mas pina-relax ang katawan. Maliban sa brief, at maliit na tuwalya na nakatapis sa bewang niya ay wala na siyang iba pangsuot. Mas nararamdaman tuloy ng buo niyang katawan ang init ng tubig.   Nakarinig niya ng yapak papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi na niya ito pinansin dahil baka isa lang ito sa mga guest. Inaantok din siya kaya naman tinatamad siya na buksan ang kanyang mga mata.   Muntik na niyang makalimutan ang mundo dahil sa sarap na nararamdaman niya, at sa antok. Ngunit bigla siyang nabalik sa ulirat, at napadilat ng may humawak sa bandang dibdib niya. Tila ba hinahaplos ito. Bigla siyang napalayo ng makita si Mrs. Cruz.   “Sh*t! Anong ginagawa mo dito,” gulat niyang tanong.   “Hindi pa ba obvious?” malandi nitong sabi.   “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” Napapahakbang siya papalayo dahil lapit ito ng lapit sa kanya.   “Bakit naman ako mahihiya?”   “Anong bakit ka mahihiya? Hoy! Para sabihin ko sa ‘yo, ang hot spring na ito ay para sa mga lalaki. Lalaki ka ba?”   “Oh, come on, Jeremy. Huwag ka na kasing magpa-hard to get.” Natawa siya ng mapakla. “Anong hard to get ka diyan? Baka ikaw ang hindi nakakaintindi ng salitang ‘no.’ Ilang beses ko ng sinasabi sa ‘yo na ayaw ko sa ‘yo at tigilan mo na ako!”   Hindi niya maiwasan na lakasan na ito ng boses, dahil para itong bingi na hindi nakakarinig. Nawawalan na siya ng respito dito at parang sasabog na ang pasensya niya.   “Ano bang gagawin ko, Jeremy, kung ikaw ang gusto ko. Kung mahal kita.”   “Hindi nga kita gusto!” matigas niyang sabi, kasing tigas ng pagmumukha nito.   “Why don’t we try? Malay mo mamahalin mo din ako.” ”Ikaw?” Natawa siya. “Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang matandang katulad mo. Eh, para na nga kitang lola.” Wala na siyang pakialam kung mapagsalitaan niya ito ng mga masasakit. Baka kapag ginawa niya ito ay magbago ang isip nito at tigilan na siya.   “But I still want you.”   Napangiwi siya. Nandidiri na talaga siya dito. “Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Sa ibang tao? Sa tanda mong ‘yan ay naghahanap ka ng mas bata. Isa pa, kung papatol naman ako sa mga babae, mas pipiliin ko pa rin ang kasing edad ko lang. Hindi ‘yung,” tiningnan niya ito ng may pandidiri. “sa mga matandang katulad mo.”   “Matanda nga ako, pero kaya ko pa rin naman makipagsabayan sa romansa sa mga ka-edad mo. Mas may pera din ako kaya may panggagastosan ka.”   “Sabi ng ayaw ko—” biglang naputol ang sinasabi niya ng bigla siya nitong sugurin dahilan para ma-out of balance siya at mapasandal sa gilid ng hot spring.   Nanlaki ang mga mata niya ng makita itong nasa ibabaw niya at may malaking ngiti. Kinagat nito ang labi.   “Sinasabi ko na nga ba, eh. Gusto mo din ako, nagpapa-hard to get ka lang.”   “Ano bang pinagsasabi mong matanda ka? Umalis ka nga!” Agad niya itong tinulak at mabilis na umahon sa tubig.   “Jeremy.” Hindi niya ito pinansin at napatuloy lang sa paglalakad. “Jeremy!”   Nagulat siya ng tinulak siya nito ng malakas dahilan para madapa siya. Tatayo na sana siya ng biglang hawakan nito ang kamay niya saka pinaharap dito. Mabilis na dumagan ito sa kanya dahilan para magsitaasan ang mga baalahibo niya. Pakiramdam tuloy niya ay para siyang babae na nire-rape.   “Ano bang ginagawa mo?!” ”Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan, kukunin kita sa santong paspasan.”   Bago pa ito tuluyang lumanding ang pagmumukha nito sa kanya ay agad niya itong nahawakan sa magbalikan.   “Gumising ka ngang matanda ka! Nakakadiri ka!   “Let me kiss you, Jeremy.” Parang babaliktad ang sikmura niya ng makita niyang inginuso nito ang labi.   “What the hell is happening here?” Naangat siya ng tingin ng makita si Mr. Cruz kasama sina Carlo, at Bent na gulat na gulat sa posisyon nila.   Malakas niyang itinulak ang matanda saka napatayo. Mag-e-explain na sana siya ng biglang lumapit ang matandang babae sa asawa saka napahawak sa braso nito.   “Honey, sinubukan niya akong i-rape.” Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. “Sinasabi ko na sa kanya na ayaw ko sa kanya dahil mahal kita. Okay lang daw, basta bigyan ko siya ng pera. Honey, I’m scared.”   “Hindi po ‘yun totoo, Sir—” Hindi na niya natapos ang sasabihin ng suntukin siya nito bigla.   Agad naman pinigilan nina Carlo at Bent si Mr. Cruz, dahil susuntukin na naman sana siya nito. Napahawak siya sa pisngi niya.   “Hayop ka, Jeremy! Hindi ko inaasahan na lalandiin mo pala ang asawa ko. Hindi ko alam na ganyan pala ang totoo mong ugali!”   “Hindi po ‘yan totoo, Mr. Cruz—”   “I don’t care! Simula ngayon, you are fired! At sisiguraduhin ko na walang ibang kompanya na tatanggap sa ‘yo!”   Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. Magsasalita pa sana siya, pero parang walang gustong lumabas sa bibig niya. Sinisisante siya nito ng hindi man lang pinapakinggan ang explanation niya.   Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kwarto. Napaupo siya sa kama habang tulala. Hindi makapaniwala sa nangyari. Bigla na lang nagsitulo ang mga luha niya. Hindi makapaniwala na wala na siyang trabaho ngayon.   Pinunasan niya ang mga luha saka agad na nagbihis at inayos ang mga gamit. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito. Ayaw niyang kasama ang malanding matandang iyon, dahil dito ay nawalan siya ng trabaho. Habang nag-aayos ng gamit niya ay pumasok ang mga kasama niya.   “Je, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Sandra.   “Totoo ba ‘yung sinabi ni Mrs. Cruz, Je?” tanong naman ni Carlo.   “Syempre hindi.” Si Sandra na mismo ang sumagot dahil alam nitong hindi sasagot si Jeremy. Ikinuwento nito ang gustong mangyari ng matandang babae sa kanila ni Jeremy. “Yun ang totoo.”   “Eh, malandi naman pala ang matandang ‘yun, eh. Bakit hindi mo sinabi sa kanya na ‘yun pala ang gustong mangyari ng asawa niya?” tanong naman ni Sabell.   Napabuntong-hininga siya saka napatingin sa mga kasamahan niya na ang-aalala sa kanya. “Kahit naman sabihin ko sa kanya, maniniwala ba siya? Sa tingin niyo ba kanino siya kakampi? Sa akin na empleyado niya lang, o sa asawa niya? Wala naman akong pakialam do’n, eh, kasi alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga binibintang niya sa akin.” Napaupo siya saka napasapo sa noo. “Ang pinoproblema ko lang ngayon ay wala na akong trabaho. Anong gagawin ko? Sinabi pa naman ni Sir na sisiguradohin niya na walang ibang tatanggap sa akin.”   Napaupo sa tabi niya si Sandra saka hinaplos ang kanyang likod. “Huwag mo ng isipin ‘yun. Baka naman nasabi lang ni Sir ang mga ‘yun dahil sa galit. Huwag kang mag-alala, makakahanap ka din ng ibang trabaho.”   Dapat talaga makahanap na siya ng trabaho dahil ano na lang ang ipapakain niya sa pamilya niya? Paano na lang ang pag-aaral ng mga kapatid niya? Sana talaga hindi totohanin ng amo niyang lalaki ang sinabi nito.   “Oo nga, Je. Makakahanap ka din ng trabaho kung saan walang manyak na amo,” pampalakas-loob na sabi ni Carlo.   “Oo nga naman, Je. Ang sipag mo kaya. Hindi sila kawalan sa ‘yo. Mas kawalan sila sa ‘yo dahil pinakawalan nila ang masipag nilang empleyado.” Napangiti siya kay Carlo sa sinabi nito.   Kahit na namomoblema siya ngayon ay bahagya namang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil pinapagaan, at pinapalakas ng mga kaibigan niya ang loob niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD