"Hindi mo ako pwedeng takasan, Delailah!" angil niya. Napasinghap ako, nang marahas niyang
iangat ang aking panga, dahilan upang muling magtagpo ang aming mga tingin. Ang mga mata
niyang tila nababalot ng matinding galit! Nakakatakot!
"Walang saysay ang iyong pagtakbo, dahil mahahanap at mahahanap pa rin kita, saan ka man
magtago," puno ng diin niyang wika. Unti-unti, ang mabagsik niyang tingin ay nanumbalik sa
dati nitong anyo ngunit, nabahiran na iyon ng matinding pagnanasa. "Huwag ka nang
magmatigas pa. Hayaan mong punitin ko ang saplot na bumbalot sa makasalanan mong
katawan."
"Isuko mo ang iyong sarili sa akin, at ibibigay ko rin sa iyo ang kaluwalhatiang kailan man ay
hindi mo pa nararanasan. Gabi-gabi, habang ikaw ay nasa aking ilalim, dahan dahan kong isagad
ang aking lahat lahat sa masikip na iyong perlas. Gumiling ka't sumabay sa aking sayaw,
hanggang sa 'di mo na mapigilan pang ibuhos ang katas na bunga ng sarap na handa kong
ipalasap sa 'yo. Unti-unti kong iwala sa isip mo na isa akong demonyo na kinakatatakutan
ninyong mga nasasakupan ko."
Ramdam ko ang pag-apoy ng aking balat, dahil sa kasiguraduhang bumabalot sa boses niya na
iyon. Napunit ang isang ngisi sa manipis niyang labi. Naramdaman ko ang mahigpit na paghapit
niya sa aking likuran, dahilan para madiin ako sa malapad niyang dibdib. Nagkabuhol buhol ang
aking isipan. Tila naestatwa lang akong nakatitig sa kaniya, habang dahan-dahan niyang inilapit
sa akin ang kaniyang mukha.
"Pag-aari kita, Delailah. Sa pagtapak mo pa lang sa aking palasyo, nakatakda ang iyong
kapalaran na maging ina ng kahariang ito. Ikaw at ako ay magiging iisa. Wala na akong pakialam
pa kung ikaw mismo ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Basta akin ka, Delailah! Akin ka lang!"