Experiment

2019 Words
"Good morning everyone! I am Priscilla Willow, you can call me Cilla or pretty. I hope to be friends with you all." Ang maarteng babae kanina ang nagpapa-kilala ngayon sa harapan namin. Bored lamang ako na nakikinig sa kanila. Hindi ako sanay na nagbibigay ako ng atensyon sa taong nagsasalita sa harapan. Sumunod sa kanya ang isang lalaki na narinig ko kaninang nagsabi na kung hindi lang dahil sa Cilla na iyon ay hindi siya pupunta sa class eight, marahil ay ang kasintahan niya. "Wren Keanu, I am the President of Class One," maiksing pakilala niya. Tumayo naman ang kasunod niya na mahinhing babae kanina, bumulong sakin si Zyair na katabi ko, "Ganda nyan 'no, Kird? Crush ko na siya," hindi ko naman siya pinansin. "Hello everyone, it's a pleasant day to meet all of you. I am Euphrasia Chantal, Eury for short. I can help you if you have any concerns about our subjects. Thank you," bumulong ulit sa akin si Zyair, "Eury ng mundo ko," sinamaan ko lang siya ng tingin para manahimik na siya. Ang dami talagang katangahan nitong lalaki na 'to. "Aiden Harisson at your service. I love capturing things so if we have the same hobby, you can apply to my club named Photography Club." Halata naman sa kanya na mahilig siya doon dahil may nakasabit na maliit na camera sa leeg niya. Basta higher class walang bawal-bawal sa kanila, lahat ay pwede nilang gawin at walang pipigil dahil mga magagaling naman daw silang mag-aaral hindi tulad ng mga nasa ibaba na ang lakas ng loob mag-loko sa klase pero wala namang utak. "Thalia Fern here, nice to meet you." Uso ba ang bangs ngayon sa mga babae? Kahit itong babae na ito ay naka-bangs at mahaba ang ash gray na buhok nito. Kahit kulay ng buhok, piercings, tattoo ay pwede sa kanila. Huling tumayo si Treyton Seven at humarap sa amin, "I know everyone here already knew who I am. Treyton Seven, the SBO President. I am representing class one and I know you are all wondering why we are here right now. The director will discuss the program next week that he has been planning since last year," umupo na siya matapos sabihin iyon. Tama nga siguro ang hinala ko, ang director ang nag-utos sa kanila na isagawa ang plano at simulan dito sa class eight dahil kami ang nasa pinaka-dulo. "Hindi ko talaga alam kung bakit 'yan ang nanalo sa president ng SSC. Ang binoto ko kasi ay yung magandang babae na kalaban niya, sayang hindi pa siya nanalo. Ikaw? Sino ba ang binoto mo?" bulong na naman sa akin ni Zyair. Hindi talaga siya mapakali hangga't hindi siya nakakadaldal. Hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit bigla na lang na lumalapit at nakikipag-kaibigan siya sa akin. Dati naman ay wala itong pakialam din sa mundo, pero napansin ko na kung sino-sinong tropa ang sinasamahan niya pero simula nang sumama siya sa akin, 'di na niya sinasamahan ang mga iyon. "Wala akong binoto," maiksing sagot ko habang nakatingin lang sa harapan, "Huh? Pwede ba 'yun, walang binoto?" "Hindi ako pumasok. Manahimik ka na nga, kalalaki mong tao napaka-daldal mo," irita na sambit ko sa kaniya. Mabuti naman at natahimik na siya. Tumayo naman ang guro sa harap, "Okay class eight, be good to them. The principal notified us that we will have a short meeting at the office. I will be back in an hour, go and have a break first," paalam niya bago lumabas. Mabuti naman at mabilis ding nagsi-labasan ang mga kaklase ko kaya makaka-idlip ako dito. Yumuko na lang ako bago isinuot ang earphones ko at hinayaan na sila. Si Zyair ay lumabas din. Hindi naman talaga kami tropa no'n, siya lang itong lumalapit sa akin. Hindi ko kailangan ng mga kasama dito sa HIU dahil mas gusto kong mag-isa. Siguro ay kalahating oras na ang nakalipas at hindi ako makatulog. Nararamdaman kong may mga tao pa sa paligid kaya nanatilli akong nakayuko. Wala namang tugtog ang earphones ko. "Do you think he's asleep? He don't hear us?" rinig kong tanong ni Priscilla. Narito pa din ang class one students sa loob. Pagkakataon ko na ito para malaman kung ano ba ang pina-plano nila. Panigurado ay dito nila pag-uusapan. "I think so," maiksing sagot ni Aiden, "Why do we have to talk here?" dagdag pa nito. "We don't have any safe place yet. Here's the copy of the chemical substances that was used for the experiment that was still on going," may tunog ng papel kaya panigurado ay may tinitignan sila ngayon para mas maintindihan nila, "But the one that they were creating last week was failed right?" hindi ba uso ang mag-tagalog sa mga 'to? Tss. Sakit sa tenga makinig sa kanila. "Yes, that's why we are still not ready to start our plan. We have to wait for their signal. The combination of the chemical substances were not compatible that is why they created a new substances to perfect the mixture of the combination," si Treyton ang kanina pa nagsasalita sa kanila. "Are we going to test that first? What if it's failed again and affect our body?" tanong ng mahinhin na babaeng si Eury. Paano kaya kung ang eksperimento na sinasabi nila ay ita-try nila sa mga estudyante at sisimulan nila sa class eight? Wala pa akong ideya kung para saan at anong klaseng eksperimento ito. Hindi pa din masyadong malinaw ang plano nila sa akin lalo na't hindi ko naman nakikita ang hawak nila. Nag-abang ako ng sagot sa isa sa kanila ngunit naudlot ito, "Ang boring talaga kapag walang kasama, paano mo nakakayang mag-isa pareng Kird!" rinig kong sigaw ni Zyair habang papasok sa loob. Paniguradong umayos kaagad ng pwesto ang mga galing sa class one, "Ay tulog pala siya. Oh, mukha may meeting kayo. Ge tuloy niyo lang huwag niyo ako pansinin. Behave lang ako dito." "We're done," sambit lamang ni Wren. Panira talaga kahit kailan itong si Zyair! May malalaman na sana ako kung hindi lang dumating itong gago'ng 'to. Para hindi mahalata ay nanatili lamang akong nakayuko nang ilang minuto hanggang sa kinukulbit na ako ni Zyair para magising dahil may guro na daw. Inangat ko ang ulo ko at pasimpleng tumingin sa kabilang pwesto kung saan naka-upo ang anim na class one. Sinamaan ko ng tingin si Zyair nang maalala ang katangahan niya kanina. Umakto siyang dinedepensahan ang sarili gamit ang dalawang kamay niya at kinros iyon sa dibdib, "Oy inaano kita?" "Sa susunod na mag-ingay ka pa habang natutulog ako, may kalalagyan ka," bulong ko para hindi marinig ng iba. Alanganin niya akong nginitian, "Class, we have an activity. I will group you into eight. This activity is valid for one month. How would you show to everyone your hidden talent? In this activity, you have to create a performance or presentation about your talent or skills. This is a group work so that you would share ideas and help each other to build confidence and for you to be able to showcase what you've got. I am expecting a wonderful performance. I will represent class eight at the stage next month. Don't disappoint me again." Matapos niyang i-anunsyo iyon ay nag-simula na siyang i-grupo kami. Kami ni Zyair ay magkasama at isinama kami sa anim na class one. Nag-request kasi ang class one students na hindi na sila maghiwa-hiwalay pa kaya pumayag kaagad ang guro namin. "Okay go to your groupmates and start discussing about what you will do. This will serve as your first exam to my subject. Also, during the stage performance next month, our director will join us. It is a one-time event that is exclusive for class eight only," dagdag pa nito bago kami iniwan ulit. Niyaya naman ako ni Zyair na lumapit sa anim kaya inusod ko lang ang upuan ko. Mas lalong dumami ang mga hinala ko. Sa class eight sila ngayon nagfo-focus. Dati ay sa class one, two at three lang ang mga atensyon nila dahil sila ang mga nabibilang sa matataas, ngunit ngayon ay binibigyan kami ng pagkakataon na bumida sa entablado na siya namang nakakapagtaka. Alam ko naman na gusto ng mga guro na mag-improve ang mga nasa mababang class kaya naman nagtutuon na sila ng pansin sa amin. Ngunit base sa mga narinig ko kanina sa anim na ito, may iba pa silang binabalak. "We already knew our talents and skills so it was already easy for us. How about you two? Any talents to share?" nginisian naman ako ni Treyton, tila nagyayabang sa akin. Walang emosyon ko lang din siyang tinignan, "Tanong ko lang, naiinintindihan niyo ba ako?" tangang tanong sa kanila ni Zyair. "Yes, why?" sagot ni Eury, medyo kinilig naman si Zyair, bading amp, "Ahh, akala ko mga poreyngers kayo kasi english ng english. Baka naman pwede mag-tagalog kayo baka dumugo ilong ko dito e, hehehe." Kahit kailan talaga ay tanga 'tong si Zyair. Bahagya naman siyang tinawanan ng mga ito at ang iba ay napa-iling pa, "Uy, bakit? Nakakatawa ba 'yon? Hindi naman joke 'yung sinabi ko," nagtataka pa na tanong niya saka ako nilingon. "Nasa class eight nga pala tayo, what do we expect? Dumb people are here," isa din palang mayabang 'tong si Wren, "Tss," umismid lang ako at tumingin sa bintana, "Di naman kami tanga, naiintindihan ka nga namin, e. Baka ayun na ang talent ko, ang maintindihan ang salita kahit english," sabat na naman ni Zyair saka tumawa. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang magtanga-tangahan o sadyang tanga na talaga siya. "You called that a talent? You're so funny," maarteng sambit ni Priscilla, "So we will just waste our time here? Is this our work in class eight?" dagdag pa niya at tinignan ang kuko niya, "Bakit? Ano ba dapat ang trabaho niyo dito sa class eight?" seryoso na tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng deretso. Mukhang natauhan siya sa sinabi niya, "Well, we are here to help you with your studies," dahilan niya. "Iyon naman pala, e 'di huwag ka na magreklamo," sambit naman sa kaniya ni Zyair ngunit inirapan lang siya ng babae. "We will start tomorrow. Gagawa ako mamaya ng training activity if hindi niyo pa alam ang mga talent or skills na meron kayo at ipapakita ko sa inyo bukas." Si Eury lang ang may maayos na nasabi kaya tinignan ko siya at nahuling nakatingin din siya sa akin. "I agree, dapat din ay may plano tayo sa kung paano daw natin maipapakita ang mga talents natin kaya kailangan ng presentation o performance," dagdag ni Thaila. Mabilis lang ako makasaulo ng mga pangalan at itsura nila kaya hindi ako nahirapang kilalanin sila. Tumayo na ako dahil mukhang wala naman nang pag-uusapan nang magsalita si Treyton, "I know your talent," nakatingin siya sa akin kaya tinignan ko din siya, "Ang galing mo magtago at hindi ka man lang nahahanap kapag nakapag-tago ka na sa tuwing mahuhuli kang hindi pumapasok. Paano mo nagagawa 'yon?" nginisian ko naman siya, "Isa ka na din ba sa hindi nakahanap sakin?" Naalala ko kasi na sinabi niya kay Ma'am Alberia na ilang araw na niya akong binabantayan, "Sadyang tanga lang ang mga naghahanap kaya hindi ako agad nakikita," huling sambit ko bago tuluyang lumabas at iniwan sila. Wala akong oras makipag-initan sa kaniya. Halata naman na mainit ang mga mata niya sa akin kaya ako lagi ang pinapansin niya. Pasensya na lang siya dahil hindi ako interesado na palagan siya. Ang mga taong katulad ni Seven ang hindi nararapat sa matataas na pwesto sa eskwelahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD