bc

Class 8

book_age16+
892
FOLLOW
2.3K
READ
brave
twisted
no-couple
male lead
campus
betrayal
self discover
superpower
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

— SEQUEL STORY —

“The power is in your hands."

In Harrow International University, there is a student from class eight that hated the school's rules and regulations named Kird Orson. Later on, a group of students from class one transferred to class eight because of unknown reasons. Their teacher said that they transferred because the director of the school wants to improved students from class eight but Kird didn't buy that reason. He started to be attentive and keep his eyes to the six students from class one. Until he found out that they were planning something for Class Eight.

Kird tried to find it out and stop them, will he succeed? Will he let them discover their hidden powers? Let's find out!

chap-preview
Free preview
Class One
"Hoy! Cutting ka na naman!" "s**t, huwag mo isigaw." Sumenyas ako kay Zyair na huwag maingay. Gagong 'to, cutting na nga ako tapos isisigaw pa niya, "Sama ako, tanga." Mabilis siyang sumunod sa akin at nagtago kami sa pader habang pasimpleng pumunta sa canteen. "Sa susunod yayain mo ako kapag magka-cutting ka." Tinignan ko lang si Zyair habang nakapila kami sa canteen para kumain. "Baka mamaya mahuli tayo. Kapag ako lang mag-isa hindi ako nahuhuli," sambit ko. Hinawakan niya ako sa balikat ko, "E 'di manakbo tayo kapag nahuli. Basic lang." Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin pa. Matapos um-order ay umupo na kami sa lamesa at tahimik na kumakain. Kaunti pa lang ang estudyante dito dahil umaga pa lang at halos lahat ay nasa klase na. Huwag lang sana may dumaan na teacher kung hindi ay patay kami. Hindi ko din naman talaga ka-close ang isang 'to, kaya hindi ko alam kung bakit biglang sumasama sa akin. "Kird, bakit tamad na tamad ka pumasok? Sa isang buwan yata, limang beses lang kita makitang pumapasok," napaka-daldal talaga nito. Gusto ko nang tahimik na buhay pero sumama pa talaga siya para daldalin ako, "Gusto ko matahimik, kaya huwag ka na maingay." "s**t, may teacher." Napatingin agad ako sa paparating na si Miss Alberia at nakatingin na agad sa pwesto namin ni Zyair, "Huwag ka na manakbo, nakita na niya tayo," awat ko nang makita na aalis na sana siya. Yumuko na lang siya nang makalapit si Miss Alberia sa amin, "Is it your break time already?" masungit na tanong niya. "Pasensya na, Ma'am. Akala kasi namin absent ang teacher namin sa subject ngayon pero nasa room pala e nakain na kami no'n. Gutom na kasi kami kaya kami nandito ngayon," dahilan ko at umaasang makumbinsi siya. "What class are you from?" inabot niya ang ID na suot ko, "Class eight, you know that you are not allowed to eat here. There was a separate cafeteria for lower class," hindi ko talaga maintindihan kung bakit naka-hiwalay pa ang cafeteria ng mga lower class sa higher class, tss. "Pare-parehas lang kaming nag-aaral dito--" "Ma'am, I am keeping my eyes on this guy and I saw him almost everyday here and not taking up his subjects," sumabat sa usapan ang isang lalaking naka-salamin. Bida-bida amputa! Sino ba 'to? "Sinasabi mo? Sino ka ba?" asar na tanong ko. "I am Treyton Seven, student body council's President." Pinakita niya ang pin na nasa uniform niya. Siya pala ang nanalong president, hindi ko alam dahil nag-cutting ako no'ng botohan at tumambay lang ako sa garden. Tutal wala rin naman akong pakialam sa mga ganoong bagay. "And you are Kird Orson, the cutting guy. Nagsama ka pa talaga ng isa ngayon ha." Inismiran ko lang siya. "I will let you pass today, but the next time that I caught you again, you will be expelled for cutting classes everyday. Understood?" Itinapat sa akin ni Miss Alberia ang stick na hawak niya. Wala akong nagawa kundi ang tumango. "Sorry po. Ubusin lang namin ang pagkain namin at babalik na kami sa klase," hindi na siya nagsalita pa at umalis na sa harapan namin. Sinamaan ko kaagad ng tingin ang President na 'to. "O? Di ka pa ba aalis sa harap namin?" "Calm your ass Orson, go and study well para naman maabot mo ang Class one," mayabang na sabi niya. Ngumisi naman ako, "Kuntento na ako sa Class eight, ayoko makihalubilo sa mga taong tulad niyo." "Same feels." Umalis na lang siya at hinayaan kami, "Tangina pare badtrip, ang yabang no'n a! 'Yon pala ang nanalo na president, sayang hindi nanalo ang manok ko. Babae 'yon tapos maganda, e. Ikaw ba, sino ang binoto mo noon?" reklamo ni Zyair pero di ko na siya pinansin pa. Bantay sarado na ang pangalan ko kaya natulog na lang ako kada klase namin. Hindi nga lang ako makatulog nang ayos dahil lagi akong binabato at sinusuway ng kung sino man ang teacher namin. Ang tagal ng oras at gusto ko na umalis dito sa classroom. Hindi din naman ako makakatambay sa dorm namin dahil mga galing sa class one ang tatlong lalaki na kasama ko sa kwarto. Tuwing hapon ay nagka-cutting ako sa mga klase ko para matulog sa likod ng HIU kung saan tahimik at relaxing na lugar, sa garden. Kapag gabi ay hindi na ako nakakatulog kaya hindi minsan ay hindi ako nauwi sa dorm at naggagala lang. Naaabutan ko naman laging tulog ang guard sa labas kaya nakakatakas ako pero dapat ay alas-kuwatro ng madaling araw ay nakabalik na ako. “Okay class before I dismiss you, I have an special announcement," maga-awasan na kaya nabuhayan na ang dugo sa katawan ko at nakinig sa teacher na nasa harapan. “Starting tomorrow, a group of students from Class One will be transferred here." Mabilis na nag-react at nag-reklamo ang mga kaklase ko dahil sa narinig, “Bakit naman? Hindi namin sila kailangan dito,” reklamo ng isa, “Whether you like it or not, wala kayong magagawa. It’s the director’s request. May program na gustong ipatupad ang director para ma-improve ang mga nasa lowest class kaya may mga class one students na ililipat dito bukas para matulungan kayo. Hindi naman pwede na sama-sama lang kayo ditong mga mahihina. Two months from now may bibisita dito sa HIU from Education Department and they will observe every student, especially class eight. The director don’t want them to see a failing grades from yours, so do your duty as a student. Class dismissed!” Ano na naman kayang kagaguhan ang gustong ipatupad ng Director na ‘yon? Pagkalabas pa lang ng teacher ay mabilis na nag-ingay at nagusap-usap ang mga kaklase ko. Sinuot ko ang earphones ko at agad na lumabas ng classroom. Kung tutuusin ay pwede naman silang lumipat sa ibang university kung hindi na nila kaya ang pamamalakad sa HIU o ayaw nila sa sistema dito. Mabuti nga sila ay pwedeng lumipat dahil ako ay hindi ko magawa kahit na matagal ko nang gusto. Isa akong mistulang hayop na nakatali at nakakulong sa bahay ng amo. Hindi ko na din matiis at makaya kung paano ang sistema ng school na ito. Bilang lang ang mga naipasok ko sa klase dahil madalas ay cutting ako, pero hanggang ngayon ay hindii pa din ako nae-expelled. Maaga akong nagising kinabukasan at dalawang oras lamang ang tulog ko. Wala naman akong balak pumasok ngunit nag-dikit ng notice ang mga SBO officers na magiging mahigpit na ngayon at iisa-isahin nila ang bawat kwarto araw-araw upang tignan kung may estudyante pang hindi pumapasok. Mabilis akong nag-ayos at napag-desisyunan na sa ibang lugar na lang tumambay at matulog pero sa kasamaang palad, halos lahat nang tambayan ko ay may mga nakaaligid na bantay. Wala sa mood ay pumasok ako sa classroom, mabuti naman at ako pa lang mag-isa dito kaya iniyuko ko kaagad ang ulo ko sa desk ko. Balak ko na sanang umidlip nang ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ako ng mga nagtatawanan na pumasok sa loob, “OMG! I am so excited and ready to introduce myself later," maarteng sabi ng isang babae. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang mahaba ang buhok na kulay brown at medyo kulot ang ilalim na buhok, maputi, medyo makapal ang labi at mapula, na babae ang nag-salita. “Why are you even excited? We will just introduce ourselves in front of class eight students,” mayabang na sambit ni Treyton Seven, ang SBO president. Kahapon lang ay ayaw naming magkasama kami sa iisang classroom, pero ngayon ay kasama pa pala siya sa mga lumipat dito tss. “Guys, don’t look down to them just because we are at class one and they are in the last section,” mahinhin na suway naman ng babaeng naka-salamin at mahaba ang black na buhok. Tatlong babae at tatlong lalaki ang lumipat dito. Iniyuko ko na lang ulit ang ulo ko at hindi na sila pinansin pa. Mukha din namang hindi nila napapansin ang presensya ko. “If only it's not for Cilla, I wouldn’t be here," reklamo pa ng isang lalaki. Iidlip na sana ulit ako nang may dumagdag na maingay na pumasok sa loob. “Hey! Hey, my friend!” tinapik ni Zyair ang likod ko kaya inis ko siyang tinignan, “Tara sa canteen samahan mo ako kumain, maaga pa naman!” yaya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi man lang siya natinag at tumatawa pa, “Tara na hindi naman tayo magka-cutting! Libre pa kita." “Gago, alis,” seryosong sambit ko. Hinila-hila pa niya ako at napansin kong nakatuon na ang atensyon ng mga taga-class one sa amin kaya tumayo na ako, “Tara,” nauna na akong lumabas ng room at tuwang-tuwa na sumunod sa akin si gago. Pagkalabas ay hinila ko kaagad siya para magtago sa gilid ng classroom at sinenyasan siya na huwag maingay. Hindi naman na kami kita sa loob. “When should we start our plan?” rinig kong tanong ng isang babae sa kanila, “Until everything’s ready.” Gusto ko pa sanang makinig sa kanila pero baka makahalata pa sila na may tao dito sa labas kaya hinila ko na paalis si Zyair at dumeretso kami sa canteen, “Hoy bakit ka nakikinig sa kanila ha? Anong narinig mo?” pangungulit niya pero hindi ko na siya pinansin pa at dere-deretso lang na naglakad pero hindi siya tumigil sa kakatanong. “Wala, bilisan mo na bumili ng pagkain mo para makabalik na tayo sa classroom. Magsisimula na ang klase,” sumuko na lang siya at hindi na pumalag bago pumila para makabili. "Anong sayo? Libre nga kita," nilingon pa niya ako habang nakapila siya, "Huwag na, sarili mo na lang ang bilihan mo." Naupo muna ako sa isang lamesa at napa-isip sa narinig ko kanina. Una pa lang ay duda na ako sa program na sinasabi ng guro namin kahapon. Bakit kailangan na sa Class Eight pa ililipat ang mga galing sa Class One? May iba din na kabilang sa lower class mula sa Class Four hanggang sa amin. Masyado pang naging mahigpit ang sistema ngayon kaya pakiramdam ko ay may pinaplano talaga sila. Natuwa naman ako sa bigla kong naisip. Tutal kinakailangan kong sumunod sa ngayon dahil sa biglaang paghihigpit, kailangan kong pumasok sa lahat ng klase namin araw-araw. Mabuti na din na kasama ko sa iisang lugar ang mga estudyante na galing sa class one para mas mabantayan ko ang bawat galaw nila. Kailangan ko mag-isip ng mga dapat kong gawin para maibsan ang pagka-boring ko sa mga klase. Target ko na ngayon ang anim na estudyante na iyon. Base sa narinig ko kanina ay may sisimulan silang plano kaya kailangan ko munang malaman iyon at pigilan kung sakaling hindi maganda para sa mga estudyante dito ang binabalak nila. Akala ko kapag tumagal ay gaganda ang sistema ng HIU, pero mukhang mali ang iniisip ko dahil sa bawat araw, buwan, at taon na dumaraan ay mas lalong lumalala ang sistema ng HIU. Hindi uso ang mga karapatan ng estudyante ito, walang pantay-pantay sa mata ng bawat guro dahil lahat kami ay nahahati sa mataas at mababang grupo. Ang mga magagaling at matatalino ay nasa taas at kaming mga tinuturing nilang mahihina at wala nang pag-asa umangat ay nasa lower class. Nakakagago, pare-parehas lang naman kaming nagbabayad ng tuition dito pero hindi pare-parehas ang natatanggap namin mula sa kanila. Ang dami nang nag-reklamo dati na magulang pero wala silang palag sa mga nakakataas sa eskwelahan. Tinatanggap na lang nila ang kung ano man ang sinasabi ng school sa kanila. Ayokong maulit ang nakaraan kaya kung may panibago man silang binabalak, dapat ko nang pigilan habang maaga pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook