"Anong nangyari?" Bakas sa mukha ni Zy ang gulat dahil sa ibinalita ko, "Kinakausap ko sila kanina pero ni hindi man lang sila sumasagot. Mga walang reaksyon ang mga mukha nila. Nag-inarte pa kanina si Cilla na nakakairita daw ako dahil ang ingay ko. Hanggang sa si Eury na ang nagsalita, sino daw ako. Wala daw silang ideya sa mga pinagsasabi ko kanina," kwento ko. "Gago talaga ang director Lucas na 'yon! Paniguradong may ginawa siya kila Eury kaya gano'n sila maki-tungo sa iyo," inis na sambit niya. "Yan din naman ang naiisip ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat nating gawin." Nagulo ko ang buhok ko dahil gulong-gulo na ang isipan ko ngayon. Ano ba ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon? "Alamin na muna natin kung ano ang Senses Syrup na tinutukoy ni Treyton. Sa ngayon, mag

