Debate

2398 Words
“Gago ka talaga, bakit mo tinaas ang kamay ko kanina?” inis na singhal ko kay Zy. Lumayo siya kaagad sa akin at nag-tago sa likod ni Eury. “Sorry na buddy, gusto ko kasi ‘yung tensyon sa pagitan niyo ni Treyton kaya ikaw ang sinuggest ko.” Alanganin niya akong nginitian. “Tama na ‘yan, nag-agree din naman ako. Kailangan niyong ipakita ang lahat ng kaya niyong gawin. Sa susunod Zy, ikaw naman ang may kailangang gumawa ng mga bagay na ito,” singit ni Eury. Hinayaan ko na lang sila, “Una na ako," paalam ko bago sila iniwan. Mabuti na lang at maaga ang awas dahil may meeting na naman daw ang mga guro. Napapadalas na ang pagpupulong nila kaya nakakapagtaka. Hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan kong mag-punta sa conference room para makinig sa mga pag-uusapan nila. Tumingin muna ako sa paligid kung may naka-sunod ba sa akin o may mga nagbabantay, nang masiguurado ko na wala ay pasimple akong pumunta sa likod ng conference room kung saan may isang bintana at magagawa kong makinig. Mabilis akong nakarating doon at nakitang walang takip na kurtina ang bintana. Bahagya akong sumilip at ang mga guro ay nandoon na, pati na din ang principal at ang director ng HIU. Yumuko na ako para hindi nila ako mapansin. Nilabas ko ang headphone style na device ko saka isinuot at idinikit ang dulo nito sa pader para marinig ko ang mga pinag-uusapan nila sa loob. Ang device na ito ay pinagawa ko noon sa ibang bansa para magamit sa mga ganitong sitwasyon. Kinonekta ko na din ang isa pang saksakan sa cellphone ko para mai-record ang kung ano mang sasabihin nila. “Let’s start first with the agenda of our upcoming program," paninimula ng isang guro. Umupo muna ako. damuhan, mabuti na lang at malinis dito at masarap ang simoy ng hangin. “Our program was named by our director which is the Project Brain.” Anong katangahan ‘yon? Project Brain? Naalala ko ang mga pinag-usapan ng mga class one students kahapon sa classroom, na may plano sila at may ginagawang chemical substance mixture na hindi ko maintindihan. Ano ba talaga ang meron? “As you can see, we have here the new product called—“ “HOY! BAKIT KA NANDYAN?!” Mabilis akong kumilos at nanakbo nang marinig ang sigaw ng isang guwardiya. Mabuti na lang at hindi naisipan ko kaninang takpan ng panyo ang kalahati ng mukha ko. Nakahanap ako ng matataguan ko kaya naman nalagpasan ako ng guwardiya. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko inalis ang takip sa mukha ko at pinagpagan ang sarili. Tinago ko na din sa bag ko ang headphones at normal na umalis sa lugar na ‘yon. Umuwi na lang ako kaagad sa dorm, nakakainis! Hindi ko man lang narinig ang kahit kalahati ng meeting nila. Humiga ako sa kama ko, wala pa ang tatlong kasamahan sa dorm. Sinuot ko naman ang earphones ko para mapakinggan ang nairecord ko kanina. “As you can see, we have here the new product called—“ Paulit-ulit kong pinakinggan ang mga huling salita na iyon. Product? Anong klase iyon? Iisa lang ang naiisip ko pero posible kayang gawin nila iyon? Itinugma ko ang mga narinig ko kila Eury noong nakaraan at sa narinig kong usapan sa pagpupulong kanina. May isang binubuong experimento ang scientist na nabanggit nila Seven, at may nagtanong sa kanila kung susubukan ba nila muna iyon. Ngayon ay may isang bagong produkto ang ilalabas ng HIU para sa Project Brain program na ipapatupad nila. Hindi kaya, ang produkto na iyon ay ang experimento na sinasabi nila? Nakaramdam ako na may kumulbit sa akin, “Kanina ka pa tinatawag ni Chantal sa labas. tss." Inis na sambit sa akin ng ka-roommate ko na kaklase ni Eury sa class one. Masyado na yatang malalim ang iniisip ko kanina kaya hindi ko siya naririnig. Inalis ko ang earphones ko at nag-palit ng tshirt bago lumabas at nadatnan ko doon si Eury na naghihiintay, “Bakit?” bungad ko. “Kailangan mong paghandaan ang debate na mangyayari bukas sa pagitan niyo ni Trey, let’s go.” Kinunutan ko naman siya ng noo, “Bakit naman? Hindi ko naman talento ang mga gano’ng bagay,” walang ganang sagot ko. “Huwag ka nang mag-reklamo at sumunod ka na lang, please? May mga ka-grupo ka at sayo kami kakapit kaya kailangan mong makisama. Hindi naman namin gustong matalo nang hindi man lang lumalaban.” Ang dami namang alam nito, “Saan ba?” natuwa naman siya agad sa narinig, “Tara sa dorm ko, nandoon na din si Zy kanina pa. Kami lang naman nila Cilla at Thalia ang magkakasama sa dorm, pero si Cilla kasama sila Trey since magpa-plano din sila ng mga ibabato sayo bukas na sagot.” Daldal niya habang naglalakad kami papunta sa kwarto nila. Imbis na itutulog ko na lang sana ang oras na ‘to ay kailangan ko pang sayangin ang oras ko sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Rinig ko kaagad ang ingay ni Zy nang makarating kami sa pinto. Nadatnan namin sila na naglalaro ni Thalia sa mga cellphone nila. “O ano talo ka, Thalia huwag ka na lumaban pa dahil wala ka nang magagawa. Tambak ka na, mas madami na ang score ko kaysa sayo!” pagyayayabang ng kumag, “Sana all nakabihis na.” sambit pa niya nang mapansin na ako, “Guys, stop na ‘yan and let’s start,” suway ni Eury sa dalawa, mabilis naman silang tumigil. Inilabas ni Eury ang mga dapat kong paghandaan na isagot at mga halimbawa na pwedeng sabihin ni Seven tungkol sa paksa niya. Nagkunwari lang ako na pinapakinggan ko siya kahit ang totoo ay tinatamad na ako. Tumango-tango lang ako hanggang sa muntik na ako makatulog. “Scam ‘yan si Kird, hindi siya nakikinig tignan mo oh! Inaantok na siya,” sigaw ni Zy kaya napabalik ako sa katinuan. Sinamaan ko siya ng tingin, “Nakikinig ako. Ikaw ba may naintindihan sa mga sinabi ni Thalia at Eury?” “Meron!” matapang na sagot niya, ngumiti naman ako, “E ‘di ikaw na pumalit sa akin bukas. Tutal naintindihan mo pala ang lahat.” Mabilis siyang umiling, “Aba, hindi na! Kaya mo na ‘yan.” tumayo ako at kinuha ang folder na hawak ni Eury, “Tigil na tayo dito, ako na nag bahala bukas. Magpahinga na kayo.” “Make sure na pag-aaralan mo ‘yan ng ayos,” utos ni Thalia. Bahagya lamang akong tumango at nauna nang lumabas. Hinabol naman ako ni Zyair at inakbayan, “Buddy, good luck bukas ha. Galingan mo para three points ka na agad!” “Tss, tigilan mo nga ako. Hindi ko hilig ang mga ganitong bagay kaya huwag ka na umasa na mananalo tayo.” “‘Wag gano’n, dapat subukan mo pa din.” Nilingon ko naman siya, “Bakit ikaw hindi mo sinubukan at ako pa ang dinamay mo sa katangahan mo?” lumayo naman siya sa akin, “Hehe, sorry na. Pero kaya mo ‘yan. Bye!” Mabilis na siyang nanakbo palayo sa akin dahil umakma ako na sasapakin ko siya. Pagdating ko sa kwarto ay mabilis akong humiga at tinignan ang mga isinulat nila Eury bago ako nakatulog. Alas-dyes ng gabi ay naalimpungatan ako at nakaramdam na parang may madaan-daan sa labas ng kwarto namin. Ang balak ko lang ay umidlip para makatulog pa din ako ng gabi, pero napahaba pala ang tulog ko. Naramdaman ko na naman na may dumaan sa labas ng kwarto namin. Tumayo ako mula sa pagkakahiga, tulog na nag tatlong kasamahan ko. Kinuha ko ang headphone device ko at idinikit sa pintuan ang dulo para marinig ko ang nangyayari sa labas. “Where are we going anyway? It’s so dark,” rinig kong reklamo ng isang babae, “Shut up, Cilla. Others might hear you. Here is the map.” Si Seven ang nag-salita. Map? Anong ginagawa nila ng ganitong oras at gumagala sa eskwelahan? Naisipan kong sumunod kaya kinuha ko ang itim na face mask ko bago lumabas ng kwarto nang mapansin na wala na sila sa labas. Naglibot-libot ako para mahanap sila at nang maaninag ko sila ay papunta sila sa science laboratory. Kumpleto silang anim kaya naman ay mas nagtaka ako. Pasimple ko lamang akong sumunod sa kanila para hindi sila makahalata. Pagpasok nila sa laboratory ay akmang makikinig na ako sa labas nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakitang iyong guwardiya kanina na humabol sa akin kanina, “Anong ginagawa mo ha?” Mabilis ko siyang itinulak palayo at nanakbo. Kinatok ko pa ng malakas ang pintuan ng science lab bago nanakbo. Hinabol naman ako ng guard. Nagtago agad ako at madilim ang paligid kaya hindi ako mahanap ng guard. Naaninag ko na nanakbo na din paalis ang anim na class one. Mabilis akong lumihis ng daan paikot sa kwarto namin. Nasigurado ko naman na walang nakakita sa akin bago dahang-dahan pumasok sa kwarto namin. Isang bagong isipin na naman kung ano ba ang ginagawa nila doon ng ganitong oras. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa gym. Hindi ako nakatulog ng ayos matapos ang nangyari kagabi kaya naisipan ko na lang na tumambay sa gym at hintayin ang iba doon. Sinabihan naman kami kahapon na hindi na kailangan pang dumeretso sa room kapag unang subject dahil two hours ang practice namin para sa event. Pagdating ko ay naroon na pala si Seven at kami pa lang ang nandito, napatingin siya agad nang maramdaman ang presensya ko. “It seems like you didn’t sleep at all, busy mag-isip ng mga ibabato sa akin mamaya?” Nginisian niya ako. Agang-aga ay nagyayabang siya, umupo naman ako sa harap niya. Ganoon pa din ang pwesto at naka-bilog ang mga upuan, “Ala-singko pa lang ng hapon ay tulog na ako, kaya maaga ako nagising. Ikaw ata ang hindi nakatulog ng ayos, mukhang napagod ka kagabi.” Doble ang ibig sabihin na sabi ko. Naguluhan pa siya noong una at bumakas sa mukha niya ang pagtataka. “Hindi ko na kailangan pang pag-aralan ang topic, kahapon pa lang ay alam ko na ang lahat ng dapat kong sabihin.” “Congrats,” sarkastikong sagot ko. Maingay naman na pumasok ng gym sila Cilla, Zy, at Thalia, “Good morning guys— oh, start na ba ang debate?” Maarteng sambit ni Cilla nang makita kaming dalawa ni Seven. Umupo na din sila sa bawat pwesto nila, inakbayan ako ni Zy, “Ano pinagisipan mo na ba ng ayos, Kird? Galingan mo, a! Kiss kita kapag nanalo ka.” “Kadiri, gago.” Natawa naman siya sa reaksyon ko. Nakumpeto na din kami nang dumating sila Wren, Aiden at Eury. “Paano malalaman kung sinong mananalo sa mangyayari na debate?” tanong ni Zy sa kanila. Pumasok bigla sa gym si Miss Alberia, “Miss Alberia will be our judge for today’s debate. Let’s start?” anunsyo ni Wren. Wala namang sumagot sa kanya, “I guess you guys are ready. Who wants to start firt?” “I will start.” Tumayo na sa gitna si Seven at tumingin sa akin. “Why is talent more important than hard work? Talent concerns the abilities, skills, and expertise that determine or show what a person can do. If you are talented, you can do anything or everything without hesitation because you know to your self that you are capable of doing that. You don’t to rely anymore to someone because you have your own talent. You are motivated by your own self. The more talent you have, the more successful you will be.” Masyado siyang kumpyansa sa isinagot niya. Bahagya akong natawa saka tumayo at hinarap siya sa gitna, “I guess, it’s my turn now right?” Narinig kong napapalakpak pa si Zyair nang marinig na nag-english ako. Humarap naman ako sa kanila. “What can you do without your talent? Are you just going to rely on that? Talent has its limitation, have you forgotten that, or you just didn’t know about that? A person can’t have all of the talent. You were saying earlier that if you have talent, you can do anything or everything? Really? Do you consider yourself as a talented person? You are not, you can’t even dance properly or sing any song. Is that what you call talent? Hard work can make you more successful than the talent than you have. You can’t rely on your talent alone to be successful in life, you need to work hard to achieve your goals.” “You need talent to succeed. You won’t be qualified to work if you don’t have any skills to present with. It is God’s gift to you after you’re born in this world. He gave talent and you can use it without training yourself. People was born and have that—“ pinutol ko na kaagad ang sinasabi ni Seven. “Most business management and leadership success, you do not need at least some degree of talent. There are many ways to be successful even without a zero talent. Hard work is the strengthening factor that keeps you going and performing at high levels for prolonged periods while talent can make people lazy because they need to rely less on hard work to achieve the same goal. They are not willing anymore to learn new things because they already have these ‘talents’. Hard work is the only key to achieve goals in life, it teaches us to be discipline, dedicated, and to be determined. Smart work, on the other hand, often just leads to shortcuts and you’ll never learn. Remember this, success isn’t dependent on how skilfull or talented you are. You may not be very talented in a certain field, but with the hard work that you have you will be on the top.” Hindi na siya nagsalita pa kaya nagpalakpakan na ang mga ka-grupo ko. Bumalik ako sa upuan ko at ganoon din siya. Binulungan kaagad ako ni Zy, “Gago ka, galing mo pala mag-english dumugo ilong ko literal.” Pinakita pa niya sa akin ang tissue na hawak niya na may kaunting dugo, “Hindi ka talaga si Kird ‘no,” dagdag pa niya pero hindi ko siya pinansin. Napatingin naman ako kila Thalia na nag-thumbs up lang sa akin at ngumiti tapos kay Eury, “Wala ang lahat ng sinabi mo sa napag-usapan kagabi, but you did well today," puri niya. “It was obvious on who won this debate. Congrats, Mr. Kird Orson.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD