"Hindi kita kilala," seryosong sambit ko. Tumayo si Seven at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang cellphone ko na para bang inaalam niya kung nasaan ngayon ang gumagamit ng number na 'to. "Don't try to track me kid, 'cause you can't," sagot niya. Napatingin kami kay Seven na humigpit ang hawak sa cellphone ko. "Sino ka ba? Matagal nang patay ang tatay ko," pagkukunwari ko. Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. "Kird, is that what you said to your friends?" Kinuha ko na ang cellphone ko kay Seven, "Hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Mabilis kong pinatay ang cellphone ko saka nag-airplane mode para hindi na niya ako matawagan pa. Napatingin muli ako kay Seven na tahimik sa tabi ko, "Ano? Na-track mo ba?" tanong ko. "No, I can't reach his location. Ni wala akong nakitang i

