“Wala tayong kasiguraduhan tungkol d’yan, Trey. Tsaka isa pa, posible rin naman talaga na magkamali ang mga potensyal natin. Not everything is perfect,” apila ni Eury sa kaniya. “Siguro sa ngayon, dapat na muna tayong magpahinga. Kailangan pang makagawa ni Seven ng virtual server bukas dahil sa isang araw ay susugod na tayo sa HIU. Pag-aaralan ko pa ang potensyal ko at susubukan kong ilabas bukas ang kaya ko pang gawin,” sambit ko sa kanila. “You’re right, we need to rest now.” Tinanguan ko pabalik si Thalia nang sabihin niya ‘yon. Napag-desisyunan namin na pumunta na sa kaniya-kaniya naming kwarto para magpahinga. Agad akong sumalampak sa higaan, ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Pero wala akong ganang matulog lalo na’t marami ang bumabagabag sa isipan ko. Umupo ako sa study tab

