ONE
Adrielle Gallardo
"Magkano po 'to?"
Napatayo ako sa upuan ko nang may lumapit na customer sa akin tsaka binigay ang item na tinatanong n'ya kung magkano.
"Ah-- 56.25" Sagot ko naman agad matapos kong i-scan ang item na binigay niya sa akin.
"Wala bang discount?" Tanong nu'ng babae na para bang lasing.
Napakamot ako sa ulo dahil wala namang discount sa convenience store.
"May customer card po ba kayo?" Tanong ko naman sa kan'ya.
"Wala eh. Pero sige pwede na 'yan. Tumatanggap ba kayo ng card?" Tanong naman nito sa akin.
Tumango naman ako agad matapos niyang itanong 'yon.
"Here." Inabot niya naman sa akin 'yon. Sinubukan kong i-check ang card niya pero ang sabi ng machine ay wala raw laman ang card niya.
"Sorry po, Ma'am. Wala raw pong laman ang card n'yo." Medyo kabado kong sabi.
"Anong wala? Check mo ng maayos." Nag-slide akong paulit ulit pero hindi talaga binabasa.
"Ayaw po talaga." Sagot ko ulit sa kan'ya.
"First time mo lang ba makahawak ng ganitong card? Ulitin mo!" Hindi ko na sinunod ang gusto niya dahil paulit ulit lang naman nag e-error.
"Pasensya na po talaga Ma'am hindi talaga gumagana." Pag hingi ko nalang ng tawad.
"Akin na nga 'yan! Buwisit!" Sigaw nito sa buong store sabay bawi ng card niya.
Pag bawi niya no'n ay agad na siyang lumabas ng convenience store.
Iniwan niya rin ang item na bibilhin niya dapat.
Napatingin naman ako ro'n at napaisip ako na buti pa siya kaya bilhin ang bagay na 'yon na wala manlang iniisip.
"Ano nangyare? Bakit ang ingay?" Napatingin ako sa may ari ng convenience store nu'ng lumabas siya sa storage room.
"Ah, kasi po walang laman 'yung card niya pero pinipilit niya na meron." Paliwanag ko naman agad sa kan'ya.
"Ano ba ang binili?" Tanong naman ulit sa'kin nu'ng manager.
"56 pesos po." Sagot ko.
"Psh, 56 pesos lang mag card pa." Sabay kamot ni Sir Roel sa akin. Bumalik naman siya sa storage room may ginagawa yata siya.
"Ako na d'yan, darating na 'yung mga bagong deliver alisin mo na 'yung malapit na ma-expired." Utos nito sa akin habang nag kakamot sa likod niya.
"Buhatin mo na rin 'yung mga box lagay mo do'n sa storage." Dagdag pa nito.
"Opo sige po." Sagot ko agad, agad naman akong lumabas ng kahera para at nagmadali papuntang storage.
Medyo paubos na 'yung mga items dito kaya kailangan na rin madagdagan at mapalitan.
Habang nag aasikaso ng mga gamit, naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na halos 2016 era. Pero hanggang ngayon nagagamit ko parin dahil nga maingat ako sa isang gamit.
Pag tingin ko, timatawag si Aling Delia. Nag taka ako kung bakit siya tumatawag ngayon alam niya naman na nasa duty ako sa mga oras na 'to at mamayang alas sais pa ng umaga matatapos 'yung duty ko.
"Hello Aling Delia?" Sagot ko sa kan'ya. Inipit ko muna 'yung cellphone gamit ang balikat ko tsaka tenga.
"Hello, nasa'n ka?"
"Nasa duty po ako ngayon eh."
"Pwede ka bang umuwi muna saglit? Yung Mama mo kasi."
Napabitaw ako agad sa mga gamit na hawak ko nu'ng marinig kong si Mama ang tinutukoy niya.
"Bakit po anong meron kay Mama?" Tanong ko.
"Inaatake nanaman siya ng sakit niya, dinala na namin siya sa pinaka malapit na hospital. Ikaw lang ang iniisip namin."
Napakamot ako sa ulo nu'ng marinig ko ang mga katagang 'yon.
"Sige po, papunta na po ako susubukan ko pong maka alis." Sagot ko naman sa kan'ya.
Pag patay ko ng tawag ni Aling Delia ay lumabas ako agad ng storage room para harapin si Sir Roel.
"Sir, ano po kasi..." Pag papaalam ko, nahihiya ako dahil hindi ko alam kung paano makaka alis dito sa duty lalo na't madaling araw palang.
"Ano 'yon?" Tanong nito. Hindi ko masabi ang dahilan ko, iniisip ko rin ang manager ko dahil matanda na siya at kung siya maiiwan dito mag isa baka mapahamak pa.
Iniisip ko rin na kailangan din ni Mama ng kasama sa hospital, hindi ko rin pwedeng ibilin ang mga 'yon sa kapit bahay namin dahil may sarili rin silang pamilya.
"W-wala po, naaalala ko na." Pag sisinungaling ko sa kan'ya. Bumalik ako sa trabaho ko.
Pero hindi ko mapigilan ang pag isip kay Mama kaya agad akong lumabas ng storage room at tumakbo papunta sa pinto ng convenience store.
"Pasensiya na po Sir, may emergency lang!" Pag papaalam ko.
"Hoy sa'n ka pupunta?!" Rinig kong sigaw ni Sir sa loob ng convenience store.
Naiwan ko pa ang mga gamit ko at hindi ko pa nahubad ang uniform ko pero hindi ko pinansin 'yon tumakbo lang ako ng tumakbo papunta sa hospital kung saan sinugod si Mama dahil 'yon lang naman ang pinaka malapit na hospital dito.
Nagmamadali akong pumasok sa hospital at pumunta sa nurse para mag tanong.
"Excuse me may naisugod ba rito na Emily Gallardo?" Tanong ko sa nurse na nag babantay sa counter.
"Emily Gallardo po? Saglit lang ah." Sabay hanap nito ng pangalan niya. "Ando'n po siya ngayon sa emergency" Sabi nito sa akin.
"Salamat po." Mangiyak ngiyak kong sabi.
Tumakbo ako papunta sa emergency room at do'n nakita ko siyang naka suot ng oxygen mask.
"Mama..." bulong ko pagkakita ko sa kan'ya. Tahimik lang siyang natutulog. Sinarado ko ang kurtina para magkaro'n ng privacy.
"Mama, nandito na 'ko." Sabay hawak ko sa kamay niya. Nakikita kong maputla siya at hinang hina na. Sa mga nakikita ko, hindi kinakaya ng emosyon ko.
Pero hindi ko magawang maiyak ngayon dahil ayokong makita ako ni Mama kung sakaling magising siya.
"Mag hintay ka lang Mama, makakaraos din tayo rito. Iaahon kita." Dagdag ko pa habang pinipilit na ngumiti.
Pinagmamasdan ko lang si Mama nu'ng marinig kong bumukas ang kurtina kung saam nag papahinga si Mama.
Agad akong tumingin sa likod ko nu'ng marinig ko 'yon.
Nakita kong kasama ni Aling Delia 'yung doktor.
"A-Aling Delia." Bungad ko sa kanila. "Nandito ka na pala Rielle." Bati naman sa akin ni Aling Delia. Tumingin naman ako sa doktor na kasama ni Aling Delia.
"Ikaw ba ang anak ni Mrs. Gallardo?" Tanong sa akin nu'ng doktor. Tumango naman ako bilang sagot sa kan'ya.
"Unti-unti nang humihina ang puso niya, hindi ko gustong sabihin ito pero sa tingin ko hindi niya na rin kakayanin. Mag bibigay ako ng mga reseta, mga gamot para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya kailangan niya lang din ng tao na titingin tingin sa kan'ya."
Paliwanag ng doktor sa akin. Humapdi ang puso ko nu'ng marinig ang mga 'yon sa doktor.
Nag bigay ng papel 'yung doktor kung saan nakalagay ang mga nireseta niyang gamot.
"Mauna na 'ko." Pagpapaalam ng doktor. "Sige ho, salamat ho doc." Si Aling Delia na ang nag paalam para sa akin dahil walang lumalabas na mga salita sa bibig ko.
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Pasensya kana, natawagan pa kita ng wala sa oras." Umiling ako kay Aling Delia sa sinabi niya.
"Wala po 'yon, kailangn talaga ako ang nandito salamat po sa pag bantay niyo kay Mama." Sabi ko naman sa kan'ya.
Ngumiti sa akin si Aling Delia, at alam kong pinagagaan niya lang ang loob ko dahil na rin sa mga narinig niyang sinabi ng doktor.
"Sige na, bumalik kana sa trabaho mo ako na ang bahala sa Mama mo."
"Hindi na po, baka nakaka abala na po ako sa in'yo nakakahiya naman po." Pag tanggi ko dahil alam kong may inaalala rim na pamilya si Aling Delia.
"Wala sa akin 'yon, matanda na ang mga anak ko. Alam na nila ang gagawin. Tsaka wala rin naman akong ginagawa sa bahay." Sabay ngiti sa akin ni Aling Delia.
"Nakakahiya naman po." Umiling naman sa akin si Aling Delia at pabirong pinalo sa braso. "Sige na, wag mo na akong isipin dito bumili ka na rin ng gamot ako na mag aalaga sa Mama mo."
Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa kahihiyan kay Aling Delia. "Salamat po talaga." Sabay pilit kong ngiti.
"Sige na, mag ingat ka ah." Tumango naman ako. Pag talikod ko ay nawala ang mga ngiti sa labi ko at napalitan naman agad ito ng kalungkutan.
Pag labas ko ng hospital, hindi ko alam pero bigla nalang lumabas ng luha ko sa mata.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kayang mawala ngayon si Mama gusto ko makita niya kung paano ako umangat sa buhay. Isasama ko siya sa pag angat ko.
Pinunasan ko ang luha ko at nag lakad papunta sa botika. Bumili ako ng kina-kailangan ni Mama ng gamot kahit na medyo kinakapos ako.
"Pabili po nito." Sabi ko sabay abot ng papel sa may pharmacist.
Pag abot ko no'n ay agad naman nitong binigay sa akin ang mga gamot na kailangan ko pagtapos no'n ay nag bayad ako.
"Kulang po ng 20 pesos." Sagot nito. Napahinto naman ako nu'ng marinig ko 'yon sabay kapa ng mga bulsa sa pantalon kung meron pang mga natirirang barya sa bulsa ko pero wala akong nakapa.
"Magkano po ba lahat?" Tanong ko sa kan'ya. "Ito pong isang gamot 400 tapos ito naman 120." Sabay pakita nito sa akin.
"Pwede po bang ibalik ko nalang 'yung kulang?"
"Hindi po pwede eh." Napakamot ako sa ulo dahil sa sagot niya.
"Ibabalik ko naman, tandaan n'yo nalang mukha ko." Umiling lang siya at binawi sa akin ang mga gamot.
"Saglit saglit, ito nalang 400 kukunin ko." Sabi ko sabay ngiti sa kan'ya.
Nagbayad na'ko ng tamang pera sa kan'ya at 'yung sukli tinago ko para mapambili ko ng pagkain ni Mama kung sakaling magising siya.
Mas pinili kong kunin ang mahal dahil sa tingin ko 'yon ang mas kailangan ng katawan ni Mama.
Bumalik na 'ko sa hospital para sabihan si Aling Delia. Binigay ko sa kan'ya agad ang gamot.
"Ito na po 'yung gamot ni Mama. Ito lang po 'yung nabili ko, kinulang po kasi ako ng pera." Bungad na sabi ko kay Aling Delia.
"Bumili na rin po ako ng pagkain ni Mama kung sakaling magising siya." Dagdag ko pa.
"Magkano ba ang kulang? dadagdagan ko nalang." Napangiti ako sa sinabi ni Aling Delia.
"Hindi na po ako nalang bibili mamaya." Sabi ko naman kay Aling Delia.
"Tatawagan nalang kita ulit kapag may nangyare, tatawagan nalang din kita kapag nagising na ang Mama mo." Tumango ako kay Aling Delia.
Nag paalam na rin ako sa kay Aling Delia, iniisip ko naman 'yung convenience kung saan nag ako nag ta-trabaho.
Alas singko na ng umaga, medyo maliwanag na pero hindi ako pwedeng umalis agad hanggat hindi pa 'ko nakikita ni Sir Roel.
Kailangan niya rin marinig ang eksplanasyon ko.
Habang ninanamnam ang lamig ng hangin, napatingin ako sa mga estudyanteng papasok na sa eskuwelahan.
Imbis na nag aaral ako ngayon, mas pinili kong magtrabaho at kumita ng pera kesa sa pilitin ang gusto kong makapag tapos.
Nasa tapat na 'ko ng convenience store nu'ng makita kong may truck na na nakaharang sa convenience store. Bigla kong naalala 'yung bilin sa'kin ng boss ko kanina.
Agad akong tumulong sa pag buhat ng mga karton para ipasok sa loob.
Pinasok ko naman 'yon agad sa storage room para ayusin 'yon mamaya.
"Adrielle, Adrielle." Napahinto ako sa paglalakad nu'ng tinawag ni Sir Roel ang pangalan ko.
"Yes, Sir?" Tanong ko sabay lapit sa kan'ya.
"Ano ba talagang problema ha?" Tanong ni Sir Roel sa akin. Hindi ako maka kibo nu'ng tanungin niya ako ng gano'n dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang sitwasyon ko.
"Pasensiya na po, Sir. Nagkaroon lang ng emergency kanina." Paliwanag ko sa kan'ya habang nakayuko, hindi ko maiangat ang ulo ko dahil sa kahihiyan.
"Kung ganito tayo palagi, baka palitan kita?" Bigla kong naiangat ang ulo ko sa narinig kong sinabi niya. "Pasensiya na po talaga, hindi na po mauulit. Nagkaro'n lang po talaga ng emergency." Pagmamakaawa ko.
Kinakabahan ako at natatakot na baka mawala ang trabaho na 'to sa akin. "Hindi 'yan excuse para kusa kang umalis kanina, maraming panahon para magpaalam. Hindi tayo sapat sa mga trabahador." Paliwanag nito sa akin.
Napatango nalang ako sa kan'ya.
"Huli nang mangyayare 'to, maliwanag?" Sabi nito sa akin sabay alis sa harapan ko.
Kung mawawala ako sa posisyon ko ngayon hindi ko na alam kung saan ako makakahanap ng trabaho. Hindi naman masyadong mataas ang kinikita ko sa isa kong trabaho.
Ito lang ang matino kong trabaho ngayon kung saan nabubuhay ko si Mama ng maayos.
Bumalik na'ko sa trabaho ko sa pag bubuhat ng karton at pag aalis ng mga pa-expire na pagkain sa loob ng convenience store.
Pagkatapos naman nito mamayang 6:30AM papalitan, may papalit na sa'kin dahil by shift lang ang trabaho rito 12 hours lang ang trabaho ko rito sa convenience store.
Pagkatapos nito ay papasok naman ako sa isang food chain kung saan isa akong service crew do'n.
8,000 lang ang nakukuha kong sahod sa isang buwan, kaya naman kinukulang parin kami do'n at hindi pa sapat yo'n idagdag pa ang gastusin sa mga gamot ni Mama. 10,000 naman dito sa convenience store kaya pwede na rin.
Laking pasasalamat ko at hindi pa bumibigay ang katawan ko sa dobleng trabaho na ginagawa ko. Kung pwede lang maging mayaman ng walang ginagawa.
Nag babayad pa 'ko ng mga utang at sa ngayon, mag babayad pa 'ko ng hospital fee ni Mama.
Kaming dalawa nalang ni Mama ang nasa bahay, madalas pa akong wala kaya madalas din magkasakit si Mama.
Gusto ko siyang bantayan maghapon o kung pwedeng araw-araw kaso hindi ko magawa dahil sayang ang pera.
Wala na rin si Papa dahil sa pagkawala ni Papa kaya nagka gano'n si Mama. Gusto kong bumalik sa pag aaral pero pang tustos nga sa sarili wala ako.
"Mauna na po ako, Sir." Pag papaalam ko kay Sir Roel dahil 6:30 na ng umaga.
"Sandali muna."
"Bakit po?" Tanong ko sabay lingon sa kan'ya. Kinabahan ako ng kaunti baka meron nanaman akong mali na nagawa.
"Oh, kainin mo habang naglalakad. Idikit mo rin ito sa mga pasa mo." Sabay abot ng paper bag sa akin. Tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang pagka sincere nito.
"Para sa'kin... po?" Tanong ko, baka nagkakamali lang siya.
"Oo, sige na alam kong pagod ka."
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero bigla nalang tuluyang bumuhos ang luha na kanina ko pa nilulunok. Habang humihikbi, naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.
"Nandito lang ako kapag kailangan mo ng masasandalan." Sabi nito habang tinatapik ang balikat ko.
"S-salamat po, salamat po." Paulit ulit kong pasalamat sa kan'ya.
"Sige na, hay nako. Anong oras na." Pagkasabi niya no'n ay agad siyang umalis sa harapan ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko na kanina ko pa pasan pasan. Kahit papaano nagkaro'n ako ng kakampi.
Lumabas na'ko ng convenience store kung saan ako nag tatrabaho. "Uy tol, tapos na shift mo?" Napahinto ako nu'ng biglang may kumausap sa'kin.
"Oo, tapos na." Nagkamot ito ng ulo niya dahil sa sinabi ko.
"May sasabihin sana ako eh, kaso baka busy ka rin tol kaya sa susunod nalang." Nahihiyang sabi nito sa akin. Umiling naman ako sa kan'ya.
"Hindi naman. Ano ba 'yon?" Tanong ko naman sa kan'ya.
"Eh kasi, malapit na 'ko pumasok sa school iniisip ko lang 'yung shift baka pwedeng makipag palit sa'yo?" Tanong nito sa akin. Napaisip naman ako dahil meron akong trabaho sa uamaga.
"May trabaho ako sa umaga eh, baka magkaro'n ng conflict sa pinapasukan ko." Sagot ko naman sa kan'ya habang nag kakamot din sa ulo.
"Gano'n ba?" Dismayadong sabi nito sa akin. "Pero, subukan kong kausapin 'yung amo ko baka pumayag." Pagbabago ko naman sa mood niya. Sa ngayon ako nalang ulit ang kailangan mag adjust.
"Yon! Salamat tol, dabest ka." Nakangiting sabi nito sa akin.
"Sige na, una na'ko." Natatawa kong sabi sa kan'ya kumaway nalang ito sa akin sensyas ng pagpapaalam.
Ang totoo hindi ko alam kung paano magpapaalam sa amo ko, hindi ko rin alam kung papayag ba ang amo ko o hindi.
Dumalaw muna ako kay Mama bago ako dumiretso sa pag tatrabaho bilang isang service crew. Pag karating ko do'n ay nakita kong sinusubuan ni Aling Delia si Mama ng pagkain, pero si Mama naka tulala lang na parang paralisado.
Bago ako tuluyang tumakbo papunta sa kan'ya, nakita ko siyang gumalaw at tumingin kay Aling Delia. "Nasan ba si Adrielle? Nasa'n ang anak ko?" Napahinto ako sa tanong niya. Kahit mahina narinig ko.
"Parating na si Adrielle, sige na kumain kana." Rinig kong sagot ni Aling Delia. Yumuko ako at pinilit na ngumiti para hindi mahalata ni Mama na pagod ako. "Mama!" Nakangiti kong tawag sa pangalan niya.
"Adrielle, ikaw ba 'yan?" Tanong sa akin ni Mama. Tumango naman ako sa kan'ya sabay hinawakan ang kamay niya.
"Iniwan mo nanaman ako, anak." Malungkot na sabi ni Mama sa akin. Tumayo si Aling Delia at ibinigay ang upuan niya sa akin.
"Salamat po." Bulong ko sa kay Aling Delia.
Tumingin ako muli kay Mama at muling ngumiti. "Ma, umalis lang ako saglit para mabilhan kita pagkain." Sagot ko naman sa kan'ya.
"Bakit hindi ka naka uniform pang pasok? Male-late kana." Sabi ni Mama nang mapansin niyang naka t-shirt lang ako. Nakalimutan ko 'yung uniform ko pang pasok. Ang alam ni Mama nag aaral ako kaya palagi akong wala. Hindi ko masabi sa kan'ya dahil alam kong masasaktan siya. Ayokong lumala ang sitwasyon niya.
"Pinuntahan ko lang kayo Mama, pero mamaya papasok na rin ako." Nakangiti kong sabi habang pinipigilan ang luha ko. "Osige, baka mahuli ka sa klase, huh?" Niyakap ko si Mama, medyo nagi-guilty ako sa ginawa ko pero kailangan.
"Kaya pala wala ka sa bahay, nandito ka lang pala?" Napalingon ako sa likod ko nu'ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Anak, anong ginagawa mo rito?" Tumingin ako sa likod at nakita ko si Ate Izelle, anak ni Aling Delia.
"Kanina ka pa namin hinahanap sa bahay, mas inuna mo pa 'yang mga hindi mo ka-dugo." Sabay irap nitong sabi. Tumayo ako at hinarap siya, baka may masabi siyang magpa-trigger sa sakit ni Mama.
"Anak, mamaya na tayo mag usap." Pigil ni Aling Delia sa kan'ya.
"Anong mamaya? Nagkakaloko-loko na kami sa bahay, ikaw nandito nakaupo? Nag aalaga ng malapit na mamatay?" Umabante ako sa kanila at hinarap ang babae. "Wag naman dito." Pakiusap ko sa kan'ya.
"Manahimik ka." Sabi nito sa akin. Marami na ang nakatingin sa amin at naiistorbo.
"Aling Delia, pabantay muna kay Mama." Bilin ko kay Aling Delia. Hinila ko si Ate Izelle palayo sa kung saan naka pwesto si Mama at sa maraming pasyente dahil ayoko mag eskandalo sa loob ng hospital.
"Ano ba, bitawan mo nga 'ko!" Sabay hila nito sa kamay niya, nabitawan ko siya dahil sa lakas ng pwersa niya. Gusto ko siyang sapakin pero anak parin siya ni Aling Delia. Mataas ang tingin ko sa kanila.
"Wag naman sana sa harapan ni Mama." Mahinahon kong sabi sa kan'ya.
Nangunot naman ang noo ko dahil tawa lang ang isinagot niya sa pabor ko. "Bakit, hindi ba ako nag sasabi ng totoo? Nag aaksaya ka ng pera sa wala. Tingnan mo namumulubi ka parin hanggang ngayon." Natatawang sabi nito.
"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, gagawin mo rin ang lahat para buhayin ang pamilya mo." Paliwanag ko sa kan'ya. "Kahit kailan, hindi ko itutulad ang sarili ko sa in'yo mga baliw!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sinampal ni Aling Delia si Ate Izelle. Hindi ko alam kung kailan niya kami nasundan. "At kahit kailan, wala akong pinalaking bastos!" Sigaw ni Aling Delia sa buong hospital.
"Kung 'yan ang tingin mo sa isang buhay, hindi kita anak." Dagdag pa niya.
"Bakit ba mas kinakampihan mo siya kesa sa'kin na anak mo?!" Sigawan nila sa loob.
"Kasi mas lumaki siya ng maayos kesa sa'yong nasa maayos na kalagayan." Natahimik nalang ako sa nakita ko at hindi na nakasagot sa kanilang dalawa.
Hindi na rin sumagot si Ate Izelle, iniwan niya kami matapos sabihin ni Aling Delia ang huli niyang sinabi. "Si Mama po?" Tanong ko kay Aling Delia na parang walang nangyare.
"Natutulog na siya." Hindi ko pinansin si Aling Delia, muli ko nalang binalikan si Mama.
Hinalikan ko ang noo ni Mama bago ako umalis at magtrabaho ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si Mama, hanggat maaari gusto kong makita niya na umayos ang buhay namin.
Lumabas na'ko ng hospital at umiyak ng umiyak dahil sa sama ng loob at sa sobrang kalungkutan.