Aria
On time ng dumating kami sa Metronome restaurant. Namangha ako sa kisig at gara ng kabuuan nito. Hindi ko kinakahiya na first time ko makapasok sa ganitong fine dining restaurant.
Napag-iwanan na ako kaya hindi ako magkandaugaga sa paglalakad para lamang maabutan si Sir De Sevilla.
Kinagat ko ang ibabang labi ng nasa tabi niya na ako. Formal siyang naka-upo. Para siyang hari na pinag-dudulutan ng alay ng makita na nasa kanyang pwesto na siya. Wala pa si Mr. Salvador.
“Upuan po, Ma'am.” alok sa akin ng waiter bago makuha ang order ni Sir.
Umawang ang bibig ko ng tapunan niya ako ng mariin na tingin. Ayaw niya yata ng aanga-anga. Kaagad kong hinila ang upuan na tinuro ng waiter nang inalis niya sa akin ang paningin. Umarangkada na naman ang pagiging kabado ko dahil magkalapit lang kami.
Iritado siyang tumingin sa kanyang orasan. Parang laging may tensyon kapag siya ang katabi at kasama. Nag lapag ng maiinom ang waiter. Lihim akong nagpasalamat bago walang hiya na inabot ang baso na may laman na tubig. Nasa parte kami na dim light lang ang ilaw. Sunod-sunod kong ininom ang laman ng baso pero ng malasahan ko na hindi tubig ang laman, napatigil ako basta. White wine pala iyon! Uhaw na ako dahil sa pagiging kabado kaya ininom ko na ng tuluyan. Manamis-namis naman.
Konte ang natira ng ilapag ko ang baso. Ramdam ko ang init na sumisilakbo sa magkabilang pisngi ko.
Shit!
“I’m sorry for being late,” natatawang bungad sa amin ng magandang babae.
Nagtaka ako.
Binuksan ko ang tablet para klaruhin na si Mr. Salvador ang imi-meet-up niya kaso tumayo si Sir at nakipagkamay sa magandang babae.
“You're just a little bit.” Aniya.
Pasimpleng humagikhik ang babae bago umupo. Tinapunan niya ako ng tingin.
“G-good evening, Ma'am..” Ani ko.
Dedma lang.
Nag serve na ang waiter. Hindi ako familiar sa mga pagkain pero sobrang nakakatakam ang amoy.
Medyo nakakaramdam ako hilo kaya huminga ako ng malalim. Keri pa naman tutukan ang tablet kaya patay malisya akong nag scroll sa mga schedules ni Sir De Sevilla.
“Let’s eat first before we start our agenda.” saad ng babae.
Walang komento si Sir De Sevilla at basta na lang din dinampot ang tinidor at meat knife.
“I’m sorry, Vaughn…I’m just really starving.” medyo mahina nitong amin bago humagikhik ulit.
Napatingin ako kay Sir at nag kibit balikat lang ito.
Naa-out of place ako. May sariling pagkain rin naman ako kaso parang nakakahiya. Nakakatakot sumabay kumain sa mga katulad nila.
Lumalala ang init ng mga pisngi ko.
Inabot ko ngayon ang tubig para uminom kaso naiwan sa ere ang kamay ko ng masakit akong tingnan ni Sir.
“Hindi ka ba nagugutom?”
Dumagundong bigla ang dibdib ko!
Pasimpleng ngumisi ang babae.
Nakagat ko ang ibabang labi dahil hindi ko alam ang gagawin. Sa huli, soup spoon ang dinampot ko.
Naginhawahan ako ng matikman ang masarap na mushroom soup.
Tahimik silang kumain at tanging tinidor at kutsara lamang ang naririnig ko samantala sa ibang lamesa boses ng ibang costumer ang maririnig. Mabilis natapos si Sir kaya binilisan ko na rin ang pasubo hanggang sa mangalahati ang soup.
Baso ulit ng wine ang nakuha ko. Nakita iyon ng babae. Umangat ang isa niyang kilay at mataray akong tinignan kaya.
Pasimple ulit akong uminom bago pinagtuunan ng pansin ang tablet.
Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa agenda nila. Habang wala pa akong naiilapag na minutes, pinalitan ko muna ng Ms. Salvador ang Mr. Salvador.
May inilapag ulit ang waiter pero hindi ko na tiningnan. Naka-focus ako sa tablet habang nagsasalita si Sir De Sevilla.
Kung makipag-usap siya, napaka-bilog ng boses niya. May diin ang bawat imik. Straight to the point ang bawat atake niya.
"Ensure that you document the event you're scheduled to attend tomorrow in your notes. Accuracy and punctuality are crucial.”
Napapitlag ako!
“Noted, Sir..”
“Late na nga yata talaga ako?”
Sabay kami ng babae na lumingon sa lalaking nagsalita at halos kararating lamang.
Feeling ko ito talaga si Mr. Salvador. Dumukwang siya ng halik sa babae bago ako tiningnan. Sinuyod niya ang katawan ko partikular na ang bahagi ng mga hita ko.
Nag-iba ang tingin ko sa kanya matapos siyang ngumisi at binalingan si Sir. Pinagdikit ko tuloy ang mga hita ko at umisod ng kaunti sa bandang gilid palapit kay Sir De Sevilla ng humila ng upuan ang lalaki na halos katabi ko lang.
Tumikhim si Sir at nakita kong bahagya niyang niluwagan ang suot na necktie. Para siyang nasasakal at hindi makahinga kaya niya niluwagan.
Napalunok ako dahil ang dilim ng tingin niya.
“Dumating ka pa.” aniya sa lalaki.
Narinig kong tumawa ang lalaki.
Hindi ako ngayon komportable. Pakiramdam ko sinasadya ng lalaki na idikit sa tuhod ko ang isa niyang tuhod habang nakikipag sa mga kaharap. Hindi ko tuloy maayos-ayos ang pagsulat dahil malimit na tumama ang tuhod niya sa tuhod ko.
Nakasuot ako ng above the knee na skirt. Medyo fit ito sa akin at may slit ito sa gitna at nasa parte ng laylayan. Naka-tuck in naman a mng inner blouse ko at hindi naman revealing ang pang-itaas ko. Pero dahil skirt ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang bawat lapat ng tuhod nito sa balat ko.
Tumikhim ako bago bahagyang umusod palapit sa gilid ni Sir De Sevilla. Bumunggo sa hita niya ang kamay kong nakahawak sa gilid ng inuupuan ko. Tinanggal ko agad 'yon. Hindi siya na distract at nagpapasalamat ako.
Kinagat ko ang ibabang labi bago pinagpatuloy ang ginagawa. Umayos ng bahagya ang pakiramdam ko ng makalayo kay Mr. Salvador. Nakapatong sa gitna ng mga hita ko ang tablet. Sinadya ko yun para matakpan ang mga hita ko.
They are still talking continuously. I did my part, though.
Nag excuse ang babae pupunta ng washroom. Si Mr. Salvador at Sir De Sevilla na lang ang nag-uusap.
Medyo may tensyon sa usapan nila tungkol sa business nila. Tapos na akong mag minutes kaya pinatay ko na rin ang tablet. Lumawak ulit ang pag buka ng mga hita ni Mr. Salvador kaya medyo lumapat na naman sa tuhod ko ang balat niya.
Hindi na ako nakatiis kung kaya't binalingan ko siya para tingnan pero walang emosyon.
Ngumisi siya bago tumingin kay Sir De Sevilla. Lumipat ang tingin ko kay Sir. Mariin siyang nakatingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Mr. Salvador. Kinabahan lalo ako pero mas lalo dumagundong ang dibdib ko ng maramdaman ang mainit na kamay na lumapat sa kanan kong tuhod.
Namilog ang mga mata ko ng makita na kamay iyon ni Sir! Nag pantay sa kanya ang paningin ko pero tutok na tutok siya kay Mr. Salvador.
Parang mas lalong uminit ang mukha ko ng gumalawgalaw ang kamay niya. Minamasahe niya ang tuhod ko na nag dulot ng kiliti at pagkailang.
Hinihipuan niya ba ako?
Shit!
Pero hindi. Baka gusto niya lang na maging kumportable ako. Pero hindi. Sino ba ako?
Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya but I feel calm by his touch. Feeling ko napaka-safe ko base sa mainit niyang palad na lumalapat ngayon sa tuhod ko kaysa sa balat ni Mr. Salvador na tumatama kanina sa tuhod ko.
“So…I bet she's your new assistant, huh?”
Narinig kong sabi ni Mr. Salvador. Ngumisi siya sa akin bago ulit sinuyod ng malagkit na tingin ang kabuuan ko. Naramdaman kong umigting ang pagkakahawak ni Sir De Sevilla sa tuhod ko habang masakit na tinitigan ang kaharap.
“She is.” Tipid na tugon ni Sir bago uminom ng tubig.
“Then she's brave, hmm?”
May halong kantyaw ang pagkakasabi ni Mr. Salvador.
“Alejandro Salvador by the way.” Pakilala niya sabay lahad sa akin ng kamay.
Nilingon ko si Sir pero pinapatay niya sa tingin ang lalaking kaharap. Kabastusan kung hindi ko aabutin ang kamay niya kaya ingat ko na sa ere ang kanan kong kamay kaso umigting lalo ang kamay ni Sir na nasa tuhod ko.
Natigilan ako at napalunok.
“This meeting is over. Let's go, Aria.” Walang emosyon na sabi ni Sir bago tumayo.
Pilyong napa-halakhak si Mr. Salvador.
Tumayo na rin ako at mabilis na nagpaalam kay Mr. Salvador. May ilang hakbang na ang layo sa akin ni Sir kaya binilisan ko na rin ang paglalakad palabas ng restaurant.
"Sa susunod, magsuot ka ng slacks o pantalon sa halip na palda kung may mga meeting tayo, lalo na kung alam mong makakasama natin ang lalaking 'yon." Buong tagalog niyang paninermon sa akin ng makarating kami sa tapat ng kotse niya.
Galit siya dahil sa tono niya pa lang pero hindi ko mapigilan na mamangha lalo na ng marinig ang pagtatagalog niya.
“N-Noted, Sir–”
“But when you're only in the office, you can wear that. Comfortable and required.” Aniya bago sumampa ng saksakyan.