Simula

1900 Words
Aria De Sevilla Co. Isang basa at tingin ko pa lang sa matayog na gusali na nasa harapan ko parang nahihilo na agad ako. Parang nasusuka ako dahil sa tayog at laki nito. Kahit labas pa lang ng building, pinapamukha na sa akin kung gaano ka bagsik, kabangis ang namumuno dito. Hindi pa man ako nakapasok sa loob ng building pero base sa interior designs na nasa labas, parang nagiging tugma na sa mabagsik na kataohan ng pinuno ng kumpanyang ito. Unang araw ko ngayon dito at unang beses ko rin na makikita si Sir De Sevilla. Siya ang president at owner ng DSC at sa totoo lang, pinanghihinaan ako ng loob sa report na gagawin ko mamaya. Assistant secretary niya ako at ang sabi sa akin ni Miss Clara, ako muna ang mag re-report ng schedules ni Sir De Sevilla dahil naka-leave siya ngayon. Walang problema sa akin dahil trabaho ko naman yun. Ang pino-problema ko lang ay baka pautal-utal ako mamaya pag nasa harap na niya ako. Nakakahiya! Kapag nangyari yun, gusto ko na lang umurong at mag awol agad kahit kakasimula ko pa lang dito sa DSC. Haka-haka dito sa buong building kung gaano siya ka bagsik. Kontrolado niya raw lahat ng empleyado niya. Arogante siya at hindi marunong ngumiti sa mga tauhan niya. Parang may galit siya sa mundo dahilan para sumimangot ng sumimangot. Ang sabi pa nila, kabahan ka na kapag kasama siya dahil sa buong durasyon na siya ang katabi o kausap ay marahil hinihiling ng ibang empleyado na sana hugutin na lang sila ni satanas para matapos na ang delubyo na nararamdaman. Mahina ako sa totoo lang. Konteng bulyaw ay nanginginig na agad ako. Nerbyoso akong babae kahit hindi naman talaga ako nagkakape dahil inaatake ako ng acid at heartburn. Pero siguro dahil mahina talaga ang loob ko kaya mabilis lang ako mataranta at kabahan. Huminga ako ng malalim ng matapos kong ilapat sa scanner ang company ID ko. Maaga ako ngayon at ilang minuto ang advance ko kumpara sa regular time-in ng mga empleyado. Binati ako ng janitor at sinabing basa pa ang parte na itinuro. Nasa harapan siya ng elevator at walang humpay na nag ma-mop ng sahig. May cautions na nakatayo kaya umiwas ako. Ngumiti ako sa kanya bago pumasok ng elevator. Iilan pa lang ang nakasakay kaya medyo nagiginhawahan pa ako sa amoy. Pinindot ko ang 13th floor dahil nandoon raw ang opisina ni Sir De Sevilla pero nasa 20th floor ang penthouse niya. Hindi ko pa talaga nakakabisado ang kabuuan ng De Sevilla building kaya medyo litong-lito pa ako. Sa dami ng departments dito baka mahilo lang ako kung sakali na itatak ko sa memorya ko ng hindi pinag-aaralan ng mabuti. Nasa hallway na ako ng 13th floor at ilang hakbang na lang nasa opisina na ako ni Sir De Sevilla. Nakikita ko sa floor na’to, tanging tatlong opisina lamang ang nandito. Napapagitnaan ng ceo office, at administrative support office ang opisina ni Sir De Sevilla kung saan ang nakalagay sa pader ay Executive office. Naka-attach na rin sa baba ang buong pangalan niya. Vaughn Connor Xander De Sevilla…. Binasa ko ng paulit-ulit ang pangalan niya. Buong pangalan niya sinisigaw ang buong pagkatao niya. Masisindak ka, lalo na pagdating sa apilyedo niya. Ma-awtoridad at mapag-kontrol kung babasahin mo ng paulit-ulit. Lumabas si Miss Clara galing sa executive office kaya gulat na gulat ako ng makita siya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba rason para mapahawak ako sa aking dibdib! “Good timing!” nakangiti niyang bungad sa akin. Hindi agad ako makapagsalita kaya hilaw akong ngumiti sa kanya habang pinoproseso ang nararamdaman. “Good morning po, Miss Clara. Aria Lane Morales po..” Nilahad ko ang kamay at inabot niya rin ito. Hindi niya sinarado ang pintuan kaya amoy na amoy ko ang amoy aircon na galing sa loob. Ikinawang niya ng malaki ang pintuan dahilan para lumuwag ang pagkakabukas. “Good morning Miss, Morales. Nice to meet you in person. Pasok ka, itu-tour muna kita dito bago ako umalis,” aniya habang nakangiti. Mahigpit akong napahawak sa strap ng tote bag ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung uurong o susulong ang paa ko dahil ang iniisip ko na baka nasa loob na rin ang boss namin. Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa loob. Namangha ako sa layout ng opisina. Kung titingnan sa labas, isang opisina lang ito pero sobrang laki pala kapag nasa loob na. May pinaka-waiting area sa pagitan ng opisina ni Sir De Sevilla at sa magiging opisina ko. Sa bandang dulo ng waiting area, may partition ulit at nakita ko ang reef dahil nakabukas ang pintuan. For employees only. Sigurado ako iyon ang mini kitchen. Magkatabi lang ang mga pintuan ng opisina namin. Sa loob ng opisina ko, may partition ito. Sa halip na concrete ang pader, isang malaking salamin ito at kitang-kita ko siya kung sakali na gagawi ako sa direksyon ng kanyang opisina. Nilakbay ko paitaas ang paningin hanggang sa matanaw ko ang blinds. Nakahinga ako ng maluwag. Narinig iyon ni Miss Clara kaya napatingin siya sa akin. “Don’t worry, Miss Morales. You have proper privacy here, so you don't have to worry.” Nahiya tuloy ako dahil sa sinabi niya. Woman instincts nga naman. Nahihiyang ngumiti na lang ako sa kanya. “By the way. Yoong kabilang room ay halatadong sa boss ‘yon natin.” Hinila niya pababa ang blinds. Natakpan ang pagitan ng opisina ko at opisina ng kabila. “You always put down this blinds every time work hours at kapag time out mo na, pwede mo na itong itaas ulit. For your privacy na rin kaya huwag mong kakalimutan iyon. Staka ayaw rin naman ng boss natin ng distraction kaya hindi siya nagbibigay ng pahintulot na itaas ang blinds unless he commanded it to roll it up.” Tumango-tumango ako. Sunod niyang itinuro ay ang intercom na nasa lamesa lang. “Through this thing, you and your boss can talk. It's a common things now a days kaya alam ko naman na hindi ka bago dito,” nakatingi niyang turan. Tumango-tumango ulit ako bago sumagot. Sa lamesa ko, naro'n na ang laptop, tablet, intercom at telepono. May sariling drawer ang mga files at nasa itaas ng rack ang minimalist calendar at orasan. “Basic lang naman ang gagawin mo as assistant secretary. Huwag kang kabahan kapag kaharap mo na ang boss. It's better to be frank than to fake you, Miss Morales.” Seryoso niyang saad. Nag isang guhit ang mga labi ko. Parang umangat bigla ang kaba ko pero ng makita siyang ngumiti, nawala rin agad ang kaba ko. Mahinhin siyang tumawa habang tinatakpan ng kanang palad ang bibig. “Lahat ng empleyado dito ay alam na alam ang ugali ng big boss natin kaya walang nangangahas na mag apply bilang assistant secretary. And I admit that you are a brave one. Hindi naman yun nangangagat basta huwag mo lang gagalitin.” Sabi niya sa pabulong na tinig. Napalunok ako bigla. Parang gusto ko na tumakbo palabas ng opisina. Parang nasusuka na naiihi ako. Tumingin siya sa wrist watch niya. “By the way…nasa tablet ang schedules ni boss. Alam mo na ang gagawin mo diyan. Naitawag ko naman sa'yo ang tungkol sa ibang gagawin mo ngayong araw. Saka na lang kita itu-tour sa ibang departments at offices kapag nakabalik na ako.” “Y-yes po, Miss Clara.” Nauutal na tuloy ako! “Feel free and don't be nervous. Maya-maya ay nandito na si boss kaya ikaw na ang bahala, hmm?” May ilan pang sinabi sa akin si Miss Clara. Wala akong ginawa kundi ang sumagot ng noted o hindi kaya ay ang tumango. Habang papalapit ang oras hindi ko mapigilan na mataranta. May ilang minuto na ang nakalipas simula ng umalis si Miss Clara. Nalinis na raw niya ang opisina ko kaya hindi ko na kailangan linisin pa pero dahil wala akong magawa kung kaya't nag walis-walis ulit ako. Lumabas ako ng opisina at sa waiting area naman nag walis hanggang sa mapadako ako sa kitchen area. Sobrang gara ng loob kahit medyo maliit lang ang space. Ang sabi ni Miss Clara, pang-secretary lang daw ang kitchen na yun. It means, may sariling kusina sa loob ng opisina ni Sir De Sevilla? Napanguso ako bago isinarado ang pintuan ng kitchen. Sinubukan ko ulit mag walis kaso walang alikabok na sumama sa pagwalis ko. Napanguso ako. “My schedule.” Hindi ako nakagalaw ng marinig ang baritonong boses na kumalat sa loob ng waiting area. Parang hangin ang dumaan at may dalang sakuna dahil hindi ko man lang nakita ang bakas niya. Tanging mabagsik na boses niya lang ang narinig ko na nag dulot ng malakas na kabog ng aking dibdib. Napapitlag ako ng marinig ang malakas na lagabog ng pintuan at dahil do'n saka pa lang ako nakagalaw! Siya na yun…Siya na.. Taranta akong pumasok sa opisina ko at agad na dinampot ang tablet. Hindi ko na alam kung saan ko nailagay ang walis tambo! Hindi ko na rin alam kung ano ang itsura ko ngayon! Tanging alam ko lang ay malakas ang dagundong ng dibdib ko habang pumapasok ng kanyang opisina. “G-good morning po Sir..” Hindi siya sumagot. Nanginginig ang mga paa ko habang humahakbang palapit sa lamesa niya. Nasuri ko siya sa likod ng kabado kong nararamdaman. Ang lapad ng mga balikat niya. Ang tangkad niya na kahit naka-upo ay halos pumantay siya sa akin na nakatayo lang. Nakayuko siya habang kaharap ang laptop kaya hindi ko makita ang mukha niya pero nakikita ko na makapal ang hibla ng mga kilay niya. May ilang bigute ang nakapaligid sa kanyang magkabilang panga. "Ensure that my dinner meeting with Salvador is scheduled for today, effective immediately.” “Noted, Sir…” Isinulat ko agad sa schedules niya ang dinner meeting niya kay Mr. Salvador. Bago ko sabihin isa-isa ang shedule niya, tahimik kong klinaro ang boses sa paraan na hindi niya dapat marinig. Nag tagumpay ako. “Ahm…Sir, you have a meeting with the marketing team in 15 minutes–” “Cancel it.” “N-noted, Sir..” Inikisan ko agad iyon. “That’s all for today, Sir. Dinner meeting with Mr. Salvador. Seven PM at Metronome.” Klarong ulit ko. Hindi siya nagsalita. Ni ang tumango ay hindi rin. Ilang segundo akong naghintay pero hindi siya nagsasalita. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at parang matutumba na ako dahil sa tindi ng kaba. Maigting ang pagkapit ko sa tablet ng mapagpasyahan kong tumikhim. Isang segundo lang at tumingin siya sa akin. Nagkatitigan kami pero ang titig ko hindi katulad sa titig niyang walang emosyon. Parang matagal na niya akong kilala para hindi magtaka kung sino ako. Expected ko naman na nakita niya ang resume ko. May mukha ako do'n, syempre. Lumandas ang dila niya sa parte ng ibabang labi niya. Nag-iwas ako ng tingin bago yumuko. Hinihintay ko kung magsasalita siya dahil baka may iba pa siyang ipapa-set pero hindi talaga siya umimik kaya nag excuse na lang ako sa kanya. Saka pa lang ako nakahinga ng maayos ng makabalik ako sa opisina ko. Sunod-sunod akong napahinga hanggang sa umayos ang pakiramdam ko. Ilang sandali pa at tumunog ang intercom, umarangkada na ulit ang kaba ko! “Come here. Now.” May diin niyang sabi na ikinataranta ulit ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD