KABANATA 13 Naging tahimik ang byahe namin pauwi sa mansyon. Doon kami magpapalipas ng gabi at bukas ng umaga ay uuwi ng maynila. Sinalubong kami ng mga katiwala. Naroon ang mga pamilyar na mukha. Hindi lingid sakin ang naririnig na bulong-bulungan. "Maligayang pagdating señor." Si manay Lourdes. Saglit na dumapo sakin ang tingin nito. "Si mama?" "Nasa kanyang silid na po at namamahinga. Kararating lang galing maynila." Tumango si Rake at inakay ako papasok. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung tama bang narito ako. Pupwede pa naman akong humabol sa last flight pauwi. "Naihanda niyo ba ang itinawag ko kanina, manay?" Tanong nito sa gitna ng aming paglalakad. Hindi parin nagbabago ang looban ng mansyon. Maganda parin ito at elegante. Hindi nakaligtas saking paningin ang pag-ismid n

