KABANATA 12 "Nasaan kayo." Maawtoridad na saad ni Rake mula sa kabilang linya. Madiin akong pumikit at hinilot ang tungki ng aking ilong. Sumasakit ang ulo ko sa kahihiyan. Lulan kami ni Will sa taxi. "We're on our way home." "I told you to wait for me! Isang oras lang, Meg!" "I can't wait that long." "Make sure na sa bahay ang tungo niyo at hindi sa kung saan. I'm warning you, Meg." "Iuuwi ko si Will sa bahay mo. Luluwas ako ng probinsya, kakausapin ko si ina." Imporma ko na hindi naman dapat. Rinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga mula sa kabilang linya. "Isang oras lang, Meg. Hintayin mo ako diyan, ihahatid kita sa kung saan mo man gustong pumunta." "Huwag na. Kaya ko ang sarili ko." "For the love of god, Meg! Do as what you are told! Hintayin mo ako diyan, tatapusi

