KABANATA 11

3060 Words

KABANATA 11 Wala akong nagawa kundi ang magpalit. Pababa ako nang lumapit si Will, kinusot nito ang mga mata at niyakap ang aking binti. "Let's sleep na po." Bahagya itong pumipikit-pikit. Tumayo si Rake mula sa pagkakaupo at ito na mismo ang kumarga sa anak. Hindi na pumalag pa si Will at ipinulupot na lamang ang mga kamay sa leeg ng ama. Pumanhik kami sa itaas at dumiretso sa silid ni William. Ako na ang nagbukas ng pinto, punong puno ng laruan ang kwarto nito at karamihan sa mga iyon ay mga laruang character sa pelikulang star wars.  Inilapag nito si Will sa kama na kaagad namang napayakap sa parihabang unan.  Hinaplos ko ang noo niya at hinalikan . I guess no more stories for tonight. Hinalikan rin ni Rake ang noo nito at magkasabay kaming lumabas ng silid.  "Matutulog na rin ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD