Kabanata 10 Naalimpungatan ako sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Nag-inat ako at natigilan ng mapansing wala ako sa sariling silid. Agad akong napabangon at ipinulupot ang makapal na kumot sa aking kahubadan. "What happened?" Takot na tanong ko sa sarili. Napahawak ako sa aking noo ng makaramdam ng kirot roon. Sari-saring mga eksena ang parang kidlat na bumalik sa aking isipan. Napasinghap ako ng tuluyang maalala ang mga nangyari kagabi. Hinanap ko ang aking mga damit at natagpuan itong maayos na nakatupi at nakapatong sa kama. Nasa ganoon akong ayos ng lumabas si Rake mula sa banyo. Nakahubad ito at tanging maliit na tuwalya lamang ang nakatakip sa kasarian. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. Hinigpitan ko ang ang hawak sa kumot. Umupo siya sa kama at pinagmasdan ako. "I ha

