KABANATA 26 "Stop doing that, Rake. Baka kung ano pa ang isipin ng mga nakakakita." Saway ko sa kanya nang kami na lamang dalawa. Narito kami sa study. Dumaan kami sa likod paakyat sa ikalawang palapag para hindi makita ng mga bisita sa ibaba. Imbes na tumalima ay nilapitan ako nito at pinagapang ang kamay sa aking bewang, paikot sa aking tiyan. "This is mine," aniya. Madiin akong pumikit at pagak na ngumiti. "Napag-uusapan iyan, Rake. Ang lahat ay may kaakibat na presyo. Idaan mo sa maayos na proseso. If you want, bibigyan kita ng calling card ng agency. Gala would entertain you for sure." Umirap ako at tinanaw ang nangyayari sa ibaba. Kita mula rito ang bulwagan, it has one way mirror—kita ko ang ginagawa nila mula rito pero ang nakikita nila sa labas ay purong salamin. "You are mak

