KABANATA 18 Natagpuan ko siya sa may bench. Nakadekwatro ng upo. Hawak nito ang ang isang stick ng nakasinding sigarilyo. Nilapitan ko siya at pumwesto sa kabilang dulo. Napatingin ako nang humithit siya at nagbuga ng usok. "Gaano ka kadalas naninigarilyo?" Hindi ko mapigilang punain iyon. "I usually smoke when I'm tired, and stressed." Muli siyang humithit at nagbuga ng usok. Agad kong tinakpan ang ilong. "Sorry." Siya nang napansin ang ginawa ko. Inilapag niya sa lupa ang hindi pa nauubos na sigarilyo at inapakan ito. "You're far from being stressed, Rake. You looked happy kanina pagdating niyo." Bago ko pa mapigilan ang sarili ay nasabi ko na ang laman ng utak. Sarkastiko siyang ngumiti, tumingala at pumikit. "You sounds like a real wife." Nilingon niya ako at tiningnan gamit ang

