KABANATA 19 Kaagad na dumating si mang Rene. Inalalayan nilang pareho ni Maria si Rake hanggang sa silid nito. Ako naman ay nakasunod lang. "Salamat manong, ako na ang bahala sa kanya rito." Si Maria nang tuluyang naihiga si Rake sa kama. Tumango ang matanda at umalis. Bahagya akong gumilid upang makadaan ito. "Sigurado ka bang kaya mo na?" Ako na nag-aalangang iwan sa pangangalaga niya si Rake. Ngumiti siya at tumango. "Ako na rito, Meg. Magpahinga ka na rin. I know you're tired." Aniya. Niluwagan niya ang kurbata at unti-unting kinakalas ang mga butones ng suot ni Rake. Walang pasubaling hinubad niya ito at sinunod na binaklas ang belt. Nag-iwas ako ng tingin at kahit labag sa loob ay umalis. Nagtungo ako sa dulo ng pasilyo at pumasok sa aking silid. Inatasan ko si Marikit na pakai

