Accidentally Inlove With My Gay Bestfriend

1483 Words
Chapter 1 NAPABALIKWAS nang bangon si Jenica nang tumunog ang alarm clock na nakapatong sa side table. Pinukpok niya ito dahil naiingayan siya at bumalik muli sa pagkakahiga. Kapipikit lang ng kaniyang mga mata ng ang kaniyang celphone naman ang tumunog. Inis na kinuha niya iyon at pinatay. Ngunit sadyang makulit ang tumatawag sapagkat tumunog ulit ang celphone niya. Galit na sinagot niya ang tawag. “Alam mo ba kung ano'ng oras pa lang? Bakit ka ba nang-iistorbo,” galit niyang wika sa taong nasa kabilang linya. Hindi na niya inabalang tingnan kung sino ang tumawag. “Wala akong pakialam kung ano'ng oras na. Sunduin mo na ako ngayon dito sa airport. Kanina pa ako naghihintay sa iyo.” Napabalikwas ulit siya sa pagkakahiga at tinitigan ang pangalan sa screen ng celphone niya. “Sky?” Nasampal niya ang sarili dahil nakalimutan niyang ngayon pala ito darating galing Dubai. At kahapon lang ay tumawag ito sa kaniya upang magpasundo sa airport. Kaya pala nag-alarm siya ng alas singko. “Ang tanga mo, Jenica,” sambit niya sa sarili. “Ano na bakla? Bilisan mo, nasaan ka na ba?” Napakunot pa ang noo niya nang tawagin siyang bakla. Sino kaya sa kanilang dalawa ang bakla. At ang hinayupak nag-iinarte na naman. “Just wait for me, forty-five minutes. Nandiyan na ako.” Nagmamadali siyang bumaba ng kama. “Ano? Forty-five minutes pa. Oh, My God, Jenica. Paghihintayin mo ako rito ng forty-five minutes pa,” reklamo nito sa kaniya. “Skylar, kung hindi mo ako mahintay. Magtaxi ka na lang.” Napangiti pa siya nang marinig niyang nagmura ito sa kabilang linya. Alam niyang galit na ito. Ayaw pa naman nitong pinaghihintay siya. At ayaw na ayaw nitong sumakay ng taxi. “Okay, fine, hihintayin kita rito. Pero, Please, pakibilisan at naiinip na ako.” Halata sa boses nito ang pagkainis sa kaniya. Pinatay na niya ang tawag at dali-daling pumasok sa loob ng banyo para maligo. Mabilis lang ang ginawa niyang pagliligo dahil kahit nasa banyo siya ay naririnig niya ang kaniyang celphone na maingay. At sigurado siyang si Skylar iyon. Bakit naman kasi sa kaniya pa ito nagpasundo, hindi na lang kay Tita Amy. Saktong forty-five minutes at narating niya ang airport. Agad niyang nakita si Skylar sa waiting area ng Airport at nakabusangot na ang mukha. At halos hindi na maipinta. Kinuha niya ang kaniyang celphone at kinuhanan niya ito ng picture. Napapangiti niyang ibinalik sa bag ang celphone, may pag-asar na naman siya rito. “Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot. Ang guwapo mo pa naman,” wika niya at umupo sa tabi nito. Inirapan siya nito at pinitik sa noo. “Excuse me, maganda ako hindi guwapo.” “Ouch, mapanakit ka na ngayon, ha,” reklamo niyang wika kay Skylar. Pinaggigilan niya tuloy na pisilin ang guwapo nitong mukha. “Dapat lang 'yan sa' yo. Imagine mo isang oras akong naghintay sa iyo rito. Kahapon pa kita tinawagan para sabihin na sunduin ako. Pero 'yon pala kinalimutan ng magaling kong bestfriend,” may pagkaarte nitong wika sa kaniya sabay ikot ng mga mata nito. “Ang hinayupak may gana pang magalit at mag-inarte. Kung hindi ka lang bakla kanina pa kita hinalikan sa labi,” sambit niya sa sarili. “Kasi ganito 'yon mahal na hari, Ouch, bakit ba? Kanina ka pa, ah.” Napahawak siya sa kaniyang noo nang pitikin muli ni Skykar iyon. “I told you, I'm a girl” “Oo na, babae ka na. Bakla ka.” Irap niya rito. “Let's go. Gusto ko nang magpahinga.” Tahamik lang silang dalawa habang nasa biyahe. Paano ba naman niya kakausapin ito ay tinulugan siya at nakanganga pa, sarap lagyan ng tinapay ang bunganga. Saan kaya ito uuwi. Sa condo ba nito o sa bahay nila. Mahirap kasi ang dalawa ang bahay hindi alam kung saan niya ito iuuwi. Nasa gitna sila ng trapik nang gisingin niya ito. Tinapik niya ang braso nito. “Sky, gising.” “Hmm,” “Saan ba kita ihahatid? Sa condo mo ba o sa bahay ninyo?” “Sa condo mo,” nakapikit ang mga matang wika nito. “A-ano? Sa condo ko? Bakit sa condo ko, eh, may condo ka naman.” Nagmulat ito ng mata at kunot-noo na tumingin sa kaniya. “Bakit bawal ba? May magagalit na ba? Hoy, Jenica, nawala lang ako ng isang buwan may inililihim ka na sa akin.” “Ano'ng pinagsasabi mo riyan na may magagalit? Alam mong wala akong boyfriend ngayon. Bakit kasi sa condo ko pa?” nakasimangot niyang wika kay Skylar. “Namiss ko kasi ang bestie ko kaya doon muna ako tutuloy hanggang sa makapagpahinga ako. Ayaw mo na bang kasama ako at katabi sa pagtulog mo?” May halong lungkot na tanong nito sa kaniya. “Gustong-gusto ko, kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Gusto nga kitang yakapin at halikan sa labi. Pero dahil hindi mo naman nararamdaman na mahal kita kaya hanggang tingin lang ako sa 'yo. Sapagkat iba ang gusto mo,” wika niya sa sarili. Gusto niyang ipagsigawan dito ang mga katagang iyon pero alam niyang kapag ginawa niya iyon masisira ang pagkakaibigan nila. “Hoy! natulala ka na riyan.” Napakurap ang mata niya nang magsalita ito. Nginitian niya ito. “Syempre, namiss kita. Kaya lang aalis ako mamaya, alam mo naman na may coffe shop akong dapat asikasuhin. Ayaw ko lang na maiwan ka sa condo ko na mag-isa.” “Okay, lang sa akin na mag-isa roon. Sanay na akong mag-isa, no.” Sa bagay tama ito. Isang taon na rin ng makipagbreak ang jowa nitong lalaki. Niluko lang siya nong lalaki, pinaasa na mahal ang kaibigan niya pero iyon pala ay ginamit lang ito. Tapos siya ang takbuhan ni Skylar sa tuwing masasaktan sa mga lalaking minamahal nito. At siya namang si g*ga, nakikinig at dinadamayan ito sa tuwing sawi sa pag-ibig. Kung alam lang nito na nasasaktan siya sa tuwing may lalaking pinapakilala ito sa kaniya. Pero kinakaya niyang labanan ang sakit dahil hindi sila puwede. Magkaiba ang mundong ginagalawan nila ni Skylar. Sapagkat iba ang gusto nito. Isang oras din bago nila narating ang condo unit niya. Pagpasok nila sa loob ng condo ay agad itong nagtungo sa kusina. Sinundan niya ito, alam na niya ang gagawin nito sa kusina. At hindi nga siya nagkamali. “Mahal mo nga ako bestie,” nakangiti nitong wika sa kaniya habang hawak ang isang slice ng mocha cake. Paborito nilang dalawa ang mocha cake. Sa cake sila nagkakasundo at sa tinolang manok. “Ako lang naman ang hindi mo mahal.” Irap niyang wika ay Skylar. “Ano'ng hindi kita mahal? Bestie, mahal kita kasi bestfriend kita. At katunayan nga may pasalubong nga ako sa iyo, eh,” wika ni sabay subo ng cake. Kumirot naman ang kaniyang puso sa sinabi nito. Kaibigan nga lang ang tingin nito sa kaniya. “Ano ka ba, Jenica. Alam mong bakla 'yang kaibigan mo, kaya hindi ka niya mamahalin,” sambit niya sa sarili. “Ano'ng pasalubong mo sa akin?” Tumawa muna ito ng malandi bago nagsalita. “Mamaya na. Samahan mo muna ako sa kuwarto. Gusto ko nang magpahinga. Ubusin ko lang itong cake.” Nang matapos ito sa kinakain ay sabay na silang naglakad patungo sa kuwarto niya. Pagbukas niya ng kuwarto ay agad itong pumasok at humiga sa kama. “Bestie, maligo ka muna bago matulog,” wika niya rito nang makita niyang nakapikit na ang mata habang yakap ang unan niya. “Mamaya na, gusto ko nang magpahinga. Halika ka na, tabihan mo na ako.” Tumaas ang isa niyang kilay at pinagkrus ang dalawa niyang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. “Hindi ako tatabi sa iyo hanggat hindi ka naliligo.” “Bestie, naman, eh. Mamaya na. Puwede. Sige, na tabihan mo ako rito para makatulog na ako.” Pacute nitong wika sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi humiga sa tabi nito. Ganito silang dalawa, magkatabing natutulog kapag nandito ito sa kan'yang condo. Ganoon din kapag siya ay natutulog sa condo nito. “Tabi lang, ha, h'wag kang yayakap sa akin kasi hindi ka naligo.” “Isang buwan akong nawala tapos hindi mo ako payayakapin sa iyo. Bestie, naman namiss kita kaya nga dito ako tumuloy kasi gusto kitang kayakap.” Hinapit siya sa baywang at yumakap. “Ang arte mo, maligo ka kasi muna.” Tulak niya rito. Pero mas lalong yumakap ito sa kaniya kaya wala na siyang nagawa kundi tumahimik at pagmasdan ang guwapo nitong mukha. “Puwede bang mamaya na ako maliligo. Hayaan mo munang yakapin ko ang bestfriend ko,” nakangiti nitong wika sa kaniya. “May magagawa pa ba ako.” “I love you bestie.” Tipid niyang nginitian ito. “I love you too, bestie,” labas sa ilong na wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD