Unang halik

1141 Words
Chapter 2 TANGHALI na nang magising si Skylar. Kinapa niya si Jenica sa kaniyang tabi ngunit wala na ito. Napapangiti siya sapagkat nakatabi na naman niya ang kaniyang bestie. Sa loob ng isang buwan na pananatili niya sa Dubai, aaminin niyang namiss niya ng sobra si Jenica. Ito lang kasi ang nakakaunawa ng tunay niyang pagkatao at ito rin ang unang taong tumanggap sa kanya. Hindi alam ng kaniyang mga magulang ang tunay niyang pagkatao. Dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa kaniya. Matagal na rin siyang kinukulit ng mga ito na bigyan sila ng apo. Bagay na hindi niya maibigay-bigay sa ngayon. Lately, mayroon siyang napapansin sa sarili at iyon ang gumugulo sa kaniyang isipan. Tumayo na siya at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagtungo sa walk-in closet ni Jenica. Kumuha siya ng damit na susuotin. May mga damit siya rito kaya kahit dito na siya maligo at tumira walang problema. Mula nang magkaroon ng sariling condo si Jenica ay lagi nang dito siya natutulog, magkatabi at magkayakap sila. Ganito sila ka-close ni Jenica, walang halong malisya ang ginagawa nila. Sapagkat magkaibigan silang tunay. At saka hindi siya pumapatol sa kapwa niya babae. “Eww!” tila nandidiri niyang wika sa sarili. Habang nagbibihis siya ay biglang tumunog ang celphone niya. Napangiti pa siya ng si Jenica ang tumatawag. “Bestie, nand'yan ka pa ba sa condo ko? Kasi kung nandiyan ka pa, dumaan ka rito sa shop may ibibigay ako. “Bestie, alam mong wala akong sasakyan. Nasa condo ko. Kaya hindi ako aalis dito hanggat hindi ka umuuwi,” taas kilay niyang wika. Narinig niyang nagbuntong-hininga ito. “Skylar, hindi ka talaga nawawalan ng katuwiran. Puwede ka namang magtaxi o kaya magpasundo kay Tita Amy. Ang dami mong arte.” “Nasa Palawan si Mommy kasama si Ate.” “Oh, ay di'y magtaxi ka na lang papunta rito. Ako pa talaga ang papapuntahin mo d'yan. Alam mong kapag ganitong oras ay maraming customer itong shop ko.” Reklamo nito sa kabilang linya. “Jenica, may mga tauhan ka riyan. Kaya sunduin mo na ako rito. Kung talagang gusto mo akong makita. Alam ko naman na kaya mo ako pinapadaan diyan dahil gusto mo lang makita ang bestfriend mong maganda.” Pumalakat siya ng tawa. Sigurado niyang sa mga oras na ito, naiinis na ito sa kanya. At kung nasa harapan niya lang ito siguradong nabatukan na siya nito. “Skylar!” Sigaw nito sa kabilang linya. Kaya naman muntikan na niyang mabitawan ang celphone. “Kung hindi ka pupunta rito hindi ko ibibigay ang invitation card galing lang naman sa ultimate crush mong si Reid.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Jenica bigla tuloy siyang na-excite. “Okay, I'll be there. Magtataxi na lang ako.” Inayos niya muna ang sarili bago tuluyang lumabas ng condo. Pagkababa niya ay agad siyang sumakay ng taxi mabuti na lang at paglabas niya ay may taxi na nakaparada. Excited siyang mahawakan ang invitation card. Gusto niyang malaman kung para saan iyon. Pagdating niya sa shop ni Jenica, ay hinanap niya ito. Nakita niyang may ginagawa ito sa counter. Malapad ang kaniyang pagkakangiti nang makita niya ang maamo nitong mukha. “Bestie, nasaan na 'yong card?” Iyon talaga ang agad niyang tinanong kaysa humalik sa pisngi nito. Gawain kasi niyang halikan ito sa pisngi sa tuwing magkikita silang dalawa. Pero dahil sa gusto na niyang makita at mabasa ang nasa card kaya hindi niya nagawang hinalikan sa pisngi. “Hindi ka naman masyadong excited, ano?” nakataas ang kilay na wika sa kaniya. Naglakad ito patungo sa maliit nitong opisina. Sinundan niya ito hanggang sa loob ng malilit nitong opisina. Umupo siya sa sofang nandoon at ipinatong ang dalawang paa sa table center. “Bestie, bakit hindi mo baguhin ang kulay nito? Hindi ka ba nagsasawa sa kulay mint green nitong opisina mo? Gawin mo namang kulay pink para magmukhang babae.” Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya. Inihilig pa ang ulo nito sa balikat niya. “At bakit naman pink? Eh, hindi ko naman favorite color 'yon.” “Wala lang, kasi maganda siyang tingnan lalo na at magaganda ang mga picture na nakasabit diyan sa dingding.” Kumunot ang noo nitong tumingin sa kaniya. “Ako lang ang maganda riyan. Bakit ba pinagpipilitan mong maganda ka, eh, ang guwapo mo.” Hinampas niya ito sa braso dahilan para mapahiyaw sa sakit. “Jenica! babae ako! Hindi ako lalaki,” nakasimangot niyang wika. “Sige, tanggap ko na talaga kang babae ka. Pero in one condition.” Kumunot tuloy ang noo niya. “Hindi kita isusumbong kay Tita Amy kung magsusuot ka ng damit pambabae, 'yong dress na binili ko rati sa iyo. Gusto kong makita na suot mo 'yon.” May malawak na ngiti sa labi nito, na siya namang ikinagulat. “Seryoso ka? Dahil alam mong hindi ako nagsusuot ng pambabaeng damit.” “Seryoso ako, dahil kung hindi mo iyon isusuot isusumbong na kita kay Tita.” Kinurot niya ito sa tagiliran. “Bestie, naman, eh. Iba na lang ang ipagawa mo sa akin. H'wag lang 'yan.” Maktol niya. “Gagawin mo ba ang gusto ko,” may nakakalukong ngiti sa labi na wika nito. At nahuhulaan na niya ang gusto nito kaya tumayo siya at lumayo rito. “No! Jenica, tigilan mo ako. Maghulos-dili ka, hindi ko gusto 'yang ganyang ngiti mo.” Tumayo ito at unti-unting lumalapit sa kaniya. “Sige, na Skylar kahit dampi lang,” nakangusong wika nito. Tila nandidiri na sinamaan niya ito ng masama. “Tigilan mo ako Jenica hindi nakakatuwa iyang ginagawa mo.” “Ay 'di huwag. Hindi ko rin ibibigay ang invitation card.” Naglakad ito patungo sa table niya at kinuha ang kulay gray na sobre. “Huwag!” Sigaw niya nang pupunitin nito ang card. “Ang lakas mong mang blackmail, bruha ka,” inis niyang wika sabay hablot ng card dito. “Oh, ano? Hahalikan mo ba ako? Nakakainis ka na, hindi mo man lang ako hinalikan kanina,” Maktol nito. “Oo, ito na nga, oh. Pero sa pisngi lang, ha. Ayoko sa lips.” Nakangiti itong tumango. Kaya inihanda niya ang sarili at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa pisngi nito. Laking gulat pa niya ng hawakan siya nito sa magkabilang pisngi at dinampian siya ng halik sa labi. “Jenica! Ang daya mo, sabi ko sa pisngi lang!” Hinabol niya ito palabas ng opisina. “Ang arte mo, huwag kang feeling virgin 'yang labi mo dahil matagal ko nang natikman 'yan. At saka walang halong malisya 'yon. Sapagkat sabi mo nga pareho tayong girl,” nakapamaywang na wika nito sa kaniya. “Ewan ko sa iyo. Kadiri ka,” inis niyang wika kay Jenica habang pinupunasan ang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD