"Hoy! Magsibalik kayong mga bata kayo! Mga magnanakaw!" Nakakatawa. Siguro kung nasusustentuhan lahat ng pangangailangan ng mga tao ay wala ng gagawa pa ng masama sa mundo. Discontentment. Nararamdaman ng mga taong napagkaitan. Napagkaitan dahil may mga taong umangkin ng labis sa kahit anong bagay. Mga bagay na hindi dapat sa kanila pero kinuha, ninakaw. Ninakaw dahil sa kung anong meron sila ay hindi makuntento. Hindi makuntento dahil pinagkaitan. Pinagkaitan dahil hindi natin binibigay sa kapwa natin ang dapat para sa kanila. Aware or not, we are all guilty of turning humanity into an animal- a greedy animal that is. "Kunin mo yung itak Dahlia, hahabulin ko sila!" "Oo, saglit lang Ricardo!" "Ma'am!" Sigaw ko habang tumatakbo at sinusundan si Stacia. "Namimiss ko na ang pamilya

