Mainit, masarap, nakakapanlaway. Ganyan ang epekto sakin ngayon ng simpleng almusal na inihanda ng mag asawang Dahlia at Ricardo. Sa sobrang gutom ko kasi at pagod ay napakasarap na ng lasa ng mainit na gatas, pandesal at itlog. Hindi ko nga alam kung pano napapanatili ni Stacia ang poise niya ngayon sa pagkain, alam ko naman kasing gutom na gutom na rin siya. "Ganoon pala ang nangyari sayo. Iyang ama mo talaga, Bibi Cake, wala ng ginawang matino!" Galit na sabi ni manang Dahlia. "Noon pa man lahat na ng katarantaduhan ng isang magulang ay ginawa niya na! Nakokonsensya tuloy ako na iniwan kita, Bibi Cake." "Anong ibig mong sabihin, Dahlia?" Tanong ng kanyang asawa. Inis na humigop muna ng kape ang dating kasambahay bago nagpatuloy. "Labing anim na taong gulang si Bibi Cake noong uma

