Hinatid ni Dimitri si Olivia sa bahay na tinutuluyan nilang dalawa ni Dave. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Olivia sa pag-amin ni Dimitri, lalo na’t minahal niya ito simula pagkabata. Gayunpaman, nagpapasalamat siya dahil hindi natuloy ang pagpapakasal sa kanilan; kung nagkataon, magiging impyerno ang buhay niya. Kahit mahal siya ni Dimitri, hindi nito magagampanan ang tungkulin nito sa kanya dahil hindi ito tunay na lalaki. “Okay ka lang?” tanong ni Dimitri. Wala pa si Dave nang dumating sila. “Gumugulo pa rin ba sa isipan mo ang pag-amin ko kanina? Ayokong isipin mong itinago ni Dave ito dahil may dahilan siya. Ikaw ang mahal niya, Olivia, at totoo ang nararamdaman niya. Huwag mong pagdudahan iyon dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa’yo. Ganyan ka niya kamahal.” Ngumit

