Natigilan si Olivia nang makita niya si Dimitri na sinusundo siya sa paaralan kung saan siya nagtuturo. Mabilis niyang niligpit ang mga gamit sa mesa at nilagay iyon sa drawer. Isang nakangiting mukha ni Dimitri ang sumalubong sa kanya. “Nakakaistorbo ba ako?” tanong ni Dimitri. “Hindi naman. Pauwi na rin naman ako. Akala ko nasa Maynila ka. Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya. “Gusto sana kitang makausap, Olivia. Hindi kasi ako mapakali sa Maynila hangga’t hindi kita nakakausap.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Dimitri. “Sige, sandali lang. Hihintayin ko lang na makalabas ang mga estudyante ko,” sagot niya. Binigyan niya ito ng upuan upang hintayin siya habang inaayos niya ang classroom dahil labasan na rin ng mga bata. Grade three pupils adviser siya. “Take your tim

