Napabalikwas ng bangon si Ariel. Muli na naman niyang napanaginipan si Miranda. Nitong mga huling araw ay palagi na niyang napapanaginipan ang babae. Siguro't dahil na rin sa pag-amin niya kay Dave ng katotohanan. Pero alam niyang sa kabila ng mga pag-amin niya, may itinatago pa rin siyang lihim-----isang lihim na naging bangungot ng kanyang buhay. Isang lihim sa kanyang pagkatao na siya ay rapist. Alam niyang kailanman ay hindi niya matatakasan ang ginawa niya. Kung paano niya gahasain si Miranda noong nagtatrabaho ito sa mansyon. Ginamitan niya ng dahas para maangkin ang babae. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong nagalaw at tinakot. At sa tuwing na hindi ibinibigay ni Miranda ang gusto niya, sinasaktan niya ito. Kung hindi lang nalaman ni Amanda ang lahat ay hindi niya titi

