KULANG na lamang ay paliparin ni Dave ang sasakyan pabalik ng beach resort kung saan niya iniwan si Olivia. Sa lakas ng ulan at kulog ay hindi niya na halos makita ang daan, zero visibility na rin. Pagdating niya ng cottage ay hindi niya nakita si Olivia na lalong kanyang ikinakaba. Wala na rin halos tao sa resort. Ang kaba niya ay ganoon na lamang. Basang-basa na siya sa paghahanap sa babae pero kahit anino nito ay wala. Hindi niya na malaman ang gagawin sa labis na pagkataranta at pag-aalala. Mabilis siyang bumalik ng hacienda sa pagbabaka-sakali na baka nakauwi na ito o di kaya ay sinundo na ni Dimitri dahil hindi niya ito nakita sa hacienda pero pagbalik niya ng bahay ay nakita niya si Dimitri na umiinom mag-isa. Nagulat pa ito nang makita siyang basang-basa. "Si Olivia?" malakas ang

