MASAKIT ang ulo na nagising siya. Hindi pamilyar ang lugar na kanyang kinaroroonan. Maliit na kama lamang ang kanyang hinihigaan. Ibang-iba sa kanyang kama sa mansyon ng mga Castillo. The memory of what happened came back to her. How she fainted in the middle of the rain. Dahan-dahan siyang bumangon, pinagmasdan niya ang kanyang kapaligiran. Ang lahat ay bago sa kanyang mga mata. Kumalam ang kanyang sikmura ng may naamoy siyang mabangong niluluto. Bigla siyang nagutom. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Ibang damit din ang kanyang suot. Dahan-dahan siya bumangon at lumabas sa silid na kanyang kinaroroonan. Isang lalaking pamilyar sa kanya ang bulto ng katawan ang kanyang nakita na nagluluto sa kusina. It was Dave---pero paanong kasama niya ito? "Dave?" tawag niya sa lalaki. Naramdaman niyan

