NAKUNOT ang noo ni Olivia dahil sa galit ni Dimitri sa kanya dahil sa pagpunta ni Dave sa Maynila. Ngayon niya lamang nakitang nagalit ang lalaki. Nakakapanibago. "Sana hindi ka pumayag na dito siya manatili habang wala ako. Lalaki pa rin siya Olivia at wala akong tiwala sa kapatid ko," giit pang wika sa kanya ni Dimitri. Oo, guilty siya dahil may ginagawa sila ni Dave pero hindi niya mapigilan ang hindi magtaka sa ikinikilos ni Dimitri lalo na at magkakasama naman sila sa iisang bubong kapag nasa probinsya silang tatlo. "Hindi ko maintindihan Dimitri kung bakit nagagalit ka sa akin. Paano ko naman ipagtutulakan ang kapatid mo? Hindi ko 'yon magagawa. Kung may dapat man na paalisin sa condominium na ito ay ako iyon dahil ako ang walang karapatan at hindi si Dave," katwiran niya. "Tina

