ILANG bote na ng alak ang naubos ni Dave pero hindi niya maramdaman ang kalasingan. Nasa isipan niya pa rin kasi ang kanilang pag-uusap ng kanyang ama at ang gusto nitong ikasal si Olivia ay Dimitri. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng pagkakataon at kailanman ay hindi pwedeng sumaya. Si Olivia lang ang tanging babaeng nagpapasaya sa kanya at lahat ay kaya niyang gawin maprotektahan lamang ito--- kahit pa laban sa kanyang pamilya at kahit pa talikuran siya ng kanyang pamilya ay wala na siyang pakialam. Alam niyang magiging miserable ang buhay ni Olivia kapag natuloy ang kasal nito kay Dimitri. Isa pa, alam niyang hindi maibibigay ng kanyang kapatid ang pangangailangan ni Olivia...Oo, alam niyang may gusto si Olivia kay Dimitri pero hindi kayang suklian Dimitri ang pagmamahal na 'yon

