NAGMAMADALING nagligpit ng mga gamit si Dimitri nang malaman niyang papunta ng Maynila ang kanyang ina. Hindi niya alam pero malakas ang kanyang kutob na may alam na ito kung nasaan siya at kung sino ang kanyang kasama. "I'm really sorry hon," natataranta niyang wika sa nobyo. Mabilis na inayos niya ang kanyang mga gamit. Mabuti na lang talaga at malapit siya sa kanilang mga katulong sa mansyon kung kaya nagawa siyang itext ng mga ito na luluwas ang kanyang ina. "Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa hindi ba? Mawawala sa akin ang lahat kapag hindi ko sila sinunod? Isa pa, paano na tayo?" tanong niya kay Jasper. "I understand, Dimitri. Alam ko naman kung gaano kahalaga sayo ang pamilya mo---- ang inyong negosyo. Alam ko na ang tulad natin ay mahirap matanggap ng mga tao. Hindi naman

