NAPALAKAS yata ang pagkakatulak niya kay Dave dahil natumba ito. Mabilis niya itong tinulungan upang tumayo. "Sorry, hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi," wika niya sa lalaki. "Do you want me to leave?" tanong pa ni Dave sa kanya. "Nakakahiya kay Dimitri. Ayokong mag-isip siya ng masama sa atin." "Bakit siya mag-iisip ng masama kung magkakasama naman tayo sa bahay?" kunot ang noo na tanong sa kanya ni Dave. Palibhasa kasi guilty siya kung kaya masama ang kanyang isip. Umiwas siya sa lalaki at umupo sa sofa. Nilapitan siya ni Dave umupo rin ito. "Gusto akong ligawan ni Dimitri," pag-amin niya kay Dave kung kaya hindi ito nakasagot. "Anong sinabi mo? Pumayag ka?" "Anong sasabihin ko sa kanya?" tanong niya kay Dave. "Hindi naman ako makatanggi pero sinabi ko sa kanya na kung pwede ay

