NAGULAT pa si Olivia nang mapagbuksan niya ng pinto si Dave. Akala niya ang bumalik ay si Dimitri dahil may nakalimutan ito. Tatlong araw na mawawala si Dimitri dahil may pinuntahan itong convention. Gustuhin man nito na isama siya pero pero hindi naman pwede isa pa tumanggi din siya dahil hindi niya naman kilala ang mga kasama ng lalaki. Mas gusto niyang maglinis na lamang ng condo nito. Isa pa, ayaw niya ring maiwang mag-isa si Viah. Kung siya ay natigilan na g makita niya ang lalaki sa labas ng pintuan ay kabaliktaran naman ng alaga niyang aso dahil mabilis itong lumapit kay Dave na akala mo ay nagsusumbong. Maagad namang binuhat ng lalaki ang alaga niya. Ang pagtibok ng puso niya ay hindi na naman normal. Ibang-iba ang t***k non kapag si Dave ang nasa paligid. "Anong ginagawa mo rito?

