Early in the morning naisipan ni Kyle na mag-jogging sa loob ng kanilang Hacienda. Late na ng gabi nang sya ay makarating sa Isla. Maganda ang pakiramdam nya nang umagang iyon. Kasing-ganda ng papasikat na araw. Iyon ang matagal na n'yang gusto, ang makasinghap ng preskong hangin. Malayo rin sa gulo at anumang problema.
Masaya n'yang pinagmasdan ang pagsikat ng araw sa itaas ng talampas. Malaya nya ring nilibot ng tingin ang kabuuan ng Isla.
Buti nalang there's a place to loosen up.
Nakangiti n'yang sambit sa isipan.
Wala s'yang ibang dala kundi ang tanging face towel lamang na kanina pang nakasabit sa balikat nya. Sinadya nya ring iwan ang cellphone. Nakaramdam sya ng uhaw. Lumingon-lingon sya sa buong paligid. Natanaw nya sa di kalayuan ng dagat ang isang puting yate na sa wari nya ay papalapit sa Isla na kinaroroonan nya.
Is there someone ba na uuwi rito maliban sa akin? Ah huh, hindi kaya si Wilbert yon? Well, pretty good that he came home.
Pinsan nya na si Wilbert ang naisipan n'yang maaaring may-ari nun. Ilang years nya rin kasi itong hindi nakita. Masyado kasing ma-adventure ang taong iyon. Halos buong Pilipinas ay pinasyalan na nito makahanap lang ng maraming chicks.
Natawa sya sa isiping iyon. Masyado parin talagang babaero ang pinsan. Walang pinagbago. Bumaba na sya upang makahanap ng malinis na sapa.
Angie jumped off from her yacht. The water was so clear. Masarap sa paa ang white sand na kanyang inaapakan. Finally she's already there. Ang Isla na kanyang natatanaw kaninang madaling araw mula sa Helicopter Island na nasa tapat ng Palawan.
Maaga s'yang pumunta ng El Nido upang mahaba-haba pa ang kanyang oras para sa buong araw na gala. Helicopter Island ang una n'yang naisipang puntahan. Nang matanaw nya ang isa pang Isla sa di kalayuan ay nagkaroon sya ng interes na maglayag patungo roon. Tamang-tama at maaga pa, hindi pa ganoon kainit ang sikat ng araw.
Naroon sya ngayon sa dalampasigan ng Isla. Napapikit sya upang langhapin ang sariwang hangin na dumadampi sa makinis n'yang mga balat.
Isang malaparaisong isla. Kakaiba ang lugar na iyon. Tahimik ang buong paligid, maliban sa mahinang tunog ng alon na humahampas sa puting buhangin.
This is a perfect place to unwind.. A perfect sea to surf.. Well as of now, I have to wait. Hindi pa masyadong malakas ang ihip ng hangin. Maybe later tamang-tama ang lakas ng waves..
What I have to do now is to look and walk around and discover what's inside of this Island.. Hmm.. Everything looks good and feels great..
Nang makaahon na sa warm sea water ay isinuot nya ang dalang sandals. Sa unahan ng dalampasigang iyon ay napansin nya ang karatulang may nakasulat na Belmonte Island. Hindi na ito ganoon kalinis na tila ilang dekada nang nakaukit.
Belmonte Island.. Basa ng kanyang isipan.
Sinundan nya ang makitid na daan. Ilang saglit pa ay may naamoy s'yang mahalimuyak na bango na tila nagmumula sa mga bulaklak na halaman. Na-amazed sya sa paligid nang marating ang tila isang flower farm na puno ng iba't ibang klaseng bulaklak. Napakalawak niyon. Napagtanto n'yang doon nagmumula ang naaamoy na bango.
Ilang mga bulaklak lamang doon ang kanyang nakikilala.. Maayos ang pagkaka-organized ng bawat mga halaman. Sa tingin nya ay magaling at mahilig sa halaman ang may-ari niyon. Napakaayos at napakaganda nitong tingnan. Iilan lamang sa mga bulaklak na nakikilala niya ay asters, daisy, lilies at roses na iba ibang kulay. Hindi na niya nakikilala ang karamihan roon.
Pumitas sya ng puting rosas. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at inamoy ito. Isang mahalimuyak na amoy ang tanging dala nito. Napangiti sya. Iyon ang pinakaaasam-asam nya ang makapasyal sa lugar na punung-puno ng iba't-ibang klase ng magagandang mga bulaklak sa malawak na kalupaan. Tila ngayon lamang nasagot ang kanyang matagal nang pangarap. Kaya pala pakiramdam nya kanina pa na parang inaakit sya ng Isla na puntahan ito.
Nagpatuloy sya sa paglalakad bitbit ang puting rosas na kanyang pinitas. Tinahak nya ang makitid na daan na papunta sa kung saan. May mga dwarf santan na bulaklak na nakahilera sa gilid ng daang iyon. Para tuloy s'yang prinsesang naglalakad sa gitna ng mga halaman. Tila isa itong kakaibang panaginip para sa kanya.
Wow..
Mas lalo s'yang namangha nang makita ang isang romantic bridge sa di kalayuan. Dali-dali nya itong pinuntahan, at doon ay natanaw nya ang waterfalls. Bumabagsak at dumadaloy ang tubig nito papuntang sapa. Matatanaw rin ang ilang mga punong makukulay sa buong paligid. Flamboyant tree ang una n'yang napansin sumunod ang Wisteria na isa ring magandang puno. Para s'yang nasa ibang bansa o masasabing para s'yang nasa paraiso dahil sa kakaibang Isla na kanyang napasukan.
Everything was so amazing. I really loved this place.. I didn't know that there's a place like this that ever exists.
Akala nya sa fantasy nya lang makikita ang ganoong klaseng lugar. Lumapit sya sa mababaw, tahimik at malinis na sapa upang doon ay makapaghugas. Naupo sya sa isang malapad na bato and she dip her foot in the water. Napakalinaw ng tubig sapagkat kahit na maliliit na bato ay makikita sa ilalim ng sapa.
She scooped up some water with her palms and washed her face.
Oh, this is so warm..
Patuloy sya sa paghihilamos. Sinali narin nya ang mga braso. Pakiramdam niya parang gusto niyang lumundag sa tubig. Napapitlag sya nang biglang umahon sa tubig ang isang lalaki na ilang metro ang layo mula sa kaniya. Kita n'yang nakaboxer shorts lamang ito at walang suot na pang-itaas na damit. Napako ang paningin nya sa maputi at hunk nitong pangangatawan. Dumadaloy ang tubig pababa sa abs nito. Napalunok pa tuloy sya.
For God's sake, I thought fairies lang ang makikita sa forest..
Napapikit s'yang bigla.