Chapter 5

968 Words
Crowded masyado, daig pa niya ang isang butil sa maraming bato. Kasaganaan iyon ng pista. Marami ang taong abala sa mga kabahayan. Ang iba naman ay abala rin sa pamimili ng ilang mga kagamitan. May napansin s'yang bata na tila naliligaw. Nilapitan niya ito. "Bata, ano ang pangalan mo? Nawawala kaba?" Tanong ni Kyle. Naglabasan ang mga luha nito na tila kanina pang pinipigilan. Nakaramdam sya ng habag rito. Naalala nya sa bata ang naging karanasan nya noong kamusmusan pa nya. Minsan rin kasi s'yang nawala nung bata pa sya. Nagsumbong ito sa kanya. Tinanong nya rito ang buong pangalan ng mga magulang nito. Sinamahan nya ito upang mahanap nito ang mga magulang. Nang hindi sinasadyang bigla n'yang nabangga at naapakan ang sandals ng babaeng nakasuot ng puting sumbrero. "Ay, sorry Miss." Nasambit na lamang nya rito. Muntikan na itong ma-out balance. Buti na lamang at nahawakan nya ito. Lumingon ito sa kanya. Napatitig sya sa pamilyar na mukha ng babae. Nakatingin rin ito sa kanya. Tila biglang huminto ang buong paligid nang mga sandaling iyon. Tahimik parin sya hanggang sa biglang may lumapit sa kanila. Bumalik sya sa realidad ng mapagtantong pulis na ang kanyang kaharap. "Sir, kaanu-ano n'yo po ang bata?" Tanong nito sa kanya. "Ah-huh?" Tila ba natauhan sya. "Mama.." Wika ng bata sa kasama nito. Napatingin na lamang sya sa mag-ina. Hindi na nahagip ng kanyang paningin ang kaninang babae. Lumingon-lingon sya sa paligid upang hanapin ang babae subalit bigla na lamang itong nawala. Ikinuwento ni Kyle sa pulis at sa ina nito kung paano nya nakita at sinamahan ang bata upang mahanap ang mga magulang nito. Sa huli ay nagpasalamat sa kanya ang mag-ina. Laking gulat ni Angie nang mapasubsob sya sa isang tambak na malong. Sa kakalingon nya sa kinaroroonan ng lalaki ay hindi nya napansin na nakapasok na pala sya sa bilihan ng clothings. Hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha nito na kanina'y kanyang tinititigan. Umalis sya kanina dahil nakita n'yang may pulis na paparating sa kinatatayuan nila. Ayaw n'yang mapasok sa gulo. Hindi nya kilala ang lalaki at hawak pa nito ang bata. Binura nya ang masamang isipin. Ayaw n'yang mang-judge ng taong hindi naman nya kilala. Pumikit sya at pilit na inalis sa isipan ang lalaki. Inayos nya ang sarili at nagpatuloy sa paglakad. Sakay ng kotse, pinuntahan ni Angie ang Village na kung saan nakatira ang Tita Margaret nya. Pinsan ito ng kanyang ina. "Angela.." Masayang wika nito sa kanya nang makalapit sya. Nakipagbeso sya sa tita. Niyakap sya nito. Matagal-tagal narin kasing hindi nya ito nakita. "Buti nalang at nakapasyal ka. Are you gonna stay here?" "No, Tita. Uuwi narin naman ako after 2 days. May ilang lugar lang akong pupuntahan," sagot nya. "Ah ganun ba." Isang oras din ang inilagi nya roon upang makipagkwentuhan sa tiyahin bago umalis. Ipinagpatuloy nya ang pagbyahe ng ilang kilometro ang layo hanggang sa marating nya ang Subterranean National Park. Nalanghap nya ang sariwang hangin. Excited sya habang pinagmamasdan ang paligid. Aliw na aliw ang mga tao lalo na ang ilang mga kabataan. Kinuha nya sa loob ng bag ang dalang camera. Kinuhanan nya ng ilang litrato ang paligid pati narin ang sarili nya. Inaya sya ng isa sa mga tourist guide na sumakay ng boat upang makapasok sa kweba at matanaw sa loob ang river. Tama sila sapagkat malamig nga sa loob ng underground river. Iba ang excitement na kanyang naramdaman. Iba't iba parin talaga ang features ng mga tourist spots sa Pilipinas. Hindi ito pare-pareho sapagkat may kanya kanya itong attractions sa mga tao. Pagkatapos ay naligo narin sya upang malasap ang malamig na tubig ng river. Hindi nya nakalimutan na puntahan rin ang lagoon. Isa iyon sa pinakamagandang nangyari sa araw na iyon. Nag-enjoy sya ng husto. Nag-rent na lamang sya uli ng hotel na malapit roon sapagkat napagod na sya sa buong maghapon. Tinamad na s'yang bumyahe pa ng ilang kilometro. Pagkapasok na pagkapasok nya sa loob ng suite ay nahiga sya sa kama. Ilang saglit pa ay tumayo na sya upang iligpit ang mga dala nya. Naupo sya sa sofa matapos n'yang patuyuin sa dryer ang basang damit. Tiningnan nya ang oras sa suot na smart watch. Tumingin sya sa bintana. Maggagabi na. Isinandal nya ang likod sa sofa. Hindi nya namalayang nakaidlip na sya. Bumaba ng sasakyan si Kyle upang bumili na lamang ng makakain sa labas. Mahaba haba ang oras na nilakbay nya. Tamang-tama at may inihaw na isda. Ayos na yon para sa hapunan nya. Naupo sya sa table, at hinintay na lamang na lapitan sya ng waitress. Binuksan nya ang cellphone habang naghihintay ng kanyang order. Nakita nya ang ilang mahahabang mensahe mula kay Cressida. Wala sa loob na pinatay nya ito. Wala s'yang interes na basahin ito. Matapos i-off ay ipinasok nya ito sa bulsa ng kanyang suot na hoodie. Sa hindi inaasahan ay nakita n'yang muli sa kabilang grupo ng mga lamesa ang babaeng kanyang nakita kaninang umaga. Nakatingin rin ito sa kinaroroonan nya. Nang makitang nakatingin rin sya rito ay umiwas ito ng tingin. Here you are, again and again.. Nakangiti n'yang bulong sa sarili. Gusto nya sana itong lapitan subalit mas pinili na lamang n'yang manatili sa kinauupuan. Nakita nya kasing may lumapit agad rito na isang lalaki. Napakunot noo sya. Wala s'yang nagawa kundi ang magmasid na lamang. Nang ilapag na ng waitress sa lamesa ang order nya ay umalis na agad ito. Panay parin ang tingin nya sa dalawa. Nag-uusap parin ang mga ito. Napansin pa n'yang ngingiti-ngiti ang dalaga habang kausap ang lalaki. Iba ang kaniyang naramdaman nang mga sandaling iyon kaya't nang matapos s'yang kumain ay agad siyang umalis sa lugar na iyon. Hindi na nya hinintay pa na matapos mag-usap ang mga ito. Binuksan nya ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD