Chapter 4

751 Words
Nagising si Angie dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha na nagmumula sa window glass. Nakalimutan niyang takpan ng curtains ang bintana. Tiningnan nya ang clock sa side table. Exactly 8 am in the morning, oras na para mag-shower at gawin ang activities sa list nya. Magsisimba muna sya sa Cathedral dahil araw naman nang linggo. Maglilibot sya sa buong Palawan. Iyon ang nasa isip nya. Ang Puerto Princesa ang una n'yang pupuntahan. Papasyalan din nya pagkatapos ang sinasabi nilang Helicopter Island. Balak rin n'yang maligo bukas sa lagoon na malapit sa Underground River. Sa susunod na araw ay magse-surf naman sya sa Beach. Napangiti sya sa mga naisip na gagawin. Natawa na lamang sya dahil masyado yatang naparami ang mga activities na nasa list nya. It's okay, kaya ko naman sigurong gawin itong lahat without Evonne.. Napangiti sya ng mapakla. Humugot sya ng malalim na hininga. Pero ayaw n'yang masira ang araw na iyon lalo pa't araw nang linggo. Sisimulan nya ito sa pagsimba. Natagpuan ni Angie ang sarili na nakaupo sa park. Nanonood sa mga tao na abala sa paglabas mula sa loob ng simbahan. Matapos nya kasing magsimba ay nagpahangin sya roon. Napansin nya sa di kalayuan ang matandang babae na nagtitinda. Dala-dala nito ang basket. Ilang saglit pa ay lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi nya. Tinanong nya ito kung ano ang binebenta ng matanda. "Tinapay hija, baka gusto mo. Habang mainit pa," alok nito sa kanya. Tatanggi sana sya nang maunahan sya nito. Iniabot agad nito sa kanya ang isang supot ng tinapay. Nakaramdam sya ng init sa mga palad. Tama ito, sapagkat mainit pa nga. "Salamat po Manang. Masarap nga ito dahil mainit-init pa." Ngumiti ito bilang tugon. "Alam mo hija, matagal ko na itong ginagawa. Kahit noong kabataan ko pa. Bago ka palang dito sa tingin ko." Lumingon ito sa kanya. Tumango sya. "Tagasaan ka ba hija?" Tanong muli nito. "Ah galing po ako ng Maynila, nagbabakasyon lamang po ako. Marami po kasi ang nagsabi na maganda itong pasyalan." "Tama ka. Subalit huwag ka lamang masyadong lumayo sapagkat mayroong ilang lugar dito na hindi magandang puntahan ng mga bakasyonista." Napatingin sya sa matandang babae. Kinilabutan syang bigla sa nasambit nito. Tuloy parang ayaw na n'yang ituloy ang pamamasyal. Tumayo ang matanda. "Sige hija maiwan na muna kita at ipagpapatuloy ko pa ang pagtitinda rito sa natitira kong mga paninda." Umalis na ito. Naiwan s'yang tahimik at malalim ang iniisip. Ramdam parin ang kaba. She was wondering kung sino ang matandang iyon, at kung ano ang mga sinasabi nito. Ayaw n'yang mag-isip ng masama rito. Sa tingin nya ay mabait naman ito. Sa ilang sandali pa na pananatili nya sa park. Meron s'yang napansin. May isang lalaki na nakatingin sa kanya sa di kalayuan. Tinitigan nya ang kabuuan nito. Hindi nya ito kilala pero sa tingin nya ay nakita na nya ito sa kung saan. He looks familiar.. Inalis na nito ang tingin sa kanya at patuloy na umalis. Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Hindi naman sya nakaramdam ng kilabot habang pinagmamasdan ang lalaki sa malayo. Tumayo na lamang sya at iniuwi ang bitbit n'yang supot. Pagkarating nya sa apartment ay inilapag nya sa lamesa ang dalang supot. Pumasok na sya ng kwarto at nahiga sa kama. Hindi parin mawala sa isipan nya ang mga binanggit ng matanda kanina sa harap ng simbahan. Pati narin ang lalaking nakatingin sa kanya sa park. Sa kakaisip ay hindi na nya namalayang nakatulog na sya. Hawak ang bestidang puti habol ni Angie ang hininga nang mga sandaling iyon. Malakas ang pintig ng puso nya habang nakahawak ang isang kamay sa puno ng balete. Naroon sya sa isang madilim na parang. Tiyak s'yang may humahabol sa kanya. Hindi nya alam kung sino. Kanina pa s'yang tumatakbo. Nang marinig nya ang tunog ng apak ng tao na papalapit ay muli s'yang tumakbo. Nagulat sya nang biglang may humawak sa kanyang kamay at hinila sya. Tinakpan pa nito ang kanyang bibig. Napabalikwas ng bangon si Angie. Pawis na pawis sya. Malakas rin ang t***k ng puso nya. Wari nya ay binangungot sya. Napayuko sya sa kanyang mga tuhod. Ilang sandali pa ay lumingon sya sa side table upang tingnan ang oras. Pasado alas tres na nang hapon. Inabot nya ang isang basong tubig. Nilagok nya iyon. Kinapa nya ang dibdib at nasapo nya ang sariling noo. Napahinga na lamang sya ng malalim. It was a bad dream.. Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD