Chapter 3

743 Words
Masakit ang ulo ni Kyle habang iniisip ang sinabi sa kanya ni Dr. Alvarez. Katatapos nya lang makipag-usap sa ex-girlfriend na si Cressida. Nakikiusap ito na magkita sila. Subalit wala na s'yang interes pa. What for? He smirked. Ipinagtapat pa ng doctor sa kanya ang lahat ng balak ni Cressida upang balikan lamang nya ito. Subalit huli na ang lahat, alam na nya sa sarili na wala na s'yang pagmamahal sa dalaga. Kahit ano pang pilit na gawin ni Cressida hindi na magbabago pa ang desisyon nya. Napatayo sya. Sa tingin nya ay kailangan n'yang mag-relax. Bumaba sya ng bahay upang maligo sa pool. Tamang-tama ang oras na iyon para mag-swimming. Hindi masyadong mainit dahil dapit hapon na. Kinabukasan ay pumunta sya ng gym. Muli n'yang naalala ang dating nobya. Sapagkat doon sila madalas magkita tuwing umaga. Pero nang maalala kung paano nagloko si Cressida sa kanya ang lahat ng iyon ay napalitan ng poot. Sumampa sya sa treadmill at mabilis na nai-set iyon. Doon nya ibinuhos ang lahat ng galit at inis nya. Nang matapos sya ay mabilis n'yang kinuha ang towel at tubig sa bag. Naisipan na n'yang umuwi na. Hindi pa man sya nakakalabas ng gym nang makita n'yang papasok si Cressida. Ilang araw din nya itong hindi nakita matapos n'yang makipaghiwalay rito. Napatingin rin ito sa kanya nang mapansin sya. Lalapitan na sana sya nito nang biglang umiwas sya at lumihis ng direksyon. Mabilis n'yang napaandar ang kotse nang makapasok sya. Wala nang dahilan pa upang mag-usap sila. Iyon ang kanyang nasa isip. Nakita n'yang tumatak ang litrato at numero nito sa cellphone nya. Senyales na ito ang tumatawag. Hindi nya ito sinagot at hinayaan na lamang na mag-ilang missed calls. Napakunot ang noo nya at napabuntong hininga na lamang sya. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa galit. Nang dumating sya ng bahay ay tinawagan nya ang Ina. "Yes Son, how are you?" Tanong ng Ina nya mula sa kabilang linya. "Ma, I wanna go home." Iyon lamang ang sa tingin nya'y dapat n'yang gawin upang ma-relax ang kanyang isipan. Alam n'yang presko pa sa kanya ang mga nangyari kahit ilang linggo na ang nakalipas. Sa tingin nya ay agad rin s'yang makakalimot dahil hindi naman sila ganoon katagal na magkarelasyon ni Cressida. Pinatay na nya ang telepono matapos nilang mag-usap ng Ina. Pagkatapos ay bumaba na sya at nag-ayos ng ilang kagamitan. Naabutan nya si Manang Wella na nagmemeryenda. Nagulat pa ito ng dumating sya. "Oh hijo, bakit ka nandito sa dirty kitchen? May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong ng matandang kasambahay. Nasanay kasi itong tumatawag na lamang sa telepono na nasa kusina kapag mayroon s'yang kailangan. Napangiti sya kay Manang Wella. Matagal na itong naninilbihan sa kanila kahit nung teenager pa lamang sya. Ito ang palaging nagbabantay sa kanya noon kapag umuuwi ang mga magulang nya sa Lolo at Lola nya. "Manang, pwede po bang pakisabi kay Manong Julio na ihanda ang sasakyan sa Belmonte uuwi ako kina Lola." "Ah Sige hijo, masusunod." Pagkatapos ay bumalik na sya sa loob upang ihanda ang sarili. Nagflash sa screen ng cellphone nya ang numero ni Aljun. "Bro, where are you? Hinihintay kana ni Mr. Morales may meeting tayo diba?" Saka nya naalala ang usapan nila kahapon sa office. Parang bumalik sya sa realidad. "Oo nga pala. Sorry I forgot. I-excuse mo muna 'ko Bro may lakad ako e. Pakisabi kay Mr. Morales na nag-leave ako nang 1 week." Tumawa ito ng malakas sa kabilang linya. "Ano yan Bro, biglaan." Mapang-asar na sagot nito. "Heh. Basta ikaw na bahala d'yan, may tiwala naman ako sayo." "Well, good to hear. Sinabi mo eh." Nawala na ito sa kabilang linya. Napailing na lamang sya. Ganoon na talaga si Aljun kahit nung nag-aaral pa sila. Malakas pa itong mang-asar. Maingay pa. Pero kahit ganun gusto nya ang personality nito. Lagi silang nagkakaintindihan. Magkasama rin sila minsan sa kalokohan. Mapagkakatiwalaan rin itong kaibigan dahil ito traydor hindi tulad ng iba. Hindi rin mahilig si Aljun sa mga babae. Babae pa ang humahabol at nanliligaw sa lalaking iyon. Napakaswerte, sabagay katulad rin naman niya itong gwapito, malakas ang dating at mabait. Naalala nya si Melly, ang kababata n'yang babae na itinuring n'yang parang tunay na kapatid. May lihim na pagtingin rin pala ito sa kaibigan nya. Nalaman nya iyon nang aksidenteng mabasa nya ang love letter na isinulat nito na nakaipit sa libro nito. Napangiti na lamang sya nang maalala ang panahon nang kabataan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD