Chapter 2

653 Words
Halos mapalundag ito sa kilig nang maikwento nya sa kaibigan ang tungkol sa lalaking tumulong sa kanya isang gabi. Naroon sila sa isang fastfood chain nang araw na iyon. "As in?" Ani Evonne. Nangingislap ang mga mata nito na animo'y nangangarap rin na makatagpo ng isang superhero. "Gaga, akala mo ba ang ganda ng nangyari sa akin do'n? Nakakatakot kaya." Inirapan nya ang kaibigan. "Sira, diba I've told you. You can use my car if there's a problem. Something might happen, you know that." Wika nito. "Yeah, kaya nga di kita ma-reached nang time na 'yon." Napailing sya. "Well, sorry.. Shutdown siguro ako non, alam mo na busy ang linya." Panghihingi nito ng paumanhin. "As always." Nagkwento rin si Evonne sa kaniya nang ilang mga bagay na nangyari rito. Matapos magkwentuhan ay sabay silang tumayo upang lumabas na ng resto. "So saan na punta mo ngayon?" Tanong sa kanya ng kaibigan. "Balak kong mamasyal, sama ka?" Aya nya rito. "Saka na, alam mo na busy." "As usual,"pasungit n'yang sambit. Ngumiti na lamang ito sa kanya. "Don't worry dear sasamahan kita sa next mong lakad. Wag muna sa ngayon." "Okay lang, naiintindihan ko naman." Sumenyas ito na mauna na itong sumakay ng kotse. Tumango na lamang sya bilang sagot. Sandali pa ay umalis na ito. Napangiti sya ng mapait. Alam n'yang wala na itong time sa kanya. Simula kasi nang lumipat ito sa trabaho bilang interior designer, sunud-sunod na ang pagiging abala nito. Hindi nya maitago sa sarili na namiss nya ang kaibigan. Ito lamang kasi ang palagi n'yang kasa-kasama sa tuwing mag-a-out of town sila. Pumasok na sya ng kotse at pinaharurot ang takbo ng sasakyan. Dinaanan nya muna ang office upang i-check bago sya umuwi ng bahay. Pagpasok nya ng subdivision ngumiti ang isa sa mga guard na nagbabantay ng gate. Sinuklian naman nya ito ng matamis na ngiti. Dali-dali s'yang umakyat upang mag-impake ng ilang mga dadalhin. Isang backpack lamang ang dala nya. Nagbihis narin sya. Isang kamiseta na puti na itinali ang ibabang parte nito. Shorts lamang ang itinambal nya rito. Tapos ay itim na shoes. Litaw na litaw ang maputi at makinis n'yang mga balat sa suot. Simple lamang s'yang babae, slight lang din ang make-up nya. Kaunting blush on lamang at liptint. Ayos na iyon sa kanya. Hindi na nya kailangan pang maglagay ng foundation o kahit na anumang eyebrows at eyeliners. Makapal narin ang kilay nya na maganda naman ang pagkakaayos. Tinambalan pa ng maladiwatang mga mata at mahahabang pilikmata. Napangiti sya sa harap ng salamin. I am really gifted.. Sa isip nya. Inayos nya ang sarili at lumabas na ng bahay. Hindi nya kinalimutan na magdala ng foods at tent. Nagbakasakali narin sya dahil tatlong araw ang ilalagi nya roon. Sinigurado n'yang kumpleto sya sa gamit upang hindi sya magkaproblema. Bago pa man makapasok ng sasakyan ay napansin na nya si Alvin na papalapit sa kanya. Humarap sya dito. "Aalis ka?" "Yeah." Sagot nya. "Where you goin'?" Tanong muli nito. "Somewhere." Hindi na ito nag-abala pang magtanong ulit. Alam na nito kapag ganun ang sagot nya. Ayaw n'yang malaman nito kung saan sya pupunta. Masyado kasi itong mapag-usisa. "Alam na ni Mom." Iyon lamang ang sinabi nya upang hindi na ito mag-alala pa. Para kasi itong ama nya kung umasta minsan. "Okay then. Well, take care." Iyon lamang at umalis na ito. Marami s'yang bagay na gustong gawin. Iyon lamang ang pagkakataon na mamamasyal sya na hindi kasama si Evonne. Beach ang unang pumasok sa isip nya. Balak n'yang mag-surfing. Alam n'yang gagawin nya itong mag-isa. Ayos lang, lots of time. Yeah, marami pang next time para sayo Evonne. Mahaba-haba ang oras na binyahe nya. Tinawagan nya si Sella upang ihanda ang yate ng daddy nya dahil ito ang kanyang gagamitin. Ipinahanda at ipinaayos niya rin ang ilang mga kagamitan. Pagdating nya sa kanilang Resthouse nagpahinga muna sya nang ilang oras bago sya umalis ng port.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD