Sakay ng kabayo, inilibot sya ni Kyle sa ilang bahagi ng Isla. One of her dream is to spend time with her family sa ganoong lugar. But maagang nawalay sa kanila ang kanyang ama. Kaya't naging abala narin masyado ang kanyang Ina sa family business nilang amusement park. Nalungkot s'yang bigla nang maalala ang kanyang sweet Daddy na kahit pa noong kamusmusan nya ay tinatawag s'yang daddy's girl. Dahil sa mas malapit sya rito kaysa sa Ina. Ito kasi ang kauna-unahang nagturo sa kanyang mangabayo. Naging best friend nya ito sa lahat ng oras at bagay. Sumilay sa kanyang labi ang mapait na ngiti na animo'y maglalaglagan ang kanyang mga luha.. Pinilit n'yang huwag ipahalata iyon sa binata. "Are you okay?" Concerned nitong tanong. "Yeah." Maikli n'yang sagot. "Really." Alam n'yang hindi ito ku

