Chapter 11

1027 Words
Napasarap yata ang tulog ko.. Kyle blinked his eyes. He saw the clock on the wall, exactly 3:30 in the afternoon. Nakatapat iyon sa kama nya kaya't madali n'yang malalaman kung anong oras na. He remembered na mag-ho-horse ride pa sila ni Angie. He promised to her. Kinuha nya ang cellphone upang tawagan ang tagapag-alaga ng mga kabayo. She wants that white horse.. Inaasahan na nya na sa unang kita palang ay magugustuhan na nito ang kabayong si Crescent. Napailing sya. "Mang Tom, pakihanda po si Lapid at si Crescent, gagamitin po namin." Iyon lamang at nilapag na nya sa lamesa ang phone. Inabot nya ang tubig saka tumayo palabas ng balkonahe. Napalingon sya sa kabilang banda. Napako ang paningin nya sa babaeng nakatayo sa kabila. Angela's really beautiful.. She drove me crazy.. Naaaliw sya habang pinapanood ang pag-uunat nito sa sarili. Halatang bagong gising rin. Nakasuot lamang ito ng manipis na puting robe, na bakat ang ka sexy-han nito sa suot na white spaggetti at fitted shorts. Nakalugay ang mahaba at medyo curl nitong buhok. She's unique.. I've never seen someone like you.. Palihim s'yang humahanga sa kagandahan ni Angie. Sa tuwing pinagmamasdan nya ang dalaga ay hindi nya mapigilan ang sarili na purihin ito. Her angelic eyes.. I love everything about you Angela.. Napakurap sya nang mapansing nakangiti na ito habang nakaharap sa kanya. "Are you okay Mr. Kyle?" Halatang pinipigilan nito ang tawa. Napangiti sya, hindi sya makapaniwala sa sarili na ganoon na lamang kung sambahin nya ang kagandahan nito. Napakunot noo sya at lihim na napalunok. "Oo naman." Medyo lumapit pa ito sa balkonahe na kinaroroonan nya. Kahit na ilang distansya lamang ang balkonahe nila ay para itong magkadikit sa lapit. "Punta ka rito. Hindi yung para kang ano jan." "Ano?" Kunot-noo n'yang tanong. She chuckled. Ayan na naman. Ayan na naman ang tawang nakakabuhay ng damdamin nya. "Ready kana ba?" Iniba nya ang usapan. "Nope." Sinagot nito ang tila nagtatanong n'yang mga mata. "I want something to eat before we go." Napangiti sya. "Gutom na ang baboy." Natatawa n'yang sambit. "Anong sabi mo?" Mas lalong lumuwang ang ngiti nya nang makitang sumimangot ito. Walang sabi-sabing pumasok sya sa loob ng kwarto. Nakabilibid ang kanyang mga braso habang nakasimangot na naiwan sa balkonahe. Alam n'yang tama ang kanyang narinig at hindi sya nagkakamaling tinawag s'yang baboy. Napatingin sya sa kanyang buong katawan. Kailan pa sya naging baboy? Napataas ang isa n'yang kilay. Narinig n'yang bumukas ang pinto ng kwarto nya. Pumasok sya sa loob para tingnan kung sino iyon. Lumantad ang nakangiting si Kyle. Mas lalo pa tuloy s'yang nainis. Tiningnan nya ito ng masama. Mas lalo pa itong ngumiti at sabay lapit. "Joke lang yun." Natatawa nitong sambit. "No it's not." Kontra nya. "Baboy na payat." Mas lalong lumuwang ang ngiti nito sa nasabi. Mas lalo s'yang nairita sa narinig. Tumaas lalo ang kilay nya at akmang lalapitan ito para hampasin nang umiwas ito. Tumawa pa ito lalo na tila iniinis talaga sya. Mas lalo s'yang nainis kaya't kinuha nya ang unan sabay hagis dito. Nagulat pa sya nang gumanti ito ng hagis ng unan sa kanya. Tawa pa ito ng tawa. Akala mo huh,, lagot ka sakin.. Lumapit sya rito upang itulak ito dahil sa inis. Hindi nya inaasahan na hawakan sya nito sa likod at braso. Tuloy nasali narin s'yang bumagsak sa kama. Napaibabawan nya si Kyle. Nagkatitigan sila pareho. Napagmasdan nya saglit ang kagwapuhan nito sa malapitan. Mula mata hanggang mga labi. Ilang segundo pa ay napapalunok na sya. Hindi nya mawari ang kakaibang nararamdaman. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso nya nang may maramdaman sya sa ibabang parte nila. Napakunot ang noo nya habang si Kyle naman ay nakatitig lamang sa kanya ng seryoso. Napabalikwas sya nang bangon. Napatayo sya sa harapan nito. Nahagip ng paningin nya ang tila lawaran ng p*********i nito na kanina'y kanyang naramdaman. Dahil sa shorts na suot nito kaya't parang bumakat ang isang bagay na tila nagpupumiglas kanina habang nakadagan sya. Umiwas sya ng tingin dahil sa kaba na nararamdaman. Pakiramdam nya nakakarindi ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Para itong lulukso sa dibdib nya. Nakita n'yang naupo sa kama si Kyle. "Everything's ready. Bumaba na tayo para makapagmeryenda na at para makapangabayo na tayo." Seryoso nitong wika. Iyon lamang at lumabas na ito ng kwarto. Wala s'yang nagawa kundi ang sumunod. Habang kumakain ay panay ang palihim na pagtingin nya kay Kyle. Kapag ito naman ang napapatingin ay mabilis s'yang umiiwas. Hindi nya mawari ang nararamdaman na ayaw naman n'yang maramdaman. Dati pa n'yang pinipigilan ang sarili pero alam n'yang kahit anong pigil nya may parte sa kanya na gusto iyon. Subalit habang umiinom ng tubig ay nagkatinginan silang pareho. Nagkatitigan sila. Mas lalo pa tuloy lumakas ang kabog ng dibdib nya. Naubo sya sa harap nito dahil sa pagkasamid. Dahilan upang lumapit ito at hagurin sya sa likod. Tila mainit sa pakiramdam nya ang kamay nito na nakalapat sa kanyang likod. "Okay na 'ko, thank you." Hinawakan nya ang kamay nito upang alisin na pero tila mas lalo pa s'yang nakuryente. Nagkatitigan pa silang muli. Mabilis s'yang tumayo. "Ah, okay na ako. So, come on?" Yaya nya kay Kyle. "Puntahan muna natin sina Lapid at Crescent. Para tingnan kung nasa maayos na kondisyon." Sumang-ayon sya. Naglakad sila papuntang barn. "His name is Lapid, my horse." Ang tinutukoy nito ay ang brown na kabayo na nasa loob. Nagmasid sya sa paligid. Hinahanap ng kanyang mata ang puting kabayo kanina na kanyang natanaw. Naglakad pang muli si Kyle. Sumunod sya rito. Kasama nila si Mang Tom ang tagapag-alaga ng mga ito. Napangiti sya nang makita ang puting kabayo. Hinimas himas nya ang balat nito. "Yan si Crescent, she's a female horse. Alam kong magugustuhan mo yan." Ngumiti sya sa binata. "Gusto ko s'yang sakyan." "I know." Ipinalabas na ni Kyle ang dalawang kabayo kay Mang Tom. Ibinigay nito sa kanya ang tali ng puting kabayo. Habang hawak-hawak naman nito ang sariling kabayo na si Lapid. "Mag-iingat ka.." Mahina n'yang tugon matapos alalayan itong makasakay. Kumindat at ngumiti si Angie sa kanya saka sinimulang patakbuhin ang kabayo. Sumunod na lamang sya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD