"Hi Ma,"
"Good morning hijo."
Hinalikan ng Ginang sa pisngi si Kyle.
"Hi Dad, this is Angela, my friend."
Nakangiti ito na ipinakilala sya sa ama. Lumapit naman sya sa mga ito. Nasa loob sila ng Gazebo nang oras na iyon.
"Good morning po," bati nya sa mga ito.
Itinabi ng Ginoo ang newspaper na kanina'y binabasa nito. Tumayo ang mga ito. Seryoso ang mukha ng Ginoo, habang ang Ginang naman ay nakangiti sa kanya. Inilahad ng ama ni Kyle ang kanang kamay.
"Nice to meet you hija, ako si Gabriel Alexander Madrigal, ang Daddy ni Kyle. Si Julia Bernadette naman ang Mommy nya."
Tinanggap nya ang pakikipagkamay nito. Ngumiti sya sa mga ito at ipinakilala narin ang sarili nya.
"Ako po si Angela Samantha del Valle taga Maynila po ako. Nice to meet you po."
Natuon ang pansin nya sa Ginang na kanina pang nakangiti sa kanya..
"Del Valle? Hija, sino ang mga magulang mo?"
"Si Mathilda Elizabeth Martinez po ang aking Ina while my Dad's name is Vincent Ignacio del Valle po." Sagot nya.
"Ganoon ba."
"Opo," magalang n'yang sagot.
"Hija, masaya ako na makilala ka. Halika at sasamahan kita sa loob."
Naiwan ang mag-ama sa Gazebo. Isinama sya ng Mommy ni Kyle papasok sa loob ng Mansion.
Malawak ang kaloob-looban ng bahay. Matatawag mo s'yang Mansion dahil sa kalakihan nito. Maraming mamahalin at antiques na kagamitan. Inilibot nya ang buong paningin sa paligid. Maraming mga paintings ang makikita na nakasabit sa wall. May isang painting s'yang napansin na sa pakiwari nya ay nalipasan na nang maraming taon dahil narin sa anyo nito.
Maaliwalas at maliwanag tingnan ang loob ng buong kabahayan dahil narin siguro sa ilang malalaking chandelier na nakasabit sa kisame. Nakabukas rin ang ilang sliding doors at mga window glass. Kaya't nakakapasok sa loob ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw. Pati narin ang preskong hangin na nanggagaling mula sa labas.
"Alam mo hija, minsan lang pumunta rito si Kyle. Ikaw rin ang pangalawang babae na dinala nya rito."
Napaisip sya.
"Ganun po ba?"
"Yes, hija. Well, saan kayo nagkakilala? Ngayon lang kita nakita. School mates ba kayo dati?"
"Naku, hindi po. Last week lang po kami nagkakilala."
"Ah, kaya pala."
Iginiya sya ng Mommy ni Kyle paakyat ng hagdan. Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng bahay.
"Matagal na ang bahay na ito. Kapanahunan pa ng mga Lola at Lolo ni Kyle. Pinapa-renovate lang namin para tumagal pa."
"Ahh, ahm pwede ko po ba kayong tawaging Tita nalang?"
Ngumiti ang Ginang. Natanggal ang kaba at pag-aalala nya.
"Sure hija, walang problema."
May iilan pang mga old paintings na nakasabit sa hallway ng mga kwarto. Marami ring mga furniture ang madadaanan mo sa gilid ng hallway. Binuksan ng Mommy ni Kyle ang isang kwarto. Pumasok sila sa loob.
Nagliliwanag ang loob ng kwarto. Maayos at malinis ito. Nakaayos ang mga gamit na nakapatong sa lamesa. May malaking cabinet rin na nakadikit sa wall. Meron itong master's bedroom na kulay puti ang beddings. Mas malaki ito kung ikukumpara sa kwarto nya sa bahay nila.
Tila gusto n'yang mahiga. Pero pinigilan nya ang sarili. Hindi pa man nya nahahawakan ang kama pero pakiramdam nya malambot na malambot iyon na tila kay sarap higaan.
"Dito ka muna habang nagpapalipas ka ng ilang araw. Ito yung kwarto mo. Sa kabila yung kwarto ni Kyle."
"Salamat po Tita."
"Pwede ka munang magpahinga, malayo ang binyahe mo. Bababa na ako, kung may kailangan ka hija bumaba ka lang. Okay?"
"Yes po."
Naiwan na sya sa loob. Ang kanina pang pagpipigil nya na mahiga ay tinapos na nya. Dahan-dahan s'yang nahiga sa kama. Tama sya sobrang lambot nga niyon.
Sa wakas.. I feel so tired. Nakakapagod pala talaga ang gumala.
Narinig nya ang katok mula sa pintuan ng kwarto nya.
"May I come in?"
Nakilala nya ang boses ni Kyle mula sa labas.
"Yeah."
Iyon lamang at bumukas na ang pinto. Naupo sya sa kama at inayos ang sarili.
"So how are you? If you don't mind pwede ba akong makitulog rito?" Seryoso nitong wika.
Tumaas ang isa n'yang kilay. Hindi nya alam kung maiinis sya. Pagkapasok na pagkapasok nito iyon ang unang sasabihin. Mabilis nya na nabato ito ng unan. Iyon lamang kasi ang nadampot nya sa kama. Nakita n'yang tinamaan ito.
Humagalpak lamang ito ng tawa. Mas lalo s'yang nainis.
"Nagbibiro lang ako. Masyado ka namang seryoso."
Inirapan nya lamang ito. May kumatok muli sa pinto. Nakita n'yang pumasok ang may edad na katulong.
"Sir, Ma'am, eto po yung bag nyo."
Matapos ilapag sa sofa ay lumabas na ito.
"Come on, let's eat. Alam kong kanina ka pa nagugutom. Handa na yung pagkain sa baba."
Tumayo na sya at sumunod rito.
Naabutan nya ang Lola at Lolo ni Kyle sa baba. Malalakas parin tingnan ang mga ito sa kabila ng katandaan. Ang Lolo ni Kyle ay may dalang baston dahil hindi na raw masyadong makalakad ang isa nitong paa. Habang ang Lola naman nito ay nakakatayo at nakakalakad parin ng maayos.
Ipinakilala nya ang sarili sa harap ng Lolo at Lola ni Kyle. Nagtanong ang mga ito nang ilan pang mga katanungan sa kanya na masaya naman n'yang sinagutan. Natutuwa sya sapagkat sa ganoong edad ng mga ito ay nakakasama parin ni Kyle ang mga Lolo at Lola nito. Masaya s'yang nakipagkwentuhan sa mga matatanda.
Matapos kumain ay inihatid sya ni Kyle pabalik ng kwarto. Gusto nya kasing magpahinga sa loob. Napagod rin kasi sya sa paglalakbay mula pa Palawan hanggang sa makarating sya roon.
"Later on, mga 4 o'clock in the afternoon sasamahan kitang mag horse ride."
Ngumiti sya sa binata. Sumampa sya ng kama at dumapa. Humarap sya sa binata na nakaupo sa sofa.
"You're so lucky." Bulalas nya.
"Pa'no mo naman nasabi?"
"Cause you have parents na mababait and sa edad mong 'yan nakakasama mo pa ang mga grandparents mo."
"Bakit ikaw?" Tanong nito.
Umiling-iling sya.
"Alam mo, ganyan talaga ang buhay. We doesn't know kung hanggang kailan lang tayo sa mundo. Iba-iba rin ang situations natin sa buhay. But still we should be thankful for what we have. And keep on enjoying things around us."
Tumango-tango sya bilang pagsang-ayon.
"Mamaya na tayo mag-usap magpahinga ka muna."
Naiwan s'yang tahimik sa loob. Umayos na sya ng higa. Napangiti sya. Hindi nya in-expect ang mga mangyayari nang araw na 'yon.
Tama sya, only God knows..