bc

The Rise of the Fallen Ex-Wife

book_age18+
72
FOLLOW
1K
READ
self-improved
drama
bxg
city
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Harper Mercader, isang babae na ginupo ng pagkakataon. Isang asawa na labis na nagmamahal ngunit naiwan na umaasa at nasasaktan. Muli na babangon at bubuuin ang sarili upang maipaghiganti ang kan'yang puso na nasugatan.

Evan Ruiz, isang lalaki na namumuhay sa galit at poot. Walang iba na hinangad kung hindi ang makaganti sa mga tao na nanakit sa kan'ya at sa kan'yang pamilya. Walang pipiliin ang kan'yang puso sa paghihiganti, lalo na sa babae na tinalikuran siya sa kanilang kasal.

Sa mundo ng pagkabigo at pag-aalinlangan; Sa mundo na puno ng galit at paghihiganti; Sa mundo ng lokohan at pagtatraydor; May tunay na pag-ibig pa kaya na sisibol?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sign the divorce papers, Harper. This is it. Tigilan na natin ito. I’m sorry, pero hanggang dito na lang tayo." Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko nang marinig ang mga sinabi na iyon ni Brent. Hindi ko akalain na sa araw na ito guguho ang mundo ko. Hindi ko napaghandaan ang mga bagay na ito. Hindi ako nakasagot at nanlalaki ang mga mata na nakatitig na lamang ako sa dokumento na ipinatong niya sa lamesa sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa desisyon niya na ito. Saan ito nanggaling? Maayos naman ang pagsasama namin bilang mag-asawa, pero bakit bigla na lamang na humihingi siya ngayon ng divorce? "A-ano ang ibig sabihin nito, Brent?" Ito lamang ang tanging salita na nabanggit ko sa nauutal na paraan ilang minuto matapos ko na mahimasmasan sa sinabi niya. "Divorce. I want a divorce." Walang ka-emo-emosyon na sagot niya sa akin. Unti-unti na pumatak ang luha ko. Hindi pala ako nagkamali nang narinig. Divorce, tama ito ang narinig ko sa unang beses at ito pa rin ang salita na rumehistro sa utak ko sa pangalawang beses niya na pagsabi nito. "Divorce? Bakit? May problema ba tayo, Brent? Bakit bigla-bigla naman yata ito?" Sa mga oras na ito isa lang ang tumatakbo sa isip ko: Sana isang panaginip lamang ang lahat ng ito; sana magising na ako sa bangungot na ito. "Matagal na tayo na may problema, Harper, kaya maghiwalay na tayo. Pirmahan mo na ang mga papeles na ito para maging pinal na ang lahat sa atin." Muli niya na inilapit sa akin ang mga dokumento, pero tinitigan ko lamang iyon sa aking harapan. Wala akong lakas na basahin ito o kahit hawakan pa. Pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay unti-unti na masisira ang natitira na sanidad na mayroon ako. "May problema tayo? Kailan pa? Ba-bakit hindi ko ito alam? Ano ang problema? Ayusin natin ito, Brent. Hindi solusyon ang paghihiwalay at lalo na hindi solusyon ang diborsiyo." Pagmamakaawa ko pa habang patuloy ang paglagaslas ng mga luha sa aking mata. "Matagal na tayo na may problema, Harp. Hindi mo lang hinaharap, pero ito ang katotohanan. I’m sorry, hindi ko gusto na umabot sa ganito pero hanggang dito na lang tayo. I love someone else." Lalo ako na nagulat nang marinig ang huling bahagi nang sinabi niya. May mahal na siya na iba? Sino? Bakit? Saan ako nagkulang? "Ano? Ma-may mahal ka na iba? Bakit? Nagkulang ba ako? May mali ba ako? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? Bakit, Brent? Bakit!?" "I’m sorry, Harper. Hindi ko sinasadya pero nangyari. Hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa kan'ya pero ‘yon ang katotohanan, nahulog na ako sa kan'ya." Nagkakagulo ang utak ko. Hindi ko malaman kung tama ang mga naririnig ko. Ang alam ko lang ay hindi na niya ako mahal at may iba na siya. Ito ang lubos na nagpapasakit sa puso at damdamin ko. "How could you? I gave up everything for you. Lahat ng gusto mo ay ginawa ko. I made you my world, even my whole universe, tapos sasabihin mo lang sa akin na may iba ka nang mahal?" "Ano ang gusto mo, Harper, patuloy tayo na maglokohan? Patuloy ko na pilitin ang sarili ko na makisama sa’yo? Patuloy ka na papaniwalain na mahal pa rin kita kahit na alam ko sa puso ko na may iba nang nagmamay-ari nito?" "No, Brent, don’t do this. Ayusin natin ito. Let’s try to make this work. We can make this work. We love each other, Brent. Please, Brent." "Matagal na ako na may mahal na iba, Harper. Hindi ko na kaya na dayain pa ang sarili ko. Hindi mo ba napapansin na hindi na ako ginaganahan sa’yo? Dahil ‘yan sa may iba na ako. Halos isang taon ko nang niloloko ang sarili ko at pinapapaniwala na baka sakali na isa lang itong phase ng pagloloko. Pero hindi, dahil nang papiliin niya ako ay naramdaman ko na siya ang hindi ko kaya na mawala sa akin. I can’t let her go. So, sign the divorce papers." "No. I won’t sign it, Brent. I won’t." Pagmamatigas ko pa sa kanya. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya nang magmatigas ako na pumirma sa divorce agreement na iyon. "Ano ang gusto mo? Pera? Itong bahay? Name it, Harper, and I’ll give it to you. Parte ng kita sa kumpanya? Sige, isasama ko iyan, just sign the divorce papers." "I can’t, Brent. I can’t do it. I can’t let you go. I love you so much, Brent. Please don’t leave me. Gagawin ko ang lahat, just please, ayusin natin ito." "Hindi na natin ito maaayos, Harper. We can never go back to what we were before. Mahirap ba na intindihin na hindi na ikaw ang mahal ko?" Inis na turan niya sa akin habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. "But why? Bigyan mo ako ng rason, Brent. Give me a reason, not an excuse, to get out of this marriage. I need a valid reason, kailangan ko maintindihan kung bakit gusto mo na talikuran ang kasal na ito. Kailangan ko ng rason kung bakit ang dali para sa'yo na itapon ang lahat-lahat. Bakit ang bilis-bilis mo na sumuko?" "You want the truth? Fine, I’ll give you the truth. You don’t excite me anymore, Harper. I don’t feel satisfied with you anymore. Nang may matikman ako na iba ay nagsawa na ako sa’yo. You bore me. I don’t get the same stimulation I get from her from you. It’s just different." sigaw niya sa akin. "What?" bulong ko. Hindi ko alam kung tama ang intindi ko sa sinabi niya. So this is all about s*x? Just about s*x, then we end up talking about divorce? "Don’t keep asking questions, Harper. Masasaktan ka lang." "So this is just about s*x? You’re divorcing me just because of s*x!?" sigaw ko rin sa kan'ya. "Yes! You’re just too frigid. Wala pa nga tayong anak pero wala ka na rin na ka-rea-reaksyon sa kama. You don’t want to experiment; you don’t want to try new things. You’re boring me." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko mapaniwalaan na s*x lamang ang dahilan kaya siya nagkakaganito. Almost three years of marriage, ngayon ay gusto niya na makipaghiwalay dahil lang may iba na nakakapagpa-excite sa kan'ya sa s*x?! "Making love is different from having s*x, Brent." "f*****g and having s*x with Elise is synonymous with love for me." sigaw pa niya muli sa akin. At doon nalaglag ang puso ko sa pangalan na binanggit niya. "Elise?! Si Elise?" Ang kabit niya ay si Elise, ang best friend ko. --- "Beb, buti naman at dinalaw mo ako ngayon. Akala ko ay matatapos na naman ang bakasyon ko pero hindi mo pa ako dadalawin." Ito ang nakangiti na bungad sa akin ni Elise nang bisitahin ko siya sa condo unit niya. "Sobra ang busy mo sa nakalipas na mga araw at hindi kita mahagilap kahit naka-break ka." Sagot ko sa kan'ya habang dumiretso ako ng upo sa sala niya. "Aww, sorry, beb, nag-out of town ako last week. Alam mo naman, I need my beauty rest, lalo na at sasabak ulit ako sa runway." Nakangiti pa niya na kuwento sa akin. Ngiting-ngiti siya habang nagpupuyos ako sa galit sa kan'ya. Hindi ko akalain na ang matalik na kaibigan ko pa ang mismong ahas na sisira sa pagsasama namin ng asawa ko at tutuklaw sa akin ng harap-harapan. Lalo na hindi ko maisip kung bakit si Brent pa. Sa kan'ya ako nagsasabi ng lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Brent, tapos ay aagawin niya lamang sa akin ang asawa ko. Hindi man tuluyan na inamin ni Brent kahapon kung sino ang Elise na nabanggit niya, ngayon ay siguradong-sigurado na ako. Ang Elise na kabit ni Brent at si Elise Alano na matalik na kaibigan ko ay iisa. Nagpaalam din si Brent noon isang linggo na may out of town business trip siya. Halos isang buong linggo rin siya na nawala at ayaw ko nang isipin ang mga pinaggagagawa nila na kahalayan sa mga panahon na magkasama sila. "Huy, beb, ano na ang nangyari sa’yo? Sabi ko ano ang gusto mo na inumin?" Umiling na lamang ako bilang tugon. Tumayo siya sa pagkakaupo at dumiretso sa bar. Kumuha siya ng isang baso ng alak at humarap siya sa akin upang ialok ang baso na hawak niya habang ngiting-ngiti pa. Sa mga oras na ito ay wala akong iba na gusto na gawin kung hindi ang ilampaso ang mukha niya sa sahig upang maalis ang plastik na pagkakangiti niya. "By the way, beb, nagpaalam ka ba sa asawa mo na pupunta ka rito?" Tanong pa niya habang umiinom ng alak. "Hindi." matipid na sagot ko. Bigla naman siyang humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Why? Trouble in paradise again?" Pang-aasar pa niya. Hindi ako umimik at diretso na tumingin na lamang sa kawalan. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa aking tabi saka yumakap sa akin. "Huy, ano ang nangyari? May problema kayo? Ikuwento mo ‘yan, beb." Pamimilit pa niya. Lalo nang nag-iinit ang ulo ko kay Elise. Napakagaling niya na magpanggap, at akala mo ay totoo na nag-aalala siya para sa amin, pero sa kaloob-looban niya ay nagdiriwang siya sa saya. "Hindi na. Ok lang ako. Maaayos din namin ito. Kami pa ba?" sagot ko na lamang. "Ano ba kasi ang nangyari? Hay, beb, bakit hindi mo na lang hiwalayan iyang asawa mo?" Mabilis ako na napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Marahil nahalata niya ang aking naging reaksyon. "Bakit naman hiwalay agad, beb? Puwede naman na mag-usap muna kami, diba? Alam mo naman kami ni Brent, ganito lang talaga kapag nami-miss namin ang isa’t-isa." sagot ko sa kan'ya. Napansin ko ang pag-ismid niya sa akin, pero agad niya na binago ang ekspresyon ng kan'yang mukha. "Beb, kung halimbawa na malaman mo na nambababae ang asawa mo, ano ang gagawin mo?" Makahulugan na tanong niya sa akin. Agad naman ako na humarap sa kan'ya at tinitigan siya sa mata. "Hindi ko alam. Pero ang alam ko hindi ako papayag na mawala sa akin ang asawa ko. Ako ang asawa kaya ako ang may higit na karapatan. At isa pa, ang mga kabit ay pampalipas oras lamang. Ang inuuwian ay ang tunay na asawa pa rin." Sagot ko sa kan'ya na agad na nagpadilim ng pagtingin niya sa akin. "Beb, maaari na sa asawa nga nauwi, pero ang puso, isip at ang katawan ay nasa ibang babae na. Gugustuhin mo ba 'yon? Ikaw nga ang kasama pero ang buong pagkatao niya ay hindi ikaw ang iniisip at inaalala?" Alam ko na sa mga oras na iyon ay nagkakaintindihan na kami. Alam ko na alam na niya na alam ko na ang sikreto niya. Ang sikreto nila ng asawa ko. "Atleast nasa akin pa rin siya. Wala akong pakialam kung ang puso o isipan niya ay nasa iba na. Ang sigurado ako ay init lang ng katawan ang dahilan kaya naliligaw ng landas ang mga lalaki." "Pathetic!" angas niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay saka matapang na sumagot. "Hindi ba at mas pathetic ang mang-agaw ng asawa ng may asawa? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga babae na naaatim na agawin ang hindi sa kanila? Ang dami naman diyan, pero ano ba ang mayro'n sa may-asawa at mayroon nang nagmamay-ari at bakit iyon pa ang gustong-gusto na agawin?" "Well, hindi mo sila masisisi. Everyone likes challenges; mas patago ay mas nakaka-excite." Sagot pa niya na halata na pinipigil ang galit. "Baka nga na mas may excitement kapag alam na may inaagaw. Well, sana huwag karmahin ang mga mang-aagaw." Pagkasabi ko no'n ay agad ako na tumayo at nagpaalam. "I’ll get going. See you around, beb." Nilingon ko siya ng saglit saka ako naglakad papunta sa pintuan, ngunit napahinto ako ng muli siya na magsalita. "Divorce him, Harper!" Matapang na utos niya sa akin. Nang harapin ko siya ay kita ko ang paniningkit ng mata niya sa akin. "Why would I? Para maging masaya ka?" "Hindi ka na niya mahal!" "At sino ang mahal niya, ikaw? Gaano mo nasisiguro na ikaw ang mahal niya?" "Sign the divorce papers, Harper. Let us be happy. Huwag ka maging selfish at huwag mo ipagkait sa amin ang kaligayahan namin." "Look who’s talking? Kung pagiging makasarili lang ang pag-uusapan, ikaw na ikaw lang iyon. Sa sobrang makasarili mo nga kahit asawa na ng matalik na kaibigan mo ay nagagawa mo pa na akitin at agawin." Tumayo siya at lumakad papalapit sa akin. Kitang-kita sa nanlilisik na mga mata niya ang galit sa akin. Matapang ko rin siya na hinarap at tinitigan. "Sign the f*****g divorce papers! Ano ba ang kailangan mo para pirmahan mo ang pesteng dokumento na iyon?" "Pirmahan ko para ano? Para lubusan ka na maging masaya? Isa kang ahas, Elise. Tinuring kita na halos parang kapatid ko na tapos ay ito lang ang igaganti mo sa akin. Marami naman iba riyan, bakit si Brent pa? Maganda ka, sikat, makukuha mo ang lahat ng gustuhin mo pero bakit ang asawa ko pa, Elise, bakit?" "Dahil asawa mo siya! Gusto ko lahat nang sa’yo ay maging sa akin. Kaya pirmahan mo ang pesteng divorce papers na ‘yan. I won’t stop, Harper, until I get what I want. Masasaktan ka lang kaya ngayon pa lang, save yourself from the hurt. Sign the divorce papers and walk away." "I won’t!" Pagmamatigas ko pa, pero ang huling sinabi niya ang tuluyan na pumutol sa natitira na pag-asa ko ng pagkakaayos namin ni Brent. "My baby needs a father, Harper. Buntis ako. Buntis ako kay Brent."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

His Obsession

read
73.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook