Madilim sa loob ng apat na sulok ng maliit na kwarto. Tanging ang kaunting liwanag lamang na ibinibigay ng maliit na table lamp at sinag ng buwan na tumatagos sa may bintana ang siyang nagbibigay liwanag sa buong silid. Patihayang nakahiga sa kama si Primo at nakaunan sa kaliwang braso niya ang kanyang ulo at ang isa naman niyang kamay ay may hawak na phone at nakatapat sa kanang tenga niya. Wala siyang suot na sando man lang kaya nadadama niya ang medyo malamig na panahon ngayong gabi. Tinatamaan ng sinag ng buwan ang malapad niyang dibdib at kanyang mga abs. “Kumusta ka diyan, Nay? Ayos ka na ba kahit nag-iisa ka lang diyan?” pagtatanong ni Primo sa kanyang ina na si Teresa na kausap niya sa kabilang linya at naiwan niya sa probinsya. Nandito siya sa syudad para magtrabaho at umuupa ng

